[flashback]
NOONG mga panahon na nag-away ang magulang ni Alison na si Marco at Olivia. Nakakulong lang si Alison sa kwarto niya habang pinapakinggan kung papaano magbangayan ang kanyang mga magulang.
“Lagi nalang tayong ganito Via. Mahal na mahal kita, mahal na mahal ka namin ni Alison.” pinipigilan ni Marco na wag manaig ang galit. “Hindi mo naba kami mahal?” tanong ni Marco.
“Hindi sa ganun Marco, hindi sa ganun.” umiiyak na sinabi ni Olivia.
“Then ano? Gusto kong malaman… kung BAKIT KAILANGAN MONG PUMUNTA NG AMERICA AT IWAN KAMI?” kinamot niya ang ulo niya sa dismaya.
“Dahil-dahil gusto ko lang kayong bigyan ng magandang buhay--” nauutal na sinabi ni Olivia habang pinutol ni Marco ang pananalita niya.
“Lintik na rason yan Olivia, diba pinagusapan na natin ‘yon? Diba? Mas maganda ang buhay natin kung buo tayo, kung magkakasama tayong pamilya.” sinabi ni Marco ng may kalakasan ang boses, habang lumalayo si Olivia sakanya.
“Oo Marco, alam ko ‘yon, pero…”
“Pero ano?! Alam mo pero ano? God Olivia, ilang beses ba natin itong pag-uusapan? Ilang beses ba natin itong pagtatalunan?” sambit ni Marco.
Habang biglang tumayo si Olivia at tinangkang umalis. Hinawakan ni Marco ang kamay nya.
“Alam ko, hindi ito tungkol sa pag-alis mo.” nagmamakaawang sinabi ni Marco.
“Marco…” she said while her voice is shaking. Hindi siya makatingin kay Marco.
“Diba? Tama ba ako? Hindi ito tungkol sa kinabukasan namin kung bakit ka aalis. Olivia, mahal na mahal kita.” hindi na napigilan ni Marco na lumuha.
“Marco tama na please!!!” Olivia pleaded while still crying.
“Mahal mo pa ba ako? Kasi kung ako ang tatanungin mo, Olivia, mahal na mahal kita!” sabi ni Marco at huminga ng malalim. Hindi na mapigilan ni Marco na tumulo ang kanyang luha.
Biglang niyakap ni Marco si Olivia habang nakatalikod ito sakanya, niyakap niya ito ng mahigpit na para bang ayaw na niya itong pakawalan. Pero wala na siyang nagawa noong ikinalas ni Olivia ang mga kamay niya.
“Via Ano? Sabihin mo? Anong iniisip mo ngayon? Kasi tumatakbo ang oras, pakiramdam ko buong buhay ko, nakatayo lang ako, habang nakahawak lang sa kamay mo at naghihintay ng sagot.” patuloy ang pagluha ni Marco.
Humagulgul si Olivia.
“Gusto ko lang namang marinig na… marinig na sabihin mo rin sa akin na mahal mo ako -- tulad ng pagkasabi ko sayo. Wala na tayong matatakbuhan ngayong gabi, tayo lang rito sa sala, gusto ko lang maramdaman at marinig na lumabas sa yun bibig mo.” nagmamakawang lumuhod si Marco.
“Marco, please… magp-pahinga muna tayo.” nauutal na sinabi ni Olivia habang umiiyak.
“Kahit ngayon lang, kahit ngayon na lang, ibigay mo na ang oras na ito sa akin, yun lang ang hiling ko sayo. Please pagbigyan mo lang ako sa oras na ‘to.” nagmamakaawa niyang sinabi kay Olivia.
Humarap si Olivia kay Marco at tila hindi mabigkas ang mga salita na gustong sabihin.
“Marco…” sabi ni Olivia.
“Alam ko na ang sagot. Pero gusto ko kahit ngayon lang, sabihin mo sa akin na mahal mo ako o...” he paused. “...minahal mo ako.”
Nabiglang reaksyon ni Olivia nang marinig ang mga salitang sinabi ni Marco.
“I’m sorry Marco…”
Bumitaw na si Olivia sa kamay ni Marco.
Papaalis palang si Olivia pero may sinabi si Marco.
“Via, alam mo naman that hindi ko kayang umalis ka, please… Don’t leave me here...” nakayuko niyang sinabi.
Huminto si Olivia pero nagpatuloy ring umalis makalipas ang ilang segundong pakiki-ramdam.
Lumabas si Alison at niyakap niya si papa nya.
BINABASA MO ANG
Akala: A Novel
Детектив / ТриллерPara sa ikasasaya ng isang tao... Handa ka bang sumugal sa isang akala? Pero papaano kung huli na ang lahat? SYNOPSIS: Tulad ng ibang pamilya, si Alison ay nakakaranas rin ng problema sa kanya mga magulang. Sa dahilan na gusto nang maghiwalay...