Chapter Fifteen

1 0 0
                                        

BAGO magsimula ang susunod na subject nila, naglalakad sa hallway si Lucas at Alison at patuloy parin ang pag-iisip ni Lucas kung ano ba talaga ang mayroon sa nail polish na clue ni Leslie sakanya.

“Naalala ko na, yang paint drop dyan, nail polish yan, nail polish ni Leslie. Yan yung isang prank na ginawa niya sa isang classmate namin, pero hindi na namin siya kaklase ngayon.”

“Ano pang inaantay natin?” tanong ni Alison.

“Ganito ang gagawin, magpriprisinta nalang ako kay sir na ako na ang mag-bukas ng ComLab tutal maaga naman dumarating si sir at mahaba pa ang oras na pag-instruct niya satin bago pa man siya magpa-proceed sa ComLab.” sabi ni Lucas.

Tumango naman si Alison.

“Ayan na si sir, tara na.” sabi ni Alison.

At tumuloy na sila sa classroom nila.

“Hmmm... May something talaga sa dalawang yun.” sabi ni Becca kila Kim at Jade.

“Morning!” sabi ng teacher nila.

“GOOD MORNING SIR!” pagbati nilang lahat.

At biglang nagtaas ng kamay si Lucas.

“What a surprise, you're too early to recite, yes, Mr. Spade?”

“Sir, uh. Ako na pong mauunang magbubukas ng comlab.” sabi ni Lucas. At tinignan ng teacher nila ang mga classmates nila.

“Okay...”

Iniabot ng teacher nila ang susi ng Computer Laboratory kay Lucas at ilang segundo lang biglang tumayo si Alison.

“Uh, sir? Samahan ko na po si Lucas.” nauutal na sinabi Alison.

Biglang nagtinginan sila Rico, Terry at Jeli, at nagsimula silang magbulungan. At nagbulungan yung mga ibang estudyante.

“At bakit mo naman sya sasamahan Ms. Hart?”

Napalunok si Alison.

“Um,” napatingin sya sa mga nagbubulungan, kasama na sila Rico. “Sige po. Hindi na po pala.” umupo nalang si Alison.

“Sige na, samahan mo na sya.” nakangiting sinabi ng teacher nila.

At biglang ngumiti si Alison at sumunod na kay Lucas.

Naabutan ni Alison na binubuksan ni Lucas ang pintuan ng ComLab. Napalingon naman si Lucas kay Alison.

“Bakit sumama ka pa?” Lucas smirked.

“Natatakot ka lang humiwalay sa akin eh.” pabirong banat ni Lucas kay Alison.

“Huh? Huy! Kapal mo ah!” tinulak ni Alison si Lucas.

“Ow!” Lucas groaned.

Palihim na ngumiti si Lucas.

“Look-up ka garud dyan, habang hinahanap ko yung keyboard na may nail polish.” sabi ni Lucas at nabuksan na niya ang pinto kaya binilisan niyang pumasok at naghanap.

Inikot ni Lucas lahat at tinignan ang bawat keyboard kung may bakas ba ng black nail polish, pero ni isa wala siyang nakita. Kaya pinuntahan niya si Alison.

“Pinalitan na yata lahat ang keyboards dito.” huminga si Lucas ng malalim at may dismaya.

“Huh? Paano yan ay?” napakamot si Alison sa ulo. “Wait, check ko baka may na missed ka?”

Lucas gripped Alison's arms, “Ali...”

“Imposible,” sabi ni Alison.

Biglang bumukas ang pinto at biglang may nagsalita na taong hindi nila inaasahan na nandun.

“Ito ba ang hinahanap nyo?” tanong ni Becca.

Napatingin silang dalawa kay Becca at sa hawak nito. Dahil hawak-hawak niya mismo ang keyboard na hinahanap nila.

“Hindi ako makapaniwala, paano mo -- ?” napahinto si Lucas sa sinasabi dahil sa inis.

Napatingin naman si Alison sa ilalim nung keyboard. Dahil alam niya na wala na dapat nakadikit doon, pero may napansin siyang isang papel na tila information sticker ng keyboard sa ilalim nito at naka-umbok.

“Eto? Nagtaka ka pa Lucas, dati nyo akong classmate, at alam ko kung ano ang nangyari dito sa computer lab -- kaya noong narinig ko yung pinaguusapan niyong nail polish alam ko na kung ano yung susunod nyo na pakay. Buti nalang at nauuna yung computer subject namin kaysa sa inyo, so I got it first.” paliwanag ni Becca na may halong sarcasm. “Wait, ano kaya ang pakay nyo dito? Hmmm...”

“Ano bang gusto mo Becca? Bakit mo kami pinapakialaman?”

“Afford mo bang ibigay kung ano ang gusto ko Lucas?” she paused for a moment and continued. “Kapag sinabi ko kaya papayag ka kaagad?”

“Hayaan mo nalang siya Lucas...” sambit ni Alison.

“Awwww. How cheesy, ‘landi’ lang pala ang kailangan mo para bumalik ka sa dati Lucas eh.” Becca said sarcastically.

Biglang nag-pintig ang tenga ni Alison at tumaas ang kanyang kilay.

“Anong sinasabi mo?”

At nagsimulang naglakad pupunta kay Becca.

“Ang sarap sa tenga diba? Lalo na kapag totoo yung mga sinasabi tungkol sayo. And you’re asking pa na ulitin ko? Wow, I’m not surprise… HAHA.” pangiinsulto ni Becca.

Binigyan ni Alison si Becca ng isang matalim na tingin.

“Becca, why don’t you just shut up and leave?” sambit ni Lucas.

“Leave? Okay.” iwinagayway ni Becca ang keyboard na hawak niya and she's ready to go.

“Wag ka munang umalis… duwag.” at nagbago ang tono ng pagkaka-salita ni Alison, at dahan-dahang naglakad papunta kay Becca.

“Una sa lahat, hindi ako malandi - ewan ko lang ikaw? Baka gusto mo lang ishare sa amin yung gawain mo. At pangalawa-” at hinawakan ni Alison ang keyboard.

“Hindi mo pag-aari si Lucas at yang keyboard para ipagdamot mo sakin!” hinila ni Alison ang keyboard kay Becca pero hindi parin bumibitaw si Becca at nagmatigas parin.

At nagsimula silang nag-agawan sa keyboard ni Becca.

“Bitawan mo na yan, kung ako sayo.” paghamon ni Alison kay Becca.

“Kung ikaw yun.” Becca sarcastically said.

“Ayaw mo talagang bitawan ah!?”

“Dare me!” Becca yelled at Alison.

Pinilit-pilit paring hilain ni Alison. Pero pumapalag parin si Becca. Hanggang sa nakakuha ng tsempo si Alison na sobra ang pwersa ng paghila ni Becca; tsaka niya  ito bibitawan.

“Okay,” at bumitaw na nga si Alison. “Sayo na yan!” hanggang sa bumangga si Becca sa pader. At lalong nag-init

Tumingin ng masama si Becca kay Alison

She screeches at sinubukan na sugurin si Alison, pero tila handa si Alison sa mangyayari kaya hindi umatras si Alison. Pero napahinto rin si Becca at tinignan si Lucