Gabi na noong nakauwi si Alison galing sa eskwelahan. Nadatnan nya si Tita Agnes nya na nagluluto para sa hapunan. Si Tita Agnes nya ay ang kapatid ng kanyang ina.
Habang inaayos pa ng mga magulang ni Alison ang mga papeles para sa divorce, napagdesisyunan muna nila na patirahin si Alison sa kapatid ni Olivia.
“How’s your first day Sweetie?” tanong ni Tita Agnes habang busy'ng nagluluto.Huminga ng malalim si Alison, tila sobrang pagod niya, ngunit hindi dahil sa school kundi dahil sa mga taong nakasalamuha nya buong araw.
“I don’t know Auntie, kailangan pa po siguro ng adjustments.” inilapag ni Alison ang kanyang bag sa sofa at umupo.
Inikot ni Tita Agnes ang mga mata habang naghahalo ng iniluluto, “Wag mo na akong ina-auntie, nakakatanda. Ilang beses ko bang sasabihin sayo, Tita nalang? Okay?”
“Copy, Tita.” sagot naman niya.
Tumingin si Alison sa itaas at natulala.
“Ayoko na sa school na yon Tita, gusto ko na pong bumalik sa dati kong pinagaaralan. Bakit ba kasi kailangan maging ganyan ang sitwasyon nila mama at papa? Pakiramdam ko tuloy, may mababawas sa pagkatao ko kung tuluyan na silang naghiwalay...”
Inialis ni Tita Agnes sa lutuan ang kasirola at pinatay ang apoy. Pinuntahan nya si Alison sa sofa, tinignan ito ng may kalungkutan, sabay upo at yakap sakanya.
“Ganyan talaga Ali anak, life is unfair. Kailangan lang nating intindihin ‘yon; na akala mo permante na yung buhay na nakasanayan mo, pero di mo alam na magbabago pala sa hindi mo inaasahang pagkakataon. Pero you know what Ali may purpose lahat ng nangyayari, malay mo gusto ng diyos na maparito ka muna para mas mabigyan pa ng alone time sila mama at papa mo at mapagisipan kung ano ba ang tama nilang gagawin. O baka naman, naparito ka dahil... may purpose kang gagawin dito sa lugar na ito, basta, kailangan kasi sarili mo rin ang tutulong sayo para hindi ka mahirapan sa sitwasyon mo ngayon.” paliwanag ni Tita Agnes, habang hinahaplos ang buhok ni Alison.
Biglang may pumasok na batang lalaki at sabay silang napatingin dito.
“Oh, buti naman at naalala mo pang umuwi?” tinignan lang siya ng bata lalaki. “Kiss mo nga ako, baby boy.” biglang sinabi ni Tita Agnes.
Napatingin ng masama si Den-Den sa mama niya. Ang nagiisang anak ni Tita Agnes at pinsan ni Alison.
“Ma! Nakakahiya kay ate Ali, oh. Big boy na ako Ma, di na ako baby. Kaya please, wag nyo na po akong tawaging baby at i-baby.” he whined, habang naglakad na diretso sa kwarto.
[flashback]
Habang nasa kalagitnaan ng klase sila Lucas, abalang nilalaro ni Leslie ang mga baraha sa lamesa sa Science Laboratory. Si Leslie, ang siyang dahilan kung bakit nagbago si Lucas.
Napansin ito ni Lucas at natawa, pero nagalala rin siya dahil baka makita sila ng guro nila sa ginagawa ni Leslie.
“Huy! Anong ginagawa mo?” tanong ni Lucas, ngunit pabulong nya itong sinabi.
Tila nag-eenjoy na si Leslie sa ginagawa niya, kaya nung tinanong siya ni Lucas ay hindi na ito napalingon. Sumagot sya pero nagpatuloy parin sa paggawa.
“Gumagawa ng pyramid of cards gamit ang mga baraha, ang cool ne?” sambit ni Leslie.Gusto sanang bawalan ni Lucas, pero ayaw nyang magtampo ito sakanya kaya pasimple nalang nya itong kinukumbinsi na ihinto ang kanyang ginagawa.
“Huh? Oo nga cool, pero nagdi-discuss si sir.” malumanay na ipinahalata ni Lucas. “At panahon ng pag-aaral ngayon Les, so pwedeng mamaya na yan para 'di tayo mapahamak.”
Biglang napangiti si Leslie at napansin ito ni Lucas, “Alam ko naman na hindi mo ako hahayaang mag-isa na mapagalitan eh.”
Kinamot ni Lucas ang ulo, “Makinig ka nalang kasi, Les. Mamaya na yan...”
Ngunit hindi parin nagpatinag si Leslie sa mga mahinahong sermon sakanya ni Lucas.
“Uh? Ano kaba Lu, ang boring kaya, puro quantum energy blah-blah-blah. Bakit di nalang kasi interesting topics diba? Like, may iba pa bang living organisms sa ibang planet?” paliwanag ni Leslie, habang abala parin sa pagtatayo ng cards.
“Bahala ka dyan ah!” at biglang hinipan ni Lucas ang mga baraha ng hindi inaasahan ni Leslie.
Napahinto si Leslie, at inabot pa sya ng ilang segundo bago ma-absorb ang mga nangyari, ang ginawa ni Lucas.
“Luuuuuu!!!” napasigaw si Leslie, at napatingin lahat ng tao sa science lab kasama na ang teacher nila.
Nakaupo silang dalawa sa waiting area sa Guidance Office. Habang inaantay ng dalawa ang counceling nila ay abala naman si Leslie sa pagkilatis sa mga kuko niya na kinulayan niya ng black nila habang nakatingin naman si Lucas sa sapatos niya, dahil sa dumi nito, inaala nya kulan ba nya ito nilinisan.
BINABASA MO ANG
Akala: A Novel
Misterio / SuspensoPara sa ikasasaya ng isang tao... Handa ka bang sumugal sa isang akala? Pero papaano kung huli na ang lahat? SYNOPSIS: Tulad ng ibang pamilya, si Alison ay nakakaranas rin ng problema sa kanya mga magulang. Sa dahilan na gusto nang maghiwalay...