Para sa ikasasaya ng isang tao...
Handa ka bang sumugal sa isang akala?
Pero papaano kung huli na ang lahat?
SYNOPSIS:
Tulad ng ibang pamilya, si Alison ay nakakaranas rin ng problema sa kanya mga magulang. Sa dahilan na gusto nang maghiwalay...
“I'LL see you tomorrow...” sabi ng teacher nila Alison sa Science.
Nagsilabasan na ang lahat, samantala, si Alison ay naiwan sa science lab dahil sa pagaayos sa mga gamit na napunta sakanya ngunit sa hindi niya inaasahan na pagkakataon dumating si LJ.
“Aliiiii!” masayang pagbati ni LJ.
Napatingin naman si Alison dahil sa pamilyar na boses na narinig niya.
“Oh, LJ! Nakakagulat ka naman. Saan ka nagpunta nung minsan? Bakit ngayon lang kita ulit nakita?” tanong ni Alison.
“Mahabang istorya at... di ka rin magkakaroon ng interes na alamin kasi boring. By the way, kumusta naman yung araw mo dito so far? Dito sa school namin na very pretentious...” sinasadyang humikab si LJ matapos nyang itong sabihin, dahil sarcasm ito para sakanya.
“Mmm...” nag-isip si Alison, ngunit magsasalita pa lamang si Alison mayroon na namang follow up question si LJ.
“Mayroon bang nangaaway sayo?”
“Uhhhhh...” kaya nagisip na naman siya.
“Ano? Sabihin mo! Para turuan natin ng leksyon.” minamadali niya si Alison na sumagot.
“Wait lang LJ ah, paano ako makakasagot sa mga tanong mo, kung di mo naman ako aantaying magsalita?” sabi ni Alison, sinusubukang maging friendly at hinabaan ang pasensya.
“Hihi...” kinamot ni LJ ang ulo at humingi ng pasensya, “Sorry, gusto ko lang naman malaman kung ano ba ang naobserbahan mo dito sa school na ito” she chuckled.
“Marami, pero siguro part yun ng adjustment ko kaya marami akong napapansin.” sagot ni Alison.
“So, after mo dito, saan punta mo nyan?” biglang iniba ni LJ ang usapan.
Nagisip ulit si Alison bago sumagot. She purses her lip to think.
“Mag-i-stay muna siguro ako dito, alam mo na, it's a big bad world outside. Ikaw, baka may pupuntahan ka?” biglang tanong ni Alison.
“Uh... wala naman, actually intention ko talagang samahan ka dito.” kumunot ang kilay ni LJ. “Hmm... Oh! Wait mo ako dyan.”
Pumunta si LJ sa divider ng Science Laboratory at nangalkal ng kung ano ano. At nagulat si Alison kasi bawal lapitan at pakialam ang divider unless sinabi ng teacher nila.
“Huy! Anong ginagawa mo? Hindi tayo authorized na mag-open dyan.” nagaalala na binawalan ni Alison. “Mamaya may makakita pa sayo dyan at isumbong tayo...”
“Meron naman na, ikaw, nakita mo ako -- pero hindi mo naman ako simubong.” sabi ni LJ.
Bigla sumaya ang itsura ni LJ nang makita na nya ang kanyang hinahanap sa divider. Dahan-dahan niya itong hinugot at ipinakita kay Alison.
“TADAHHHH!” pinakitaan niya ng malaking ngiti si Alison.
“Ano yan? Bakit may baraha dyan?” tanong ni Alison habang na-amazed siya sa ginawa ni LJ, ngunit biglang kumunot ang noo ni Alison dahil hindi siya marunong maglaro ng baraha. “Di ako marunong nyan.”
“Ako rin eh, pero hindi tayo maglalaro.” LJ just shrugged. “May alam ako, halika may gagawin tayo. Papakitaan kita ng...”
“Magic? Ang dami ko ng nakita na ganyang tricks sa YouTube.” sabi ni Alison.
“Nooo... Hindi rin ako marunong nun.” sabi ni LJ.
Kaya inilabas ni LJ yung kalahati ng cards at inumpisahang mag-tayo ng pyramid of cards. At nang makalahati na nila ang pyramid biglang nag-alerto si LJ.
Napatingin si Alison sakanya.
“Bakit? Anong problema?” tanong ni Alison habang kinabahan na siya sa reaksyon ni LJ.
“Oh-my...” hinawakan ni LJ ang bandang pwetan niya. “May red alert yata ako.”
“Huh?!” nagtatakang itinanong ni Alison.
“May red alert ako Ali, tignan mo nga kung may tagos ako?” tumalikod si LJ at ipinakita kay Alison.
“Wala naman,” sabi ni Alison.
“Shit, pakiramdam ko dadatnan ako...”
Kaya tumakbo si LJ paalis pero bago pa man ito makalabas ng pinto sumigaw sya. “Ituloy mo lang yan Ali, babalikan kita!”
At umalis na nga ng tuluyan si LJ.
“Ugh... Baka madatnan pa ako ng teacher dito eh.” huminga ng malalim si Alison.
Naubos ni Alison ang card na inilabas ni LJ pero di parin tapos ang pyramid of cards nila, kaya naglabas sya ulit para ituloy ngunit may napansin siya.
Sa kabilang banda, napadaan sila Lucas sa science laboratory at napansin nila na naka-bukas ang ilaw at pintuan.
“Ano kaya ito? Bakit may nakalagay na sticky note?” nagtatakang itinanong ni Alison sa sarili at kinuha ang sticky-note.
Susubukan pa lamang sanang basahin ni Alison ang nakasulat sa sticky note, nang biglang may umihip sa itinayo nilang pyramid of cards ni LJ.
“WHAT?!” napatingin siya sa mga baraha, nakita niya ang mga ito na nakahandusay sa lamesa, “Ano bang problema mo--”. Napahinto bigla si Alison nang makita niya na ang umihip pala ay si Lucas. “Uh, Lucas, um, bakit mo hinipan?”
“Wala, para mas enjoy. Kasi mukhang patapos kana at kailangan buoin ulit.” Lucas sarcastically said at biglang napatingin sa hawak ni Alison. “Ano yang hawak mo?” nagtatakang kinuha ni Lucas ang hawak ni Alison na note.
“Uh, ewan ko. Parang Russian ang nakasulat.” tumawa ng marahan si Alison at kinamot ang ulo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
“Bakit nasayo ito?” tanong ni Lucas.
“Anong bakit nasa akin? Sayo ba yan? Ikaw ba ang naglagay nyan sa baraha?” tanong ni Alison.
Pero hindi sumasagot si Lucas at nakatitig ng matagal sa note. Huminga siya ng malalim at nagisip.