Chapter Twenty-Five: BRIDGE OF YOU AND ME

3 0 0
                                        

BUMABA sila sa tricycle at na-amazed si Alison ng makita niya ang tulay.

"Wooooaah! Woooooow! Ito naba yung St. Lawrence River Bridge?"

"Oo, yan na nga yun." tumango si Lucas. "Bakit ganyan itsura mo? Parang ngayon ka lang nakakita ng tulay?" tanong ni Lucas.

"Madalang lang kasi akong makakita ng ganyan kahabang tulay." sabi ni Alison. "WOOOW!"

Kaya tumakbo siya papunta agad duon at tinignan ito; habang nagmumukhang inosente sa nangyari.

Huminto bigla si Alison at tinignan si Lucas.

"LUUUUCAS! NA MASUNGIT! SAMAHAN MO AKO DITO!" sigaw ni Alison.

Lucas sighed. At pinuntahan si Alison.

"Bakit parang di ka naman na-amazed sa lugar?" tanong ni Alison.

"Lagi ko itong nakikita, bakit pa ako ma-aamaze?" nag kibit balikat si Lucas.

"Hmmm... bummer!" Alison stated.

"Halika na, hanapin nalang natin yung sinasabi sa clue." pag-aya ni Lucas.

"Tsk. Nag-eenjoy pa ako eh." reklamo ni Alison.

Sinimulan nilang tumingin ng clue. Tinignan nila ang pang labing tatlong column sa tulay, umaasa na baka sa ika-13 na column ay may nakalagay na clue.

"Alin rito? Wala naman siyang sinabi kung sa kaliwang side ba o kanan." sabi ni Alison.

"Sige, ganito ang gawin natin; dyan ka sa kanan ako nalang titingin rito sa kaliwa." sabi ni Lucas habang naka pamewang.

At nagsimula silang maghanap ng naghanap. Pero wala silang nakita.

"Wala rito." sabi ni Alison.

"Imposible, nasa pang 13 na tayo na column eh. Try mo lang na tignan pa, baka - tricky ang pagkakalagay nya." sabi ni Lucas.

At nagpatuloy sila sa paghahanap. Kahit na lumagpas na sa ika-13 na column tinitignan parin nila.

Nilapitan ni Alison si Lucas habang busy parin na naghahanap ito ng clue.

Hinawakan niya ang balikat ni Lucas at napahinto ito, tinignan niya si Alison. "Nakita mo na Ali?" tanong niya.

Umiling si Alison.

"Oh, bakit huminto kana?" tanong ni Lucas.

"Wala rito ang hinahanap natin Lu." sabi ni Alison.

"Ha? Hindi... Nandyan lang yan!" sabi ni Lucas habang nagiging balisa na si Lucas sa paghahanap.

"Wala na, Lu, wala." sabi ni Alison.

"Nandito lang yun Ali." sabi ni Lucas.

"Lucas, obvious naman na, wala dito!" Alison almost yelled.

Napahinto si Lucas at tinignan si Alison. Tumayo ito sa harapan ni Alison.

"Nandito yun, alam ko. Kung pagod kana, sige! Magpahinga kana, basta alam ko nandito yun." Lucas stated. "Hayaan mo ko Alison pwede ba?"

Napatunganga si Alison sa sinabi ni Lucas at ilang minuto lang bumalik na si Lucas sa paghahanap.

At umupo si Alison. Hindi makapaniwala sa sa sinabi ni Lucas.

After 15 minutes na paghahanap ni Lucas. Naisipan narin huminto nito, nakita niya si Alison na naka-upo sa pwesto kung saan naghahanap sila. Pagod at dismayado.

Umupo rin si Lucas sa pwesto kung saan siya naghanap.

Magkatapat sila, sa may kanang banda si Alison at sa may kaliwa naman si Lucas. Habang ang daan ang puma-pagitan sakanila at ang mga sasakyan na dumaraan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon