Chapter Nine

1 0 0
                                    

MATAPOS ang buong oras ng klase na yun, nag-plano sila Rico na i-corner si Alison sa classroom habang cleaning period nila.

Tatayo palang sana si Alison para lumabas sa classroom nang lumapit si Rico na naka-crossed arm sakanya.

“Umupo ka lang dyan.” masungit na sinabi ni Rico. 

Pinaupo nila si Alison, at inantay na maka-labas lahat ng estudyante sa loob ng classroom. Nakapalibot sila Terry at Jeli kay Alison habang si Rico naman ang naka-pwesto sa harap nya, at sa tuwing tatangkain ni Alison na tumayo pipigilan nila ito.

Lumapit pa si Rico kay Alison habang masama ang tingin nito.

“May nabalitaan kami.” ika ni Rico.

“Oo nga, mayroon kaming nabalitaan” inulit naman ni Jeli at Terry.

Sinasadyang inilapag ni Rico ang kamay nya ng may kalakasan sa table ni Alison, para sindakin ito.

Ngunit napa-hinga ng malalim si Rico at patago niyang sinabi: “Aray”

Narinig ito ng dalawa at hindi mapigilan ni Terry at Jeli na mapa-ngisi sa reaksyon ni Rico.

Tinignan ng masama ni Rico ang dalawa, kaya itinigil nila ang pag-ngisi nila. Pero hindi talaga itinigil, pini-pigilan lang nilang pahintuin, kaya naririnig parin ni Rico.

“Tumigil kayo dyan!” nilakihan niya ng mata ang dalawa sabay balik ng tingin kay Alison.

At pilit na ngang ikinalma ni Rico ang sarili at bumalik na sa pakay kay Alison.

“Anong mayroon sa inyo ni Lucas?” tanong niya. 

“WHAT?! Walang namamagitan sa aming dalawa.” pabiglang sagot ni Alison. 

“Duh?! Eh ano ito?” Rico rolled his eyes.

Ipinakita niya kay Alison ang video sa cellphone nya, nai-upload na kasi sa Secret Files Page ng school nila ang video kung saan magkasama sila ni Lucas na iniwan si Alison.

Caption: Mr. Popular saves Ms. New Girl.

Nagulat si Alison, kasi wala siyang kamalay-malay na kinukuhanan na pala sila.

“Normal lang ba yan dito? Parang nasa PBB House naman na tayo.” sabi Alison.

“Oo, ipinatupad talaga yan ng SSC, para maging updated ang mga estudyante sa news dito sa school.” sabi ni Rico, “Pero wag mong iniiba, dahil may tanong pa ako.”

“Wala yan, hinihila lang ako paalis ni Lucas. Kasi baka i-bully na naman ako nung ma-arteng babae na yun.” pagdiin niyang sinabi.

“You mean... Si Becca?” Rico squinted at her. “What a Surprise! He’d never been so concern to a girl like you before, I mean, after the tragedy.” Rico rolled his eyes.

Kumunot ang noo ni Alison at nagtaka.

“Huh? Anong ibig mong sabihin? Anong tragedy?” tanong ni Alison. 

“OH-MY-GOSH! Nevermind-nevermind kalimutan mo nalang yun.” biglang may naalala si Rico at humarap siya sa dalawa para tulungan siyang ibahin ang usapan. 

“Uh oo nga, kalimutan mo na ‘yon.” Terry murmured. 

“Chismosa! Di mo naman kailangan malaman eh...” Jeli rolled her eyes. 

Alison rolled her eyes, “Alam nyo, minsan kasi bago kayo nagsasalita, i-filter nyo muna ang utak nyo, para naman 'di kayo napapahamak.”

“Ibinawal na kasi sa amin na pagusapan 'yon, after that awful tragedy, hindi na namin pwedeng banggitin ang kung ano man na patungkol duon or mag-woworking suspension kami, nakakapagod kaya yun. Pero kung gusto mo paring malaman yun ay tanungin mo nalang si Lucas. Diba close naman Kayo?” Rico said it sarcastically.

Tumayo si Alison at hindi na siya pinigilan ng dalawa at dumiretso siya sa pintuan palabas. “Oo, tatanungin ko kay Lucas para mas maging close pa kami at kapag tinanong nya kung kanino ko nalaman? Sasabihin ko, sainyo. Mga obsessed kay Lucas!”

Tuluyan na nga silang iniwan ni Alison.

Napa-nganga si Rico.

“Did she just said obsessed? Tell me she didn't.” sabi ni Rico habang naka-tingin parin sa pinto.

“Rico... Sinabi niya yun.” sabi ni Terry habang tinatapik ang balikat ni Rico.

“Nooooo!” sabi ni Rico.

“Mas inaalala mo pa yan, hindi inaalala na papaano kapag sinabi ni kay Lucas na tayo ang nagsabi sakanya?” reklamo ni Jeli.

Rico rolled his eyes and sighed.

“Whatever! Let's get outta here baka may ghost na dito.”

Hindi sila tumakbo palabas pero naglakad silang mabilis.

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon