Chapter Thirteen

0 0 0
                                    

“DITO nangyari yung first prank ni Leslie, bumili sya ng bubblegum at nginuya nya hanggang maging sticky na yung gum. At... dinikit niya sa upuan ni Barbara. Hinintay nya na upuan ito ni barbara. Naawa nga ako eh, pero, nakikita ko namang masaya at natutuwa si Leslie, kaya hinayaan ko nalang kahit alam kong mali...” paliwanag ni Lucas.

“Talaga?” hindi makapaniwala na itinanong ni Alison. “Bakit si Barbara yung napili niyang gawan ng first prank niya?”

“Dahil... Nahuli niyang nakatingin sa akin.” sabi ni Lucas.

“Huh? Dahil lang doon nagstart na siyang nag-prank?” tanong ni Alison.

“I guess, kasi daw nakakatuwa daw. Kahit hindi ko naman makita kung saan ang nakakatuwa dun...” tumawa ng marahan si Lucas.

“Pinagloloko mo naman yata ako eh.” pinalo ni Alison ang balikat ni Lucas.

At bago pa ituloy ni Lucas, nagsimula na silang maghanap ng clue.

“Magmula noon mapa-labas man o loob ng school, may mga ginagawan na siya niyan, ng prank. Yun na yung parang naging adventure niya.” kwento ni Lucas.

“Grabe naman pala ang adventure ni Leslie, nakakatakot. Baka may hindi na matuwa sakanya dyan.” sabi ni Alison at habang busy na naghahanap ng clue.

Tumawa ng marahan si Lucas. “Sinabi mo pa.”

“Teka lang, ano ba ang hinahanap natin? Yung clue na mismo pero clueless tayo?” nag-pamewang si Alison. “Alam mo naisip ko, bakit hindi kaya natin hanapin yung upuan ni Barbara noon, baka nandun yung clue.” Alison suggested.

Lucas just shrugged.

Patuloy parin nilang tinitignan ang upuan isa-isa at biglang napansin ni Alison ang marka ng mga naiwan na gum sa upuan.

“Eto na ba yun?” hindi pa niya siguradong sinabi. “Eto na siguro yun!” napasigaw siya bigla at itinuro ang marka.

Binilisan ni Lucas ang pagpunta kay Alison.

Tinignan niya ang marka.

“Siguro nga yan na yun.”

“Hindi sila marunong maglinis ng dito, hanggang ngayon nandyan parin yung bakas.” pabirong binanggit ni Alison.

“Loko! So, alin na dito ang clue?” tanong ni Alison.

At inumpisahan ng ininspect nila ang bawat sulok ng upuan, kinapa at tinignan ng mabuti ni Lucas, at nang di inaasahan mayroon siyang nakapa na nakasiksik sa may paanan ng upuan. Pinilit nyang hilain, pero di niya makuha.

At tumingin siya kay Alison, helpless. “May nakapa ako, pero di ko makuha. Ikaw ngang humila, buti ka pa, mahaba ang kuko mo.”

At hinila ni Alison. “TADAAAAAAAA!” iniangat nya ang kamay niya kasama ang note. Kinuha agad ni Lucas at tumalikod.

“Ikaw -- huy! Patingin!” sigaw ni Alison.

“Ayoko, baka may personal syang nilagay dito.” sabi ni Lucas habang patago parin niyang binubuksan, pero bigla siyang may naalala. “Ughhh! May dala kang salamin dyan?”

“Oo, kaso ayaw mo namang ipakita sakin, bakit ko pa ilalabas?” sabi ni Alison habang nakasimangot. “Akala ko pa naman nagtutulungan tayo dito pero biglang gusto mo lang naman palang solohin magisa ito...”

“Sige na nga, sabay na nating tignan.” Lucas rolled his eyes.

“Yehey! Ang bait talaga ni Lu oh.” she pinched his cheek.

“Araaayyyyy! Ang sakit naman!” sigaw ni Lucas, pero hindi alam ni Alison na palihim na itong naka-ngiti.

“Ang cute mo kasi eh, lalo na kapag naiinis ka.”

Hindi na nagsalita si Lucas, at tinignan nalang nya ng masama si Alison. At pagka-labas na pagka-labas palang ni Alison ng salamin, kinuha na agad ito ni Lucas.

“Atat lang? Anong ibig sabihin nyan?” nakataas ang kilay na tinanong ni Alison.

“Atat lang? Anong ibig sabihin nyan?” nakataas ang kilay na tinanong ni Alison

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagisip si Lucas kung anong meron sa clue na ito.

“Hmmm... Pamilyar sakin yang amoy nang black ink na yan,” sabi ni Lucas.

“Feeling ko hindi ink yan...” sabi ni Alison.

“Hmmmmm… Ganyan ang nail-polish ni Leslie eh. Mahilig syang gumamit ng black nail-polish!”

[flashback]

Inis na inis si Leslie na nagpunta kay Lucas.

“Rrrrrrrrrrrrr! Nakakainis! Tignan mo yung ginawa nung bugok na yun. Humanda sya sa akin.” Leslie groaned, habang nagdadabog.

Ipinakita ni Leslie ang kamay nya kay Lucas. Magulo ang pagkaka-polish ng nasa hintuturo. Kasi habang nag-ni-nail polish si Leslie ng black, tinapik ito ni Bruce at tumawa ng nakaka-insulto.

“Bwisit na Bruce yun!!!” napatingin si Leslie sa teacher na kasama nila Lucas na nag-ayos ng stage.

“Hi Ma’am, pwede ko po bang hiramin si Lucas?” tanong ni Leslie habang pumayag naman ang teacher na kasama nila.

[end of flashback]

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon