Chapter Twelve

0 0 0
                                    

SINUNDAN ni Alison si Lucas sa may railings kung saan nakasandal siya. Tahimik lang si Lucas ng ilang minuto at hindi kinakausap si Alison, ni isang tingin kay Alison ay di niya ginagawa. Habang kumukuha naman ng tsempo si Alison na humingi ng sorry kay Lucas.

“Lucas… sorry na. Di ko naman kasi alam na ganun pala yun.” yumuko si Alison at nagpatuloy “hindi ko naman alam na patay na pala si Leslie at nangulit parin ako na itanong sayo.”

“It’s okay.” sagot ni Lucas pero hindi parin nakatingin sakanya.

“Ano? Tinatanggap mo na ba yung sorry ko?” tanong ni Alison.

“YES!” napasigaw si Lucas ng oo, pero hindi dahil sa tanong ni Alison kundi dahil may biglang dumaan sa harapan nila na familiar ang itsura. Sinubukang puntahan ni Lucas.

“Yes? Okay na yung sorry ko?” tanong ni Alison.

“Oo, pero kailangan ko lang itong puntahan...” sabi ni Lucas, habang papunta sya sa babae.

“Hey! Miss!” pasigaw na tinawag ni Lucas at napalingon naman ang babae. “Barbara, diba?”

Lumingon si Barbara kaliwa at kanan niyang ginawa, dahil nagtataka siya at kinakausap siya ni Lucas kahit binanggit naman nito ang pangalan niya.

“Uh, oo, bakit?” dahan dahan niyang binanggit.

“Ako pala si Lucas.” inilapag ni Lucas ang palad niya para sa shakehands.

Agad-agad itong tinanggap ni Barbara.

“Ah, alam ko kung sino ka. Well, sino ba naman ang hindi nakakakilala sayo?” sagot ni Barbara.

“Mmm...” kinamot ni Lucas ang ulo niya.

“Pero hindi dahil sa infamous na nangyari kay Leslie ah. Kundi dahil--” hindi pinatapos ni Lucas ang paliwanag ni Barbara.

“Alright, hindi mo na kailangan pang i-explain sakin. Wala rin naman akong pakialaman kung kilala ako ng mga tao dito sa school.” sabi ni Lucas.

Ngumiti lang si Barbara at inayos niya ng marahan ang buhok niya sa likod ng kanyang tenga.

“I’m really sorry sa ginawang prank sayo ni Leslie.” hindi makatingin si Lucas sa mata ni Barbara nang banggitin niya ang mga yun.

“Anong prank?” tanong ni Barbara, she look confused.

“Yung prank na gina--” biglang napahinto si Lucas. “nevermind, kalimutan mo nalang yung tinanong ko.”

Aalis palang sana si Lucas, pero biglang nagsalita si Barbara.

“Ano kaba! That was from the past, naka moved-on na ako. Atsaka hindi mo kailangang humingi ng sorry para sa kanya, she’s gone. At matagal ko narin syang napatawad.” Barbara smiled.

Lumingon pabalik si Lucas.

“Akala ko, hindi mo na maalala eh.” pilit na ngumiti si Lucas pabalik.

“Teka, bakit mo ba naitanong?” tanong ni Barbara.

“Uh, may ibinigay ba syang note sayo? Or may naibigay na something?” tanong ni Lucas.

Biglang nagisip si Barbara.

“Uhhhhhh… Wala naman, why?”

“Wala, naitanong ko lang.” sabi ni Lucas nang hindi makatingin sa mata ni Barbara.

Huminga ng malalim si Barbara at tila kinakabahan dahil ginagalaw niya ang kamay niya ng walang dahilan.

“I hope you’ll find out what bothers you.” sabi ni Barbara.

“Okay,” sabi ni Lucas

Aalis palang sana si Lucas nang nagsalita ulit si Barbara. “Uh, if you need something just, uh, try to reach me.”

Tumawa ng marahan si Lucas.

“Ah, thank you, but Alison is already helping me. The new girl.” sabi ni Lucas.

“Oh...” Barbara flashes a fake smile. “Well, good then.”

Tumango si Lucas at pumunta pabalik kay Alison.

“Ano? Kumusta? May nakuha ka bang note, clue or ano man?” nag-aantay ng sagot si Alison.

“Wala, wala man lang daw syang natanggap. Wala daw ibinigay si Leslie na note or somewhat sakanya.” nadismayang sinabi ni Lucas.

“Ganun ba?” napanghinaan ng loob na sinabi ni Alison. “Ano ba kasi yung ginawang prank ni Leslie sa kanya?”

Napatingin si Lucas sa may lapag habang naglalakad sila at may nakita syang balat ng balat ng bubblegum, mismo sa lugar na pinag-usapan nila ni Barbara.

Biglang nanlaki ang mata ni Lucas.

“Ang galing mo talaga Ali!” sambit ni Lucas with excitement.

“Huh? Bakit?” nalilitong itinanong ni Alison.

“Wait, tsaka ko na ikikwento!” he exclaimed. “Halika!” biglang hinawakan ni Lucas ang kamay ni Alison at hinila siya.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Alison habang tumatakbo sila. “At bakit para tayong ninja na tumatakbo?”

“Oo, ninja na tayo ngayon.” tumatawang sinabi ni Lucas habang tumatakbo sila papunta sa dating classroom nila Lucas at Leslie.

“Teka lang! Wag mong bilisan!” hinihingal na sinabi ni Alison.

At tumawa sila habang tumatakbo.

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon