Chapter Eighteen

0 0 0
                                    

NAGPUNTA silang Mall para kumain at nag-kwentuhan. Pero di maiwasan na ma-feel out-of-place parin ni Alison sakanila, dahil may mga bagay na hindi siya makasabay.

“Sooo… may itatanong ako sayo Alison.” sabi ni Rico.

“Ano yun Rico?” curious na itinanong ni Alison.

“Paano kayo nagka-get-along ni Lucas?” pasimpleng ngiti ni Rico.

Biglang nag-blushed si Alison.

“Huh? ‘Di naman talaga kami nag-get-along eh.” sabi ni Alison.

“Hello? Obvious kaya, lagi na namin kayong nakikitang magkasama.” daing ni Rico.

Hindi niya tinignan ang mga ito at sa paligid lang tumingin.

“Hello??? Ikaw kaya ang gusto ko!” pabirong sinabi ni Alison kay Rico.

Naitapon bigla ni Rico ang tubig na iniinom nya sa sobrang pandidiri sa sinabi ni Alison.

“WHAT THE ACTUAL FUCK ALISON? Yuck! Nakakadiri ka!”

Nagsitawanan silang apat sa nangyari kay Rico. Pero biglang napunta ang atensyon ni Alison sa tug-tog in background -- pamilyar sakanya ang tono nito, hinanap ni Alison kung saan ang tumutunog at nang makita nya ang unang naka-agaw pansin sakanya ay ang gitara na may heart sticker.

Ang tanging naging reaksyon lang ni Alison ay nagulat.

“Oh my gosh! Naririnig nyo ba yun?” at sumigaw ng malakas si Alison, she almost made a shrill noise.

“Hala ano? May sunog ba?” nagulat na itinanong ni Rico.

“Oh my gosh, may artista?” ganun rin ang reaksyon ni Terry.

“Guys, na-amaze lang si Alison. Wag kayong O.A dyan.” panira ng moment na sinabi ni Jeli.

At napahinto sila dahil nakita nila si Alison na pinapanuod ang isang musikerong lalaki sa harapan ng mall. Tumutugtog ito ng isang awitin mula sa Coco na movie ng Disney. Ang pamagat ay “Remember Me”.

“At na-amaze ka lang pala sakanya?” nakataas ang isang kilay na sinabi ni Rico kay Alison.

“Ah? Hindi, ganito yung reaksyon ko kasi nakita ko na yung cl--” biglang naalala ni Alison na dapat hindi ito ipaalam sa iba kaya huminto sya. “Ah oo, na-amaze ako to the highest level.” she continued.

Nagtinginan ang tatlo. Very suspicious. At nagpatuloy sa panonood si Alison.

“Para syang baliw.” Terry rolled here eyes.

“Sinabi mo pa.” at nagkibit balikat naman si Rico.

“Wag ganyan guys masyado kayong harsh, pero… may point kayo dyan.” sambit ni Jeli.

At dali-daling kinuha ni Alison ang cellphone niya at tinawagan si Lucas.

“Rico, wait lang ne... I need to call someone.” sabi ni Alison.

Nagbulungan ang tatlo: “Sino kaya yan?”, “Oo nga, sino kaya yun?”, “Ang weird nya.”

[Call]

Ringing...

“Oh, Alison? Bakit?” tanong ni Lucas.

“Lucas, thank god, I think nakita ko na yung nasa picture. Yung nasa clue ni Leslie...”

“What? Talaga?” sumigaw si Lucas sa tuwa.

“Wag ka munang sisigaw dyan sa tuwa, hindi ko pa hawak yung clue.”

“Nasaan ka ba? Hindi pa ako nakakauwi eh. Pupuntahan nalang kita.”

“Dito sa mall, nahila ako nung mga asungot eh.”

“Sige.”

Lucas suddenly Hang-up

[End of call]

“Di man lang nag-babye. BYE!” nag-bye si Alison sa cellphone, dahil pinatay agad ni Lucas ang tawag. She rolled her eyes.

Nilapitan ni Alison ang tatlo.

“Guys, okay lang kung mauuna na kayong umuwi.”

“Huh? Bakit naman?” tanong ni Rico, while he's confused.

“Baka kasi may gagawin pa kayo sa inyo eh, kasi naisip ko munang mag-stay dito.” paliwanag ni Alison.

“Huh? Wala! Wala naman, wala naman diba Terry, Jeli?” titignan nya ng masama ang dalawa. “Diba?”

“Meron kay--” biglang tinakpan ni Jeli ang bibig ni Terry, para pigilang mag-salita.

“Ang baho talaga ng hininga mo Terry.” sabi ni Jeli at humarap kay Alison. “Ay oo wala na kaming gagawin. Tapos na kami sa lahaaaaat.” Jeli smiled.

“Oh, okay.” huminga ng malalim si Alison.

Samantala, aligagang gumalaw si Alison, dahil makikita na naman nila Rico na pupuntahan siya ni Lucas.

“Girl! Bat di ka mapakali dyan?” tanong ni Rico.

“Uh, wala...” bigla niyang nginitian si Rico.

At bigla na ngang dumating si Lucas sa Mall; hinanap si Alison.

“Alison! Ali- Alison!” pilit niyang tinawagan di Alison habang naglakad papunta sakanila.

Siniko ni Terry si Rico at napatingin kay Lucas.

“OH MY, bakit nandito si Lucas my love?” natulalang sinabi ni Rico. “Oh, what-the-heck?!”

“He’s really hot.” kalmadong napakagat sa labi si Jeli.

Napatunganga sila noong nakita nila na nilapitan ni Lucas si Alison.

“Kamusta? Nakuha mo na yung clue?” tanong ni Lucas.

“Hindi pa, pero tignan mo yun.” itinuro ni Alison yung musikero na patuloy parin sa pagtugtog. “Same guitar, same sticker.” sambit ni Alison.

Tumawa ng marahan si Lucas.

“Halika, kausapin natin.” pagyaya ni Lucas.

“Hiii Lucas!” sabay sabay na bumati sila Rico kay Lucas.

Pero di sila pinansin ni Lucas. Kaya agad lumapit si Rico kay Alison at bumulong.

“Hindi mo naman sinabi na si Lucas pala yung inaantay mo.” tinapik ni Rico si Alison.
“Introduce mo naman kami sakanya. Wag kang makasarili.” Rico stated.

“Sige, mamaya, mayroon lang kaming aasikasuhin. Yun ay kung makaka-antay pa kayo?” mapanuyang sinabi ni Alison

“Aba, kahit abutin pa ako ng alas dose dito, magaantay ako.” Rico demanded.

“Napaka-aga naman nun, kahit madaling araw pa ako.” competitive na sinabi ni Terry.

“Sus, kahit isang linggo pa akong mag-aantay rito. Alam ko namang imposible, so, bakit pa ako mag-aantay?” sinira na naman ni Jeli ang moment ng dalawa.

At nilapitan ni Alison at Lucas ang musikero.

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon