Chapter Twenty

2 0 0
                                        

NAG-AALANGAN si Lucas na buksan ang sobre, pagdating niya sa kanilang bahay. Ilang beses syang nagpa-ikot-ikot sa kwarto niya, kinukumbinsi ang sarili na buksan ito, pero di niya magawa. Tila may pumipigil sakanyang takot. Takot na baka sinisisi pala ni Leslie si Lucas sa pagkawala niya. Takot na baka nakalagay sa loob ng sobre na yun ang pumatay sakanya -- baka bago pa sya patayin alam na niyang may mangyayari.

“Uhhh. . . bubukasan ko ba o hindi?”

“Paano kung hindi ito clue? Papaano kung death note niya ito?”

“Baka nandito ang dahilan ng pagkawala niya – paano kung ako ang dahilan?”

“Ayoko, ayoko na, sinisisi ko na naman ang sarili ko. Nakaka-pagod na rin.”

“Bukas ko nalang buksan kasama si Ali, or sakanya ko na mismo ipapabukas.”

Bigla may kumatok sa pinto at inayos nya ang sarili.

“Lucas, anak, are you okay?” sumilip si Mama niya.

Tumalon si Lucas sa kama niya at nagtulakbong. At nang nakita ni Mama niya na tila tulog na siya, umalis narin ito at isinara ulit ang pinto.

Inalis ni Lucas ang kumot at humiga siya na parang may dinadalang bigat sa loob niya. Hanggang sa ‘di na niya namalayan na naka-tulog na sya.

[flashback]

Naghanap ng pupwestuhan si Lucas at Leslie para maupuan sa corridor ng school, kakatapos lang nila sa isang prank ni Leslie.

“Hayyy… nakakasawa rin palang mag-prank, mauubusan karin pala ng ng energy.” pagod na sinambit ni Leslie.

“Wala ka na kasing ibang ginawa kundi – mag-prank.” sinabi ni Lucas sa pa-sermon na paraan.

“Grabe ka naman sa wala nang ibang ginawa -- akala mo naman minuto-minuto ng buhay ko may pina-prank ako. Sa ngayon gusto ko muna ng katahimikan.” marahan na hinawakan ni Leslie ang dalawang gilid ng ulo niya.

“Eh, bakit di tayo sa library nagpunta?” ganun parin ang tingin ni Lucas, very interrogative parin.

“Ayoko dun, gusto ko yung tayo lang dalawa.” nagulat si Lucas noong biglang inihiga ni Leslie ang uluhan niya sa may balikat niya.

“Uh, Les, may sasabihin ako sayo.” nauutal na sinabi ni Lucas.

“Sige, sabihin mo lang…” habang relax naman na hinayaan ni Leslie ang sasabihin ni Lucas.

“Pero, promise mo muna na walang magbabago kapag sinabi ko?” ngumiti si Lucas.

“Syempre, wala talaga....” nagisip si Leslie “Mmm... May gf kana ba?”

“Huh? Ano naman yang mga naiisip mo.” sabi ni Lucas.

“Oh sige na, ano na kasi yun?”

“Leslie... Uh...” pahinto na sinabi ni Lucas “Mahal kita Les…” at ipinikit ni Lucas ang mga mata niya at hinanda ang sarili sa magiging reaksyon ni Leslie. “I swear, hindi naman ako nag-e-expect na mahal mo rin ako. Gusto ko lang sabihin...”

Biglang tumahimik lalo ang lugar for a moment, dahil oras ng klase at nasa ilabas sila ng mga classroom. Inalis ni Leslie ang pag-ka-kahiga ng uluhan niya sa balikat ni Lucas.

“Lu, alam mo naman diba?” sabi ni Leslie na medyo bothered ang itsura.

“Pero Les, tao lang ako, paano ko pipigilan ang sarili ko na mahalin ka?” sambit ni Lucas at yumuko.

“Kapag nalaman nila Mommy, ilalayo nila ako sa’yo.” tinignan ni Leslie si Lucas “Gusto mo ba yun? Ako, ayoko.” sumimangot si Leslie.

“Syempre ayoko. Pero tanggap ko naman kung anong magiging desisyon mo. Gusto ko lang na ipaalam sayo gaya ng sabi ko.” sabi ni Lucas at sumimangot.

“Ang drama mo Lu!” binangga ni Leslie si Lucas gamit ang balikat.

“Syempre, ako pa.” tumawa ng marahan si Lucas. “Pwede ba kitang isayaw?” nahihiyang itinanong ni Lucas.

“Huh? Ayaw! Nakakahiya kaya!”

“Wala namang tao eh,” hirit ni Lucas.

“Mamaya meron na yan.” pinanindigan ni Leslie ang sinabi niya.

At biglang nagsilabasan ang mga students sa mga classroom nila, at napuno na nang ingay ang lugar. Napakamot nalang sa ulo si Lucas.

[end of flashbacks]

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon