HUMINGA ng malalim si Alison. Tumingin ng nag-mamakaawa kay Mama nya. “Kailangan ko ba talagang gawin ito Ma?” tanong niya.
Inilapag ni Mama niya ang kamay sa balikat ni Alison. “Oo, kailangan mo anak. Kailangan natin.”
Bumuntong hininga si Alison at inalis ang kamay ni Mama nya. Bilang pagtatampo naglakad ito papalayo ng walang kahit isang salita na binitawan. Sinubukan ni Mama niyang pigilan sya, pero di na nya ito nagawa at hinayaan na lamang syang makalayo.
•••
Nang makarating si Alison sa bulletin board kung saan naka-paskil ang arrangement ng sections, agad niyang hinanap kung saan siya kabilang na room. Hinahanap nya kung saang section naka-lagay ang pangalan niya.
“Hart, Alison T., Hart, Alison T.” pabulong niyang binabanggit habang hinahanap ang kanyang pangalan.
Ngunit biglang nawala ang kanyang atensyon sa paghahanap at nag-isip ito:
“Ugh! Hindi dapat ako nag-su-suffer ngayon e. Bakit kasi kailangan pang magkamali lahat ng tao sa pagpili ng makakasama nila hanggang pagtanda? Kaya ayan, isa ako sa magiging biktima ng broken family. Akala kasi nila ganun nalang kadali ang bumuo at sumira ng pamilya - hello? Apektado kaya kaming mga anak sa ganyan.” Pero kahit na naiinis na siya biglaan paring lumungkot ang kanyang itsura.
At pinagpatuloy.
“Sana... hindi na matuloy ang annulment nila Mama at Papa, hindi dahil sa gusto ko nang bumalik sa dati kong school, kundi dahil ayoko lang mawala sila o isa man sa kanila sa buhay ko. O hindi man tuluyang mawala, pero di naman kami buo.” she sighed. At sinubukang ngumiti “Nandito narin ako, wala ng atrasan pa, kailangan ko nalang sigurong tanggapin ang lahat.”
Huminga sya ng malalim, “OKAY... INHALE” she inhaled, “EXHALE” and exhaled, “READY NA AKO!”
“Hart, Alison T., Hart, Alison T.” at naaninang na nga nya kung saan ang pangalan nya, “Room 209?”
Pero hindi nya namalayan na may masasalubong syang isang hindi niya kilalang babae nang magsimula siyang maglakad para puntahan ang Room 209. Binunggo siya nito hanggang sa napaupo sya sa lapag.
“Ouch!!! Outta my way!” the girl whined.
Tinaasan sya ng kilay naglakad palayo, kasama ang mga kaibigan. Napaka-maldita kung ikukumpara mo sa mga taong di ka kilala. Sila naman ang bumangga kay Alison pero parang pinalabas pa nila na sila ang nasaktan.
Sa sobrang galit, napa-kagat nalang sya sa labi. “Anong problema nila?” tanong ni Alison habang nakaupo sa lapag, tumingala sya at isinigaw sa itaas, “OH, GOD! FORGIVE ME!”
Hindi nya napansin na may biglang tumulong sa kanyang tumayo. Hinawakan ang kanyang braso para alalayan itong tumayo.
“Ayos ka lang?” Malumanay na itinanong ng lalaki.
Habang busy siya na alisin ang mga dumi sa kamay at pwetan 'di niya napansin na wala na pala ang kanyang kausap. “Ayos lang ako, thank you!”
Nakita nalang nya na naglalakad na ito palayo kasama ang mga kaibigan.
Hindi man lang nalaman ni Alison ang pangalang niya, pero tinandaan niya kung ano ang kanyang amoy at kung ano ang kulay ng bag na bibit.
