Chapter Twenty-Three

0 0 0
                                    

NAGPUNTA sila Lucas at Alison sa e-research room para i-figure out ang clue.

"Oh," inabot ni Lucas ang scrapbook ni Alison.

"Hala, ang tagal kong hinanap yan sa bahay nasayo lang pala." sabi ni Alison.

"Baka ipina-bag mo sakin at nakalimutan mo." sabi ni Lucas while rolling his eyes.

Ngumiti lang si Alison.

"Bakit?" nakakunot ang noo na itinanong ni Lucas.

"Galit ka na naman eh," sabi ni Alison. "Joke ko lang yun ano kaba..." pinalo ni Alison sa braso si Lucas.

Sinimulan ni Lucas na mag-research about sa riddle na ginawa ni Leslie, kasama si Alison.

"Halos lahat ng lumalabas dito, about sa tulay, ano naman kayang meron sa tulay?" sabi ni Lucas.

"Mayroon ka bang naa-alala na prinank niya sa tulay?" tanong ni Alison.

"Wala... kahit gaano karami yun, wala siyang prinank sa tulay. Atsaka diba, sabi niya enough na siya sa pranks? Kaya itong last station ay clue na talaga." paliwanag ni Lucas.

"Hmmm," nagisip si Alison. "Okay... Saan ba yung kilalang tulay dito? Baka nanggaling na kayo ni Leslie dun?"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Lucas.

"Oh! Wait, I think meron kaming pinuntahan, yung dalawa lang kami -- sa St. Lawrence River Bridge. Galing na kami dun. At isa yun sa pinakamahabang tulay rito sa bayan natin." sabi ni Lucas.

"Pero bakit kaya yung tulay?" kumunot ang noo ni Alison.

Tumingin sya kay Lucas at napatingin naman ito sakanya. Then, Lucas shrugged.

At tinignan ni Alison ng mabuti ang clue na hawak niya, at napansin nya yung mga naka-bold letters. At pinagdugtong niya ang mga ito.

Kumuha siya ng papel at ballpen at inisa-isang isulat ang mga letra dito ayon sa pagkaka sunod sa clue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kumuha siya ng papel at ballpen at inisa-isang isulat ang mga letra dito ayon sa pagkaka sunod sa clue.

"IKAWATAKO?" hindi niya siguradong sinabi, at tinignan si Lucas para sabihin: "Ikaw at ako?"

"Huh? Patingin?" kinuha ni Lucas ang hawak ni Alison na papel.

"Tignan mo yung mga naka-bold letters dito sa clue, tapos pinagsama-sama ko siya dito sa papel, tapos bumuo ako ng anagram at ayan..." tinignan ni Lucas nang mabuti ang clue at inabot ni Alison yung papel na pinag sulatan niya.

"Oo nga neh?" napa-isip si Lucas. "siguro dahil yung barangay naming dalawa, yung tulay na yun ang nananatiling connection. Kaya yung ikaw ay ang barangay nila habang yung ako ang barangay namin or vice versa." Lucas concluded.

"So, tulay na nga. Paano itong second clue?" tanong ni Alison.

"Titignan ko, baka yang 1-0-3-0 eh sign number or vandalism nung mga tambay dun sa tulay na yun. Tignan natin mamaya after class, pwede kaba?" tanong ni Lucas.

Nagisip si Alison.

"Hmmm... sige, ititext ko si Tita Agnes na baka late akong maka-uwi." napatingin si Alison sakanya at ngumiti. At di nya inaasan na mapapatingin rin si Lucas, in a cliché way.

At biglang iniwas agad ni Alison ang tingin niya.

"Bakit mo ako tinitignan?" tanong ni Lucas na may kaunting smirk sa labi.

Habang nagkukunwaring busy si Alison sa pagtingin sa clue.

"Huh? Wala lang." kaya napatingin ulit si Alison sakanya. Nahuli niya na ngumingiti si Lucas. "Anong nakakatawa?"

"Di man ako tumatawa." biglang seryosong sinabi ni Lucas.

"Oh, edi, bakit ka kasi ngumingiti?" tinaasan ni Alison ng kilay si Lucas.

"Sasagutin ko yun, basta sagutin mo rin kung bakit mo ako tinitignan?" kinagat ni Lucas ang labi niya.

"Wala nga!" Alison almost yelled.

"Oh, edi, wala rin sa akin..." ngumiti na naman si Lucas, at sinasadya niya na makita ni Alison.

"NAKAKAINIS KA!!!" pinagpapalo ni Alison si Lucas sa braso.

"Bakit? Wait lang, wag mo akong sasaktan." tumayo na agad si Lucas dahil alam nya na hahabulin na siya ni Alison.

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon