LUMABAS si Lucas kasama ang mga kaibigan niya para mag recess ngunit hinabol sila ni Alison.
“Lucas! Lucas!” pasigaw na tinawag ni Alison si Lucas. Kaya napahinto ang tatlo.
“Tol, may sumusunod satin.” pabulong na sinabi ni Troye, isa sa kaibigan ni Lucas.
Sumimangot ang itsura ni Lucas at tila nainis na siya sa kakulitan ni Alison, hinarap niya si Alison at inantay kung may sasabihin ba ito.
“Uh.... Lucas right?” ngunit walang naantay na kahit tango man lang si Alison galing kay Lucas. Kaya nagpatuloy siya, “Uh- bago kasi ako dito eh, wala pa akong kakilala. So, I wonder if --”
Tinalikuran na agad si ni Lucas kahit hindi pa nya tapos ang sasabihin niya. Nabigla si Alison sa inasal ni Lucas sakanya, matapos siyang tulungan nito na tumayo.
“WOOOOOOAH!” naghiyawan ang dalawang kaibigan ni Lucas.
Napayuko at sumimangot si Alison, pero hindi siya susuko.
“LUCAS?!” at napahinto na naman si Lucas sa sigaw ni Alison, pero this time wala ng patumpik-tumpik na sinabi ni Alison kung ano ang gusto niyang sabihin.
“PWEDE BA AKONG SUMAMA SA INYO?!”
It's now or never nalang kay Alison, dahil kung 'di niya susubukan na i-approach sila Lucas, lalamunin siya ng eskwelahan na ito.
Hindi man lang lumingon si Lucas, hindi man lang niya nilingon ang babaeng gustong sumama sa kanila.
Pero sa kabilang banda, napangiti si Lucas ng hindi ipinapakita kila Lance at Troye, sabay sagot na: Hindi.
Lumingon si Lance kay Alison at umiling ito, “Sorry Miss, hindi daw pwede.”
Kinagat ni Alison ang kanyang labi at bininulungan ang sarili, “Sya ba talaga yung tumulong sa'kin kanina?”
“Parang mayroon akong nakikita sakanya?” dagdag ni Lance at tinignan si Lucas. “Wala kang napapansin sa babae na 'yon?”
Lucas just shrugged.
“Same here.” pag-sangayon naman ni Troye.
At iniwan nila si Alison sa hallway.
Marahang inayos ni Alison ang kanyang buhok sa kanyang tenga. “Wag kang susuko Ali, sa simula lang yan. Makaka-adjust ka rin or... baka babalik ka rin sa dati mong buhay, dati mong school at dati mong pamilya...” huminga ng malalim si Alison at naglakad paalis.
Kaya instead na naghangad nalang ng makakasama sa recess, magisa nalang si Alison na nagpunta sa Canteen para bumili ng makakain.
After bumili ng chocolate drink at sandwich si Alison, naglakas loob syang humanap ng pwesto sa canteen. Halos lahat ay mayroon ng naka-pwesto, maliban sa isang natatanging upuan.
Ang upuan na kinakatakutan ng lahat na puntahan.
Ang upuan na nagmamay-ari lang sa isang grupo ng estudyante dito sa school.
Si Rebecca or student knows her by Becca. Indeed bitchy and brat. Ayaw nya sa lahat ay ang may bumabangga sakanya at pumipigil sa lahat ng gusto niya, whatever she wants she will get. Sabi niya, sanay na siyang lahat ng gusto niyang mangyari ay dapat sumang-ayon sa nais niya -- kaya hindi niya hinahayaan na manalo kung sino man ang gustong bumangga sakanya.
At dahil wala nang ibang choice si Alison ng mauupuan at wala rin naman siyang ideya sa kung sino ang uupo dun, tinangka na niyang pumwesto sa nagiisang table na 'yon.
Ngunit bago pa niya mailapag ang trey nya, biglang mayroon ng naglapag.
“Ooppppsss... sorry, I came first.” pagdiin ni Becca, at pinakitaan si Alison ng ngisi na hindi nakaka-tuwa habang naka-taas ang kilay. Becca slightly tilted her head, pagsensyas nya na 'ano pang inaantay mo?'.
Napatitig lang si Alison sa mukha niya, at sa isip niya: Parang pamilyar ito ah? Siya yung -
“Ano pang ginagawa mo? Get... Out...” hawak-hawak ang ID lace ni Alison at hinagis ito pabalik.
Sa likuran ni Becca, naka-puwesto ang dalawang kaibigan nito na sila Jade & Kim; tulad ni Becca, may hindi rin ka-gandahan ang ugali ng dalawa. Isa sila sa nagkakalat ng chismis sa school at mga tumatayong kanan at kaliwang kamay ni Becca.
“If I were you... Aalis nalang ako.” isang nakaka-insultong tono ang binato ni Kim habang naka-taas ang kanang kilay
“Correct, kung ako sayo, aalis nalang ako.” tulad ni Kim, nakataas rin ang kanang kilay ni Jade.
Nang matapos niyang banggitin ang mga salita, sabay na tumawa ang dalawa para insultuhin si Alison.
Sa dating eskwelahan nu Alison, tinitingala at hinahangaan siya dahil sa katatagan at ka-angasan niya, kaya hindi umubra ang mga ito sakanya.
Tinignan ni Alison si Becca ng masinsinan.
“Ohhh... Okay. Chill the fuck out.” sambit ni Alison at tumalikod and she flipped her hair at the same time para tumama ito sa mukha ni Becca.
“Uhhhh!?” Napa-nga-nga si Becca sa ginawa ni Alison. Hindi niya ini-expect na may makaka-gawa ng ganung bagay sakanya.
Matapos gawin ni Alison, lumingon siya pabalik at sinambit: “Ooppss... sarey!”
At bilang insulto sakanila, ginaya nya kung papaano magsalita si Becca.
“Masyado kasi kayong malabo sa paningin ko and... very ugly.” Alison rolled her eyes at iniwan sila.
Hiningal si Becca, hindi dahil napagod sya, kundi dahil sa inis at gigil niya kay Alison. Palalim ng palalim ang pag-hingal niya, hanggang sa dumating na yung punto na pinapa-kalma na siya ni Jade at Kim.
“WAAAAAHHH!!!!” at hindi na nga napigilan ni Becca ang sarili, sa harap ba naman ng maraming tao, pinahiya lang siya ng isang bagong salta na estudyante sa school nila. Kaya habang sumisigaw siya, kasama ang dalawa niyang kamay na inaalog.
“She's dead! Hindi nya kilala ang kinakalaban niya.” she yelled.
Napatingin si Becca sa mga estudyante sa canteen na nakuha niya ang atensyon.
“Oh? Anong tinitingin tingin nyo?” kaya bumalik ang mga tao sa kanilang mga inaasikaso at inalis ang tingin kay Becca. “Pathetic!”
“You know what Becca, we should teach her a lesson.” suggestion ni Kim.
“Yeah, like, she doesn't really know who she's beating off.” then sabay tingin nung dalawa sa cellphones nila.
Becca pondered. “Tama kayo dyan, hindi niya talaga alam kung sinong kinakalaban niya.” sambit niya habang hinahaplos ang baba.
Tumingin siya sa isang nerd looking guy na kumakain ng spaghetti, kinuha ni Becca yung spaghetti at tinapon sa uluhan nito.
“Opps... It's not my fault, it's the girl earlier; ikaw tuloy ang napag-initan ko.” Becca laugh sarcastically.
Ginawa niya lang yun para mailabas ang galit at inis sa ginawa sakanya ni Alison.
“Let's go girls.” at iniwan nilang punong puno ng spaghetti sa buhok ang estudyante.

BINABASA MO ANG
Akala: A Novel
Mystery / ThrillerPara sa ikasasaya ng isang tao... Handa ka bang sumugal sa isang akala? Pero papaano kung huli na ang lahat? SYNOPSIS: Tulad ng ibang pamilya, si Alison ay nakakaranas rin ng problema sa kanya mga magulang. Sa dahilan na gusto nang maghiwalay...