Chapter Twenty-Four

0 0 0
                                    

HABANG nakapila si sa RFID lane ng school bago lumabas, tinawag nila Lance at Troye si Lucas para papuntahin sakanila at dun na siya pumila. Tinignan ni Lucas si Alison.

“Sige na, go.” sabi ni Alison at pinuntahan ni Lucas sila Lance.

At nang makapunta si Lucas sa pila nila Lance.

“Tol, duon nalang ako kasama si Alison, unfair kasi kung sisingit pa ako dyan. Duon nalang ako sa simula.” sabi ni Lucas.

“WOW! Sabihin mo nalang kasi ng diretsohan na dun ka nalang kay Alison.” hirit ni Troye.

“May pa-unfair-unfair ka pang nalalaman.” dagdag naman ni Lance.

“Loko kayo!” nakangiti na sinambit ni Lucas at tumakbo na pabalik kay Alison.

“Oh, bakit bumalik ka?” tanong ni Alison kay Lucas.

“Gusto ko eh, gusto ko na magkasama tayo.” sabi ni Lucas.

Tumalikod si Alison at palihim na ngumiti. She tucked her hair slowly.

Pakiramdam ni Alison mayroong nakahawak sa kamay niya kaya tinignan niya ito at naka-hawak ang kamay ni Lucas.

“Halika na, makipila na tayo.” hinila siya ni Lucas para pumunta sa pilahan.

Napatingin ang grupo nila Becca sa ginawa ni Lucas, dahil hindi lang kasama ni Lucas si Alison kundi hawak-hawak pa niya ang kamay nito. Tinaasan nalang ni Becca ng kilay sila, at pilit pinapagaan ni Kim & Jade ang loob niya.

Matapos pumila sa napakahabang pila ng mala dagat na tao para makalabas ng school, tumawag ng masasakyan si Lucas.

Biglang ibinitaw ni Alison ang kamay niya at napatingin si Lucas sakanya.

“Uh, ngayon na tayo pupunta sa tulay?” tanong ni Alison.

“Oo, kailangan nating humanap ng tricycle papunta sa tulay.” sabi ni Lucas at hinawakan ulit ang kamay ni Alison.

Pero bumitaw ulit si Alison.

“Bakit?” tanong ni Lucas.

Huminga ng malalim si Alison. At hinawakan naman ang kamay ni Lucas.

“Tara na,” ngumiti si Alison.

Sumakaya sila sa isang Tricycle na tamang-tama na papunta sa tulay. Dalawa sila sa loob ng sidecar. Naka-pwesto naman si Lucas sa malapit sa labasan ng sidecar.

Hindi siya nakasandal dahil magsisiksikan sila ni Alison kapag ginawa nya yun. Habang si Alison naman ay nakasandal kaya malayang nagagawa ni Alison na tignan si Lucas.

Hindi maiwasang ngumiti ni Alison dahil, hindi naman talaga ganyan si Lucas noong una niyang nakilala ito. Pero nang dahil sakanya nagbabago na siya.

“Uh, may tanong ako sayo.” sabi ni Alison, habang pilit niyang iniaayos ang buhok dahil patuloy na ginugulo ito ng hangin.

“Sige, itanong mo lang.” mahinahon na sinabi ni Lucas.

“Bakit napakadesidido mong tapusin itong clue na ito?” tanong ni Alison, ngunit mabilis niya ipina-hapol itong sabihin: “Okay-lang-kung-di-mo-sasagutin.”

Nag-kibit balikat si Lucas, at tumingin sa dinadaanan nila.

“Di ko alam, pero... mayroong tumutulak sa loob ko na tapusin ito. Siguro, dahil may mga tanong pa ako sakanya. At umaasa ako na kahit ilan lang sa mga tanong ay masagot.” ngumiti at tinignan ni Lucas si Alison habang sinasabi ito.

“Ummm... Ano ba yung mga tanong mo?” tanong ni Alison.

Nakangiti parin si Lucas na tumingin sa ibaba at bigla niyang iniwas ang tingin at di nalang umimik.

Napa-ihip nalang si Alison at ngumiti, kasi hindi niya mapigilang maramdaman ang magkahalong saya at kaba sa tiyan niya.

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon