Chapter Sixteen

0 0 0
                                    

“I HATE HER! I hate her! I hate her!” daing ni Becca at di mapakali.

Pilit pinakalma ni Jade at Kim si Becca.

“Becca, you need to calm yourself down.” mungkahi ni Jade.

“Yeah, you don't need to freak-out girl.” sambit ni Kim.

“Hindi ko lang matanggap na yang Alison na yan ang magpapahiya sakin at sa harap pa ni Lucas? Shame on her!” galit na ipinaliwanag ni Becca.

“Whaaaaaaaat? Oh My Gosh!” gulat na reaksyon ni Kim.

“As in, in front of Lucas talaga?” hindi makapaniwalang tinanong ni Jade.

After sumigaw at magalit ni Becca, napansin niya sa may covered court si Lance kasama sila Troye, nagbabasketball.

Biglang may namuong ngiti sa mukha ni Becca.

“Pssst! Huy!” tinawag nya si Lance.

Patuloy parin si Lance sa paglalaro habang papalapit naman si Becca.

Hanggang sa napahinto si Troye at sinenyasan si Lance na mayroong papalapit.

Napahinto sa paglalaro si Lance at nilapitan si Becca.

“What's the problem, Becca?” tanong ni Lance.

From annoyed face to sweet face, sinubukan na akitin ni Becca si Lance.

“Wala naman, may itatanong lang sana ako sayo.” she blinked her eyes twice in the same speed. Paraan ni Becca para mang-akit.

Inilakad ni Becca ang daliri na pataas sa braso ni Lance.

“Sure, why not?” napalunok si Lance.

“Mmm-kay. Gusto ko lang naman malaman kung may namamagitan ba kay Lucas at Alison? I mean, concern lang ako kay Lucas, because you know, Alison was a total stranger. Like, like you don't really know her at all.” Becca smirked.

Habang bihag parin si Lance sa pangaakit ni Becca.

“Mmm-hmm, pero wala namang nai-kwekwento samin si Lu eh.” sambit ni Lance.

“Ah, ganun ba... Pwede akong humingi ng favor sayo Lance?” tanong ni Becca.

Tumango naman si Lance.

“Pwede bang kapag may sinabi sya sayo, sabihin mo agad sakin?” nagmamaka-awang sinabi ni Becca. “Yun ay kung okay lang naman sayo.”

“Uh-um, yeah. Of course, not a problem.” said Lance, stammered.

“Alright! Ito yung number ko.” iniabot ni Becca yung piece of paper kung saan nakasulat ang number nya.

At hinalikan niya si Lance sa pisngi.

“Thank you!” nakangiting sinabi ni Becca, habang naglakad na pabalik sa mga kaibigan niya.

Biglang natulala si Lance sa ginawa ni Becca.

Nang makarating si Bacca kila Jade & Kim, tinignan niya itong dalawa at nginitian.

“Problem solved, let's go.”

At nag-apir ang magkakaibigan sabay humalakhak.

“Tol! Baka naihi ka na dyan?” tinapik ni Troye si Lance habang tulala parin.

“Huh? Ulol ka ba?” nagba-blush na daing ni Lance.

“Anong sabi niya Tol?” tanong ni Troye.

“Gusto niyang malaman kung anong mayroon kay Lu at kay Alison.” sabi ni Lance.

“Anong sabi mo?” tanong ni Troye.

“Sabi ko, wala akong alam, kasi wala naman talaga...” sabi ni Lance.

“Anong sabi niya?”

“Kapag may nalaman daw ako sabihin ko agad sakanya...” paliwanag ni Lance.

“Ano?! Bakit mo sasabihan yun?” Troye exclaimed.

“Ewan ko... Mahal ko yun eh.” sabi ni Lance at napangiti.

“Ha! Ginayuma kana talaga nung mangkukulam na yun.” Troye shook his head.

“Tumigil ka nga tol, napakagandang mangkukulam naman yun?” sabi ni Lance.

“Hay, bahala ka na nga. Tara na, G na!” sabi ni Troye.

At nagsimula na silang maglaro ng basketball ulit.

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon