NANG makauwi na si Alison dumiretso agad siya sa sofa -- at nagisip. Habang si Den-Den naman ay busy'ng nag-ce-cellphone.
At nilapitan ni Tita Agnes si Alison.
“Ang lalim ng iniisip mo Ali,” tanong ni Tita Agnes.
“Tita, kapag ba may nalaman ka tungkol sa kaibigan mo galing sa ibang tao na very-sensitive, at gusto mong malaman kung ano exactly yun, I mean, gusto mong i-clear, itatanong mo pa ba sakanya?” naguguluhan na itinanong ni Alison.
“Well, siguro magtanong ka muna sakanya if okay lang na pag-usapan nyo yung about doon sa nalaman mo, hinaan mo yung apoy.” hininaan naman ni Tita Agnes ang apoy sa gas stove. “Kung pinagkakatiwalaan ka naman nya, hindi sya magdadalawang isip kung bakit mo tinatanong 'yon.” paliwanag ni Tita Agnes.
“Yun na nga, panigurado nang 'di nya ako pinagkakatiwalaan.” bulong ni Alison.
Hindi nila inaasan na biglang sisigaw si Den-Den, at binitawan ang cellphone. Kaya nilapitan agad ito ni Tita Agnes.
“Bakit anak? May problema ba?” tanong ni Tita Agnes.
“Wala po, Ma.” ang sagot ni Den pero tumakbo siya papunta sa kwarto niya at kasama ang cellphone.
Naka-upo syang pirmi, pero hindi napigilang umiyak.
“WAAAAHHHH! ROOOSEMAAARY!” Den-Den yelled.
Pinagsusuntok ang unan at ibinato. Humiga sya sa kama at nag-dabog at nagpatuloy sa pag-iyak. Hanggang sa labas ng kwarto rinig nila Alison at Tita Agnes ang iyak niya, kaya hindi nila matiis mag-alala. Nag-tinginan si Tita Agnes at Alison sa isa't isa dahil sa pagtataka. Susubukan palang sana na pumunta si Tita Agnes kay Den-Den.
“Uh, Tita ako nalang po ang kakausap.”
“Ah, mabuti pa nga, hindi rin yan mag-oopen sakin.” huminga ng malalim si Tita Agnes.
Kumatok si Alison sa pinto at walang pag-aalinlangang pumasok.
“Hi Den-Den!” naka-ngiting binati ni Alison. Pero tumingin sya kay Alison na nakasimangot.
“Alam ko na yang mga tingin na yan.” sinubukan ni Alison na kausapin si Den-Den.
At biglang sinabi niya na, “Binusted po kasi ako ng crush ko.”
Nagulat si Alison dahil ang bata pa ni Den-Den para sa ganoong bagay.
“Sabi ko na eh, alam ko na yung mga ganyang itsura eh. Ang bata mo pa para dyan.” sinambit ni Alison ng seryoso ang itsura.
“Pero ate Ali, mahal ko na sya. Atsaka di na po ako bata.” pagpilit ni Den-Den.
Pinipigilan ni Alison na wag tumawa.
“Sige, alam ko na walang pinipiling edad ang pagmamahal kahit na mas bata pa sayo pwedeng mag mahal. Pero hindi pa sapat yung edad ninyo para kayanin ang pakiramdam ng – masaktan.” dahil sa tingin ni Alison, kapag hindi ka nasaktan hindi ka rin nagmahal.
“Pero diba ate Ali, kapag nagmahal ka masarap sa feeling yun?” tanong ni Den-Den.
Nabigla si Alison sa tanong niya.
“Saan mo naman nakuha yang mga yan? Kebata bata mo pa.” tanong ni Alison.
“Sa FB po ate Ali.” sagot naman ni Den-Den.
“Ahhh…” napa-tango si Alison at hinawakan ang kanyang baba. “Oo, Pero kapag nagmahal ka, naka-ready na dapat yang puso mo sa makakaharap na sakit, kailangan emotionally strong kana. Yan kasi ang magka-kambal, ang magmahal at ang masaktan.” paliwanag ni Alison.
Nakasimangot na tumingin sa Den-Den sa lapag.
“Siguro nga po hindi pa po ako handang magmahal, kasi hindi po kaya ng puso ko na pigilan ang sakit eh.” at iniyak na naman ni Den-Den.
Niyakap ni Alison si Den-Den at hinaplos ang likod.
“Akala ko po kasi mahal nya rin ako. Akala ko lang po pala yun.” sambit ni Den-Den habang napa-alis sa pagyakap si Alison dahil sa sinabi nito.
“Loko ka kasi, crush mo palang yung tao tapos biglang mahal mo na agad? Mga bata talaga…” Alison shook her head.
“Di na ako bata ate Ali!” Den-Den protested.
“Okay fine. Edi ang mga Lolo talaga.” pinipigilan ni Den-Den na wag tumawa, dahil kakaiyak palang niya.
“Ewan ko sayo ate!” tinignan niya ng masama si Alison habang naka-ngiti ito.
Biglang tumunog ang phone ni Den-Den
“Oh, may nag-chat.” tinuro ni Alison ang phone ni Den-Den.
Kukuhanin palang sana ni Alison, pero inagawa agad ni Den-Den. At nang mabasa nya kung ano ang nilalaman nito, sumimangot ulit ang mukha niya.
Rosemary <3: “Sorry Den-Den, hanggang little brother lang talaga ang tingin ko sa’yo.”
“Gusto kong makita yang crush mong yan ha, ayokong pinapasimangot ka niya.” nag-crossed arms si Alison at ipinakita ang galit na reaksyon sa mukha.
Biglang may sinabi si Tita Agnes. “Alison, sa weekend may work ako. Ikaw muna bahala kay Den-Den ha!” sinigaw ni Tita Agnes habang nagluluto sa kusina. Mahina pero dinig parin ni Alison.
“Opo Auntie!” at biglang tinakpan niya ang bibig niya, “Tita pala.” pahabol ni Alison.
![](https://img.wattpad.com/cover/165016502-288-k244050.jpg)
BINABASA MO ANG
Akala: A Novel
Mistero / ThrillerPara sa ikasasaya ng isang tao... Handa ka bang sumugal sa isang akala? Pero papaano kung huli na ang lahat? SYNOPSIS: Tulad ng ibang pamilya, si Alison ay nakakaranas rin ng problema sa kanya mga magulang. Sa dahilan na gusto nang maghiwalay...