Chapter Fourteen: 2ND CLUE

3 0 0
                                        

[flashback]

NAGPUNTA ng Computer Laboratory si Leslie at Lucas ng wala pa ang teacher nila.

“Anong ginagawa natin dito? Ang haba pa ng time natin before computer subject.” tanong ni Lucas na nalilito sa nangyayari.

“Basta, may gagawin tayo.” Leslie flashes a devilish smile to Lucas.

“Prank na naman ba ito?” tanong ni Lucas.

“Nag-promise ako sayo na hindi na masusundan yung ginawa ko doon sa Barbara girl na yun, and I really mean it. But that dickhead Bruce deserve it.” Leslie widened her eyes and shrugged.

Uumpisahan na sana ni Leslie ang gagawin nya pero nagsalita ulit si Lucas para mapigilan ito.

“Pero Les, pwede naman natin siyang i-report nalang sa OSA... Right?” sabi ni Lucas.

“Oh!” nagisip si Leslie. “May point ka dun Lu, pwede nga natin siyang i-report, sa kadahilanang ginulo niya lang ang nail polish session ko. Come on Lu? Sa tingin mo yung mga tao sa OSA were that stupid para mag-take ng action sa kadahilanang yun?” tanong ni Leslie.

Lucas shook his head.

“Diba?”

“Okay, do whatever you want then.” sabi ni Lucas.

Biglang niyakap ni Leslie si Lucas dahil nag-aggree na ito na gawin ni Leslie ang pinaplano niya.

“Thank you! Thank you! Napaka-amazing mo talagang bestfriend!” hinalikan ni Leslie sa pisngi si Lucas.

At sinimulan nang lagyan ni Leslie ng black nail polish ang keyboard ni Bruce sa computer laboratory, kinapalan nya para hindi agad ito matuyo.

“Putcha ka! Nagkamali ka ng kinalaban!” nanggigigil na sinabi ni Leslie.

“Ano? Tapos kana dyan?” tanong ni Lucas.

“TAPOOOS NAAA!” masayang isinigaw ni Leslie.

Nagpunta na ang bawat isa sa assigned cubicle nila sa ComLab, at inaabangan ng dalawa na magsimula silang mag-activity para sa reaction ni Bruce.

“Alright, so I want you to face your computer and type these code on your notepad.” itinuro ng teacher nila ang white board at ininstruct niyang i-type nila ang mga codes sa white board.

“Alright! Let's do this!” sabi ni Bruce, while mocking the ‘Alright’ thing of their teacher.

“Alright, alright ka diyan ah...” sabi ni Leslie.

“WHAT THE F—” bago pa matapos ni Bruce ang isisigaw niya ay inunahan na sya ng teacher nila.

“Ituloy mo lang yang sasabihin mo Bruce, tignan natin kung di tayo magkakaroon ng meeting sa OSA.” pagbanta ng teacher nila.

Sinubukan ng dalawa ang best nila para hindi tumawa pero hindi nila ito mapigilan.

“Sorry Sir.” napalunok si Bruce. “Si Leslie po kasi eh, nilagyan nya ng black kyoteks yung keyboard ko. Kaya naka-dikit na po ngayon sa mga daliri ko.”

“Ano!? Papaano ka nakakasigurado na ako yun?” tanong ni Leslie.

“Basta, alam ko na ikaw ang may pakana nito.” pagpilit ni Bruce.

“Uh,” nagtaas ng kamay si Barbara. “Naglagay ka kaya ng bubblegum sa upuan ko sa classroom natin... So, maybe that's you...” tumayo si Barbara at nag-testify rin na baka si Leslie nga yun.

Tumawa ng marahan si Leslie, “Magsama kayo, tutal bagay naman kayo eh.”

“LESLIE!?” pasigaw na tinawag si Leslie ng teacher nila.

Tumayo si Leslie at pinipigilan na wag tumawa.

“Sorry po sir, akala ko po kasi gusto nya rin eh, tinapik nya po kasi ako kanina habang nilalagyan ko po yung mga kuko ko. Kaya ang alam ko po – gusto nya rin maglagay...” tumawa ang buong klase. At tinignan ni Leslie ng masama si Barbara. “At about po sa bubblegum na na-upuan ni Barbara. Tinitigan nya po kasi si Lucas eh...”

“Ano bang masama na tinignan niya si Lucas?” tanong ng teacher nila.

“Boyfriend ko po kasi si Lucas, at ayoko po yung way ng pagtingin niya sakanya.” paliwanag ni Leslie. Nagulat ang lahat sa klase pati narin si Lucas sa inilantad ni Leslie, dahil di rin siya nainform tungkol doon.

At natapos ang class hour nila sa computer, naiwan si Leslie, Bruce at Barbara at kinausap sila ng teacher nila para mag-ayos. Habang nag-antay naman si Lucas sa labas ng ComLab.

Pagkalabas nila Leslie, dali daling hinila ni Leslie si Lucas para pumunta sa canteen.

“Uh, boyfriend mo pala ako ah...” tumawa ng marahan si Lucas habang naglalakad sila papuntang canteen.

“Asa ka Lu! Ginamit lang kitang palusot.” tumawa si Leslie ng malakas.

“Aray! Ang sakit mo namang mag-salita Les. Ibig sabihin prank rin yun?” tanong ni Lucas.

“IT'S A PRANK!” tumawa silang dalawa, pero hindi alam ni Leslie na nasasaktan na si Lucas.

At hinawakan bigla ni Leslie ang kamay ni Lucas, hindi dahil may something na kay Leslie kundi dahil para hilain siya papasok na sa canteen.

“Bilis!!! Kailangan nating maging ninja para maunahan sila sa pila!” sabi ni Leslie.

“Ninja ka dyan!” sagot ni Lucas.

[end of flashback]

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon