Chapter 6: Hon

20 1 0
                                    


"Inhale...Exhale..." Hindi ko alam kung naka ilang ganto na ako. Kinakabahan kasi ako sa pagdating ni Steven. Ngayon ang araw, ay hindi oras ng paglipat ko ng bahay. With him.

Iisipin ko palang na kasama ko sya kinukulangan na ako sa hangin

Kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng lobby pero wala pa sya. Siguro malapit na rin yun.

Okay nga yun na maya maya na sya dumating para mapa kalma ko yung sarili ko. Kinakabahan talaga ako.

Never ko talaga in'expect na makakasama ko sya sa iisang bubong.

*PEEP PEEP*

"Ay putek.." Gulat kong sambit ng may bumusina malapit sa harap ko. Hindi makita yung nagda drive kasi tinted yung salamin.

Tumabi ako ng konti baka may hinahanap or tinatawag sya sa loob gamit ang pag busina

Itinungo ko na lang muna ang ulo ko at pinaglaruan ang aking paa.

Pero di nagtagal ay napahinto ako ng may umapak ng sapatos ko.

Naka tsinelas lang sya ng Nike na kulay black

Napa angat agad ako ng tingin at medyo napaatras pa ako ng makita sya sa harapan ko.

Nakataas yung isang kilay nya na nakatingin sakin. Pero kahit salubong ang mga kilay nya parang mas bumagay at naging attractive sya sa mga mata ko

Nabaling naman ang tingin ko sa kotseng pula.
Kung ganon sya yung nandon sa loob? Sya yung driver? Sya rin yung bumusina kanina

"Ahm.." Imik ko

"Let's go." Malamig nyang sabi at saka nya kinuha yung maleta ko. Nauna na rin syang maglakad sakin.

Ganito naman role ko dito. Laging tinatalikuran. Tsk!

Nilagay nya yung maleta ko sa likod ng kotse. Ako naman ay sumakay na sa may passenger seat. Dun nya ako pinasakay dahil pag sa likod daw ay parang daw pinagmumuka ko syang driver ko.

Hindi naman. Kinakabahan lang talaga ako kapag malapit sya sakin. Pero siguro ngayon kailangan ko ng masanay

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan nya. Tulad pa rin ng dati. Hindi naman pati kami close para mag usap na parang close. Gets nyo?

Binuksan ko nalang yung bintana sa gilid ko para pumasok man lang yung hangin. Gabi naman kaya hindi na gaanong polluted yung hangin na malalanghap ko.

Condo din lilipatan namin sa Saint Montville dito sa Quezon City. Hindi naman kalayuan dito sa Campus namin.

Mabilis lang ang naging b'yahe namin kaya ng huminto ang sasakyan ay agad ko ng hinubad yung seatbelt ko para makababa

Kinuha ko na ang aking maleta sa likod ng makababa

"Tara na.." Muli nyang kinuha ang maleta ko at sya na ang nagdala. Wala na akong nagawa ng gawin nya yun

"Where's the floor room 995?.." Tanong nya dun sa babaeng receptionist.

Wala ako sa sariling napa irap ng makita yung babae na kinikilig

Kala mo talaga!

"Floor 18'th Sir.." Kinikilig sya dahil halata naman
masyado sa pisngi nyang pulang pula na

"Let--..."

Hindi ko na pinatapos pa si Steven sa sasabihin nya ng mauna na akong maglakad sa kanya papunta sa elevator.

Oh ha! This time ako naman ang tumalikod. Or should I say walk out

Ramdam ko naman na nakasunod sya sakin. At tama nga ang hinala ko.

Pumasok na kami ng elevator. Hindi lang naman kaming dalawa dito sa loob. May mga couple at meron pa nga ay matandang mag asawa

Nasa unahan ako ni Steven at sa likod ko naman sya. Yung dalawa namang matanda na mag asawa ay nasa gilid ko

Sa tingin ko mga nasa 60's na sila

Tatag din nila ah. Sa panahon kasi ngayon itlog nalang ang hindi naghihiwalay. Nalaman ko lang din yun. Kanino? Kay author.

"Bagong kasal ba kayo hi'ja?.."

"H-Ha?.." Gulat kong sambit ng humarap sa matanda. "Ako po ba kausap nyo Lola?.." turo ko sa aking sarili

"Oo. Bagong kasal lang ba kayo?..'' Ulit nya pa

Sarcastic akong natawa dahil dun sa tanong ni Lola. Grabe hindi ko inaasahan yung tanong nya.

Kasal daw? Muka ba kaming mag asawa nitong si Steven? Kahit nga sa panaginip hindi ko naimagine yun ei.

Sasagot na sana ako ng may maramdaman akong braso mula sa aking balikat. Paglingon ko ay braso ni Steven

"We're married ten years ago..'' At ngumiti sya

Ngumiti ba talaga sya?

Ngiti nya na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko.

Pero teka! Ten years ago? Twelve lang ako nun at sya naman ay fourteen. Paanong!

"Right Hon?.." Bumaling sya sakin habang dala dala pa din ang kanyang napaka gandang ngiti

"Ano?.." Gulat ko ulit na sambit
.
Hon? Nabingi ata ko at para bang hindi ko narinig yung sinabi nya

First time ko marinig yun sa ibang tao

At sa kanya pa talaga nanggaling?

Tumunog na yung elevator hudyat na nandito na kami sa 18'th floor

"Magtagal pa sana kayo mga apo..'' Pahabol pa ni Lola

Pero teka! Naniwala ba talaga si Lola? Parang gusto kong matawa!

Hinila na ako ni Steven palabas ng elevator hawak yung kamay ko

Is it real o nananaginip lang ako?

Wala ako sa sariling napangiti habang hawak hawak nya yung kamay ko. Palingon lingon din sya sa paligid dahil hinahanap nya yung room namin

Shete. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kenekeleg eke

''Were here. Its--- Why did you smirked?.." Kunot noo nyang tanong

Agad naman akong naalarma

"Hindi kaya.." Palusot ko sabay hila ko ng aking kamay at inagaw yung Key card na hawak nya para buksan yung pinto

Bakit kasi ako nagpahuli na nakangiti?

Living With My CrushWhere stories live. Discover now