Chapter Seventeen: 3RD CLUE

2 0 0
                                        

HAWAK hawak ni Lucas ang clue, inoobserbahan ito habang naglalakad sila ni Alison sa hallway.

“Palagay nga muna sa bag mo ito, kukuhanin ko mamaya.” ika ni Alison.

“Hindi ba kasya sa bag mo?” tanong ni Lucas.

Itinaas ni Alison ang bag nya para ipakita ang size nito sa size ng pinapa-bag niyang tila Scrapbook.

“Sige na nga, ilagay mo na.” sabi ni Lucas.

“Tignan na natin yang clue.” mungkahe ni Alison.

Pagkaalis nila ng Sticker paper, in-unfold nila yung photo paper at sinubukang basahin gamit ang salamin ni Alison.

Pagkaalis nila ng Sticker paper, in-unfold nila yung photo paper at sinubukang basahin gamit ang salamin ni Alison

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Remember me? P.S. at the back...”

Nanlaki ang mata ni Lucas nang sinabi ni Alison ang Remember Me.

“Alam ko yan, dyan na-LSS noon si Leslie sa kantang yan after nyang marinig sa animated na movie ng disney.” sabi ni Lucas.

“Anong kinalaman nun dito?” tanong ni Alison.

Ibinilaktad ni Alison ang clue at nakita ang picture ng isang tila string ng gitara at sa tabi nito ay may heart sticker.

Ibinilaktad ni Alison ang clue at nakita ang picture ng isang tila string ng gitara at sa tabi nito ay may heart sticker

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Malay ko, hindi ko na maalala sa dinamirami ba namang prank na ginawa nya, buti nga naalala ko pa yung sa dalawa eh.”

“Sige, ikaw na muna siguro ang mag-figure out dyan. Contact mo ako kaagad kapag alam mo na...” ngumiti si Alison. “Okay, kita nalang tayo bukas?”

“Magkatabi lang naman tayo sa classroom eh, kaya for sure magkikita tayo…” pagngisi ni Lucas.

“Kahit kailan talaga, panira ka!” tumawa silang dalawa.

“Uh, may gagawin ka ba mamaya? Or, uh, baka gusto mong kain muna tayo bago ka umuwi?” hindi makatingin si Lucas na sinabi kay Alison.

“Pwede naman, kaso nakapag-promise na ako kay Tita ko na aagahan kong umuwi para i-tutor yung pinsan ko.” kinamot ni Alison ang ulo niya at marahang tumawa. “Siguro... Next time nalang?”

“Ah, ganun. Nagbakasakali lang naman, pero sige, next time.” natatarantang sagot ni Lucas.

Nagkaroon ng kaunting awkward moment, dahil inaantay nila kung sino ang unang magpapaalam.

“Uh,” sabi ni Lucas.

“Um...”  Alison grinned. “Mauna na ako...” then she flashes a wide smile.

“Uh, oo nga... Kita nalang bukas... Ako na muna bahala sa clue na ito...” sambit ni Lucas.

Aalis palang sana si Lucas nang biglang lumapit ang hinihingal na si Rico.

“Hoy! Kanina ka pa namin hinahanap.” sabi ni Rico kay Alison.

“Bakit niyo naman ako hinahanap?” nagtatakang itinanong ni Alison.

Hindi napansin nila Rico na kasama pala ni Alison si Lucas kaya nung napatingin sila Rico kay Lucas, nagulat sila.

“Oh my gosh, Hi Lucas.” Rico waved to Lucas.

At ngumiti lang ang ginawa ni Lucas at nagpaalam na kay Alison.

Habang naglalakad palayo si Lucas, pinagmamasdan ito nila Rico. When Lucas fade into view bigla na itong humarap kay Alison.

“Oh my gosh! May kailangan kang sabihin sa amin.” ika ni Rico.

“Oo nga.” pag-sangayon ni Terry.

“May kailangan kang sabihin sa amin.” sambit naman ulit ni Jeli.

Nagsimula na naman sila sa interrogation face nila.

“Mag-jowa na ba kayo ni Lucas?” tanong ni Rico.

Biglang kumunot ang noo ni Alison sa tanong nila.

“Hah?! Hindi. Thats a no-no!” Alison exclaimed.

“No, that’s a yes-yes! Pero kung hindi, then tell us how to talk to him. Hang-out with us, then we’ll talk about the constellation of how Lucas will fall inlove with me.”

At biglang may mga estudyante na napadaan at napatingin. “Ambisyoso!”

Biglang tumaas ang kilay ni Rico.

“Who’s that?” Rico sarcastically asked.

“I don’t know. Who’s that Terry?” tinanong ni Jeli kay Terry.

“What? I don’t know, who’s that Ali?” at itinanong rin ni Terry kay Alison.

Napa-nga-nga nalang si Alison, dahil pinasa sakanya yung tanong, samantalang bago naman siya sa school nila at wala pang gaanong kakilala kaya wala rin syang idea kung sino ba yun.

“So anong masasabi mo? We should hang-out!”

“Pero---” hindi na pinatapos ni Rico ang rason ni Alison.

“No ‘pero’, atsaka shorten naman, so wala ka ng ibang excuse.” sabi ni Rico.

Kahit alam naman ni Alison na itu-tutor niya ang pinsan niya, pumayag nalang siya, dahil malay ba niya at baka maging kaibigan niya sila.

“Uhh... sige na nga.” Alison rolled her eyes.

“Yehey! Magki-kwento na siya tungkol kay Lucas my baby, este, makakasama ka na namin!” sabi ni Rico with a wise grin.

“Sigurado akong mag-e-enjoy ka…” sabi ni Terry.

“Oo, kasi kakain lang tayo ng marami.” pag-sangayon naman ni Jeli.

“Bahala kayo...” sabi ni Alison.

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon