Chapter Seven

3 1 0
                                        

[flashback]

NAKAPATONG ang kamay ni Lucas at ni Leslie sa railings ng second floor ng school, habang pinapanuod ang mga naglalarong mga estudyante sa covered court.

Habang busy na pinapanood ni Lucas ang mga estudyante sa covered court, busy naman si Leslie na hawak na notebook at may sinulat ito.

“Hoy! Lu, tignan mo ito, ang cool.” sabi ni Leslie habang excited na nakangiti.

Tumingin naman si Lucas sa isinulat ni Leslie, pero biglang nagiba ang itsura ng mukha ni Lucas dahil nalito sya sa nakita niya.

“Anong language yan? Mukhang virus sa computer.” he exclaimed.

Sumimangot si Leslie, dahil naisip niya na isa na naman ito sa way ng pangaasar ni Lucas sakanya, pero hindi siya nagpatinag.

“Baliw ka talaga! Tignan mo kasi ng mabuti.” itinaas niya ang isa niyang kilay habang inaantay na tignan ito ni Lucas ulit.

“Ugh, okay...” napilitang inilapit ni Lucas ang mukha niya sa notebook at sinubukan ito ulit na intindihin.

“Oh, cool! Oo nga, grabe ang galing!” ngunit hindi parin maintindihan ni Lucas kung ano ang naka-saad sa notebook ni Leslie kaya nagpanggap nalang si Lucas na nasurpresa siya sa kanyang nakita.

Ngumiti naman si Leslie sa nakitang reaksyon ni Lucas.

“Oh diba? Sabi ko sayo eh, ang galing.” tumango niyang sinabi, dahil proud siya at naintindihan ito ni Lucas.

“Grabe ang galing,” pumalkpak si Lucas, ngunit sabay binawi, “wala akong naintindihan.” tapos ginawa niya itong explosion effects gamit ng kamay niya sa ulo niya, in a sarcastic way.

Tinignan siya ng masama ni Leslie.

Isinarado ni Leslie ang notebook at biglang  niya itong pinalo sa braso ni Lucas.

“Papansin ka, Lu! I hate you.” tumingin siya sa paligid ng bagay na makaka-patunay sa ginawa niya. “Watch... and learn...”

Saktong daraan sila Rico, Terry at Jeli sa lugar kung saan naka-tambay sila. Habang may hawak naman si Rico na isang malaking salamin at pilit nilang isinisiksik ang mukha nilang tatlo para makita ito.

Napansin ito ni Leslie at nang marating nila ang pwesto kung saan naroon sila Lucas ay biglang hinablot ni Leslie ang salamin sa kanila. Magre-reak na sana ang tatlo nang negatibo pero noong nakita nila si Lucas biglang nagiba ang reaksyon nila.

“Ayyyyy... Hi Lucas!!!” sabay-sabay silang tatlo na binati si Lucas at kumaway naman pabalik si Lucas at umalis silang nagsisigawan.

Tumaas ulit ang kilay ni Leslie, at tinignan nang masama ang grupo ni Rico.

“Parang baliw yung mga yun!” bwisit na bwisit na sinabi ni Leslie.

Kinagat ni Lucas ang labi niya at tinanong, “Bakit naman sila parang baliw?”

“Ahhh! Wala.” tulirong biglang iniba ni Leslie ang usapan. “Oh, heto na.” kinuha ni Leslie ang notebook at itinapat sa salamin ang nakasaad sa notebook nya at sinabi na tignan ni Lucas ang salamin para malinawan siya sa pagkalito na nakita niya sa isinulat ni Leslie.

“Minsan, kahit gaano kagulo ang nakasulat diyan once na itinapat mo sa salamin, makikita mo ang sagot. Parang sa mata ng tao, kahit gaano sya katigas na wag sabihin ang tunay niyang nararamdaman, pero kapag tinitigan mo naman ang mga mata nito, malalaman mo ang sagot.” paliwanag ni Leslie.

“Wooooooow! Ang galing! Ang galing ng pagiging weird mo. Pero bakit parang may pangalan ako sa nakasulat?” nabilib si Lucas sa ginawa ni Leslie, pero nagtaka rin siya dahil naroon ang pangalan niya.

Biglang isinara ni Leslie ang notebook nya.

“Uh, wala yun, para sa birthday mo kasi ito.” Leslie shrugged and then chuckled.

“Oh, excited na ako! Galing naman pala!” sabi ni Lucas.

Leslie purses her lips with a smirk, “Syempre, ako ba naman ang bestfriend mo, talagang mabibilib ka!”

“Loko, tara na nga lang sa canteen.” sabi ni Lucas.

“Hoy! Wag kang bastos!” sigaw ni Leslie habang patuloy si Lucas sa paglalakad.

[end of flashback]

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon