Chapter Nineteen

0 0 0
                                    

AT SABAY na binati ni Alison at Lucas ang musikero. “Tol?”, “Hi Kuya!”

Isa ring school alumni, ang pangalan niya ay Oscar. Mahilig talaga sya sa music eversince noong nasa school palang siya.

“HELLO?” hininto ni Oscar ang pag-tugtog. At napatingin siya sa uniform nila at mismo kay Lucas. “I know you.”

Tumawa ng marahan si Lucas. “Yep, kilala rin kita.”

“Ikaw yung kaibigan nung babae na nan-trip sakin.” sabi ni Oscar. “Diba?”

Tumango si Lucas.

Feeling apologetic si Lucas na napatingin kay Alison. At humarap pabalik kay Oscar.

“I know bro and I'm sorry.” yumuko si Lucas. “I'm sorry sa ginawa ng kaibigan ko at sorry for being a dick na hindi ko man lang sya pinigilan.”

“We're good bruh. Don't worry,” Oscar paused for a moment. “Ano pala ang sadya nyo? Girlfriend mo?” tanong ni Oscar.

“Huh? Hindi kuya, magkaibigan lang kami.” Alison complained. At nagkibit balikat nalang si Lucas.

“Uh, so ano nga sadya nyo?”

“Uh, wait... gusto ko syang kumanta nung 'Remember Me' ulit kahit yung hanggang first chorus lang.” sabi ni Alison.

Biglang tumaas ang isang kila ni Lucas. “Tol, pasensya kana ah.” at tumingin siya kay Alison. “Ali.”

“Sige na please... Pretty please...” Alison pleaded.

“Wag na, inaabala mo lang yung tao.” sabi ni Lucas.

“Pretty please with chocolate, vanilla and strawberry?” nakasimangot na pinipilit ni Alison.

“Hindi, okay lang. At least na-appriciate nya ang pagiging musikero ko.” sambit ni Oscar

Napatalikod sa hiya si Lucas, at kinamot ang noo. At pumayag si Oscar kahit hanggang first chorus lang. Inilabas ni Alison ang cellphone niya para kuhanan ito ng video. At pasimpleng kinukuhanan rin si Lucas ng video, pero napansin ni Lucas, kaya hinarang nya ang kamay nya.

“Wow ang galling... ang galing talaga.”

At iniabot ni Lucas ang picture kay Oscar.

“Remember Me?” nagkibit balikat si Alison. “Yan yung nakalagay sa papel at pansin mo kuya yung picture?”

“Expected ko na yan, before yung incident na nangyari sa kaibigan mo sinabi nya sakin na aabutan mo daw ako ng picture. Sign na sayo ibibigay yung favor nya. But I have no idea kung anong klase.” paliwanag ni Oscar.

“Huh? Incident?” tanong ni Alison.

Umiling si Lucas, dahil ayaw nyang pagusapan yung tungkol sa incident.

“Natatandaan ko pa noong hindi ako makapaniwala sa ginawa niya sakin. Nagpanggap ba naman na ex-girlfriend ko sa harap ng maraming tao na nanunuod sakin habang tumutugtog - binuhusan ba naman nya ako ng tubig at parang sinabi niya sakin nun na deserve ko daw yun dahil iniwan ko sya.” tumawa ng marahan si Oscar. “Instead, na magalit ako; natawa nalang ako sa nagawa niya sakin. Kaya noong kinausap niya ako nito lang bago yung tragedy, humingi siya ng tawad at sabi niya ako lang daw yung hindi nagalit na prinank niya.”

“So ano po yung ibinigay niya sa inyo?” tanong ni Alison.

“Ah, oo nga, may ipinabibigay pala syang sobre, don't worry di ko binuksan yan.” kinalkal niya ang bag niya at nang makita ito iniabot niya sakanila. “Talagang ginaya niya pa yung heart sticker nitong gitara ko” tumawa siya ng marahan.

At kinuha ito agad ni Alison. “Kaya nga po.” tinitigan ni Alison ang sobre. “Thank you Kuya!”

Hinulugan nila yung head-cup na punong puno ng barya ng tig-100 sa harapan ni Oscar.

At inabot ni Alison kay Lucas yung sobre.

“Oh, baka may mahalagang message sayo dyan si Leslie. Dun mo nalang buksan sa bahay nyo.” sabi ni Alison habang naka-ngiti.

“Teka, akala ko ba itu-tutor mo yung pinsan mo?” tanong ni Lucas.

“Hinila ako nila Rico eh, alam mo naman ayokong magalit sila sakin kaya 'di ako naka-tanggi.” sabi ni Alison.

“Pero kaninang ako ang nagyaya 'di mo man lang naisip na baka magalit ako kapag di ka pumayag?” sabi ni Lucas.

“Hindi.” at tumawa si Alison.

“Wow,” ngumiti si Lucas. “Pero thanks Ali. I'll call you if I need you.”

“Tatawagin mo lang naman ako kapag may kailngan ka eh.” pabulong na sinabi ni Alison.

“Huh? Ano yun?”

“I don't see why not? Basta lagi ka ng ngumit, wag ka nang mag-mi-mister simang.” ngumiti si Lucas. Tumingin si Alison kila Rico, naka-ngiti sila at nag-aantay.

“Uh, oo nga pala.” naalala bigla ni Alison. Humarap bigla si Alison kay Lucas at ngumiti.

“Nakalimutan ko, may ipapakilala pala ako sayo.” nilapitan ang tatlo. “Si Rico, Terry at Jeli pala. Meet my friends.”

“Hiiii” tila lalo silang lumambot.

Nalilito niyang tinignan ang tatlo kasi matagal naman na niyang kila ang mga ito, pero kumaway lang sya.

“Kilala ko na sila, classmate natin sila diba?” tanong ni Lucas.

“Kahit na! Hindi mo naman kami pinapansin.” Rico rolled his eyes.

“Nahihiya kasi akong pumansin sa mga taong di ko pa close.” Lucas grinned.

“Eh bakit si Alison?” tanong ni Terry.

“Sya naman yung humabol sa akin.” Lucas smirked.

Biglang napatingin si Alison kay Lucas at pinag-papalo ito. “Tokis ka!!! Ang kapal!”

Biglang napahinto ang tatlo at binigyan silang dalawa ng nakakailang na tingin.

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon