Chapter 10: Guni guni

24 1 1
                                    


"Ay putek.." gulat kong sambit ng biglang magbukas ang mga ilaw. Napapikit pa ako dahil sa liwanag na tumama sa mga mata ko.

"What are you doing?.." Mabilis kong inimulat ang aking mata ng marinig ang boses na nanggagaling sa bukana ng kwarto.

Pagkakita ko ay si Steven na gulo gulo ang buhok. Wala syang pang itaas at naka boxer lamang din sya. Mukhang galing sya sa higaan. Naalimpungatan siguro

Pero ganyan ba talaga sya matulog? Kailangan topless lang? At kailangan nakaboxer talaga?

Mabilis kong iniiwas ang paningin ko sa kanya. Bigla kasing pumasok sa isip ko yung sinabi nya dati.

Urgh!

Kinikilabutan ako kapag naiisip ang salitang yun.

"Wala. Kakauwi ko lang kasi. Ikaw san punta mo?.." Tanong ko ng hindi humaharap sa kanya

"Kusina.." Maiigsi nyang sagot naging sagot sakin.

Nakahinga lang ako ng malalim ng wala na sya sa harapan ko dahil nagtungo na sya sa kusina. Pumasok na ako ng kwarto para makapagbihis. Nakakaramdam na din kasi ako ng antok.

Kumuha lang ako ng sando na sky blue at black panjama pangtulog.

Nagtungo na ako ng CR at doon nagpalit. Mabilis lang din naman akong natapos. Paglabas ko ay nadatnan ko ng naroon si Steven sa kama at nakadapa.

Nakatalikod ang ulo nya sakin.

Napahinto ako.

Paano ako makakatulog ng maayos kung ganyan ang ayos nya at nakatopless lang din sya. Masyado bang maiinit o sadyang binabalandra nya lang yung mga nagsusumigaw nyang Abs.

Shit ano ba 'tong pinag iisip ko.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

No choice ako kundi ang tiiisin ang matulog katabi nya. Kung sa sala ako matutulog hindi naman magkakasya ang katawan ko sa sofa at sasakit pa.

Bala na nga. Hindi naman ako magulo matulog.

Pinatay ko na yung ilaw sa side table na malapit sakin bago nahiga. Dahan dahan lang ako ng galaw kasi baka magising ang natutulog na si Steven.

Shete! Ang liit ng pagitan naming dalawa. Makakaya ko kayang makatulog ng maayos?

Tumagilid ako patalikod kay Steven.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Inaantok na talaga ako pero yung diwa ko gising na gising parin.

...
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mga mata ko. Napatingin ako sa aking tabi. Wala na si Steven dito. Saan kaya sya nagpunta?

Laking pasalamat ko sa sarili ko ng maginhawa naman akong nakatulog.

Iniinat ko ang aking katawan ng maupo. Alas nuebe na pala.

Sabado ngayon kaya wala akong maiisip na gawin ngayong araw.

Tumayo na ako sa kama.

Nagmumog muna ako at hilamos bago lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit hinahanap ng mga mata ko si Steven. Wala sya sa sala kaya nagtungo ako ng kusina.

Pagkarating ko ay don naabutan ko syang nagluluto. Hanggang ngayon topless parin sya at tanging Apron lang ang tumatakip sa katawan nya.

Kahit katiting walang pumasok sa isip ko na may talent pala sya sa pagluluto. Samantalang ako?

Tsk! Nevermind na nga lang!

"Good morning.." Imik ko para makuha yung atensyon nya. Saglit syang tumingin sakin bago ibinalik ang mata sa kanyang ginagawa.

Sungit naman. Hindi man lang bumati ng good morning pabalik sakin. Napanguso nalang ako dahil don.

Daig nya pa ako. Parang lagi syang may dalaw at napaka sungit nya. Wala ba sa bokabularyo nya ang salitang NGITI NAMAN DYAN.

"Kain na.." Naupo na ako at kaharap sya. Omelette, fried rice at ham yung umagahan na niluto nya.

Sinimulan ko ng lantakan yung pagkain na inihanda nya. Masarap pala syang magluto ah? Hindi ko alam yun!

''By the way may mga files na pinadala si Mama for company. We need to analyze it after we ate.." Sabi nya ng hindi tumitingin sakin

"K.." Maiigsi kong tugon. Wala na rin naman akong sasabihin kaya bakit kopa papahabain.

Pagkatapos naming kumain naligo muna kami pareha bago aralin yung sinasabi ni Steven na files. Syempre nauna ako sa kanya maligo. Alangang sabay kami diba?

Based naman sa record ng Company ay mataas pa rin ang sales. Muka namang walang problema kaya bakit aaralin pa 'to.

Ipinilig ko ang aking ulo.

Hindi baka nagkamali ako ng analyze. One more time. Bawal akong magtangatangahan dahil kompanya namin at kinila Steven ang nakasalalay dito.

Nakailang ulit na ako ng check pero wala parin talaga. Wala namang problema sa mga sales at record.

Nag angat ako ng tingin sa kaharap kong si Steven na busy sa ibang files habang may tinatype sa laptop. Mukang siniseryoso nya talaga pagdating sa kompanya.

"Steven.." Tawag ko ng atensyon sa kanya. Nag angat naman sya agad ng tingin sakin

"Ano yun?.."

"Based on my observation, mukhang wala namang problema dito sa record ngayong buwan.."

Kinagat nya ang kanyang labi habang tatango tango.

"Can I see?.."

"It--.." Iaabot ko na sana yung files ng bigla syang tumayo sa kanyang inuupuang sofa.

Nanigas ako sa aking inuupuan ng pasalampak syang naupo sa tabi ko.

Nang maramdaman ko ang mainit nyang balikat sa akin ay wala ako sa sariling napalunok ng laway at natigilan. Yung tibok ng puso ko wala na naman sa tamang ayos.

Sa t'wing malapit sakin si Steven at the way na nagdidikit ang mga balat namin napakalakas ng epekto sakin.

Parang may mga kuryente na nagbubuhayan sa katawan ko.

OA man sa iba pero ganon yung feeling ko ngayon.

Humarap sya sakin na may maamong mukha.

Tumingin sya sa mga mata ko at napalunok ako ng laway ng mapansin kong dumako ang paningin nya sa mga labi ko.

"God has given you a beautiful and charming lips.."

Unti unti nyang inilapit ang kanyang labi sa akin.

Yung puso ko parang gusto ng lumabas sa dibdib ko. Napakalakas ng kabog at kaba na nararamdaman ko ngayon.

Balak nya ba akong halikan? Pero bakit? I mean bakit nya ako hahalikan?

Nang sobrang lapit na ng mukha nya sakin at ng makita na nakapikit na sya ay napapikit na din ako.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now