Nagpunta muna sa Alison sa CR para linisin ang sarili
Atras - abante. Nahihirapang si Alison na magdesisyon; papasok ba sya o hindi? Dahil hindi na ito ang classroom na nakasanayan nya — hindi na sya komportable na pumasok nalang ng walang pag-aalinlangang at walang kaba na namumuo sa dibdib.
“Tandaan mo, kailangan mong magbehave, Ali. Kasi hindi na ito ang dati mong school at... buhay...” malungkot itong binanggit ni Alison sa sarili.
Ngunit sa huli, wala rin syang magagawa kundi buksan na lamang at pumasok sa panibagong mundo nya.
Lahat ng mga mata ay sakanya nakatitig noong pumasok na siya. Nagmamadali siyang maglakad para makahanap ng mauupuan ngunit pinigilan sya ng kanyang teacher.
“Ngayon palang alam ko na kung sino ang magiging valedictorian niyo.” palokong sinabi ng kanilang guro. Kaya di napigilang tumawa ng buong klase. “Just kidding, what's your name? Tell 'em.”
At humarap si Alison sa buong klase. Sinusubukang ngumiti, pero deep inside, naiiyak na sya.
“Hi! I'm Alison, Alison Hart, my friends are calling me Ali.” she grinned. Tinignan nya ang kanyang guro. “That's all, sir.”
“Oh, okay. Go on, sit beside, Lucas.” sambit ng kanyang guro.
Napansin ni Alison na may isang estudyante na lumipat ng pwesto, kaya nalaman niya na doon nakaupo ang katabi ni Lucas at mismong siya na ang magiging katabi nito. Saan pa ba sya tutungo, halos lahat naman na ng upuan ay may nagmamay-ari na, maliban nalang sa iniwan na upuan ng lalaki.
Tila pamilyar sakanya ang amoy noong umupo siya sa tabi ni Lucas.
“Parang alam ko ang amoy na 'yon.” sabi niya sa sarili.
At bigla itong napatingin sa bag, “Even yung bag, same color sila nung... tumulong sa'kin kanina.”
“Uhhhhh...” napalunok si Alison, dahil kumukuha siya ng tsempo na makipagusap kay Lucas. “...thank you nga pala kanina.” tinignan niya ito at nginitian.
Pero si Lucas? Walang pakialaman. Ni hindi man lang siya nilingon o tinanggap ang pasasalamat ni Alison.
Hindi nawalan ng pag-asa si Alison, feeling nya magiging mabuting kaibigan si Lucas.
“Ako nga pala si Alison, pwede mo akong tawaging, Ali.” masayang sinabi ni Alison. Nag-alok pa nga siya ng shake hands, ngunit hindi ito tinanggap ni Lucas.
“I KNOW.”
Sambit ni Lucas at napansin ito ng kanilang guro dahil sa napalakas ni Lucas ang pagkakasabi. Kahit kaunting lingon lang, pinagkait pa ni Lucas kay Alison. Hindi makapaniwala si Alison sa nangyayari sakanya ngayon, napapa-nganga nalang sya.
Turns out, suplado pala yung taong tumulong sakanya.
“Sungit naman nito.” bulong ni Alison at inilayo ng kaunti ang upuan kay Lucas.
“Ang swerte naman niya, katabi niya si Lucas.” at nagsimula na naman nagbulungan ang mga bubuyog sa klase.
“Kung alam nyo lang, hindi ko masasabing swerte ako sa suplada na ito.” pabulong niyang sinabi sa sarili.
Pero hindi parin susuko si Alison, pakiramdam nya may pagasa pa na maging kaibigan nya ito. Pakiramdam magiging maayos rin ang lahat.
BINABASA MO ANG
Akala: A Novel
Mystery / ThrillerPara sa ikasasaya ng isang tao... Handa ka bang sumugal sa isang akala? Pero papaano kung huli na ang lahat? SYNOPSIS: Tulad ng ibang pamilya, si Alison ay nakakaranas rin ng problema sa kanya mga magulang. Sa dahilan na gusto nang maghiwalay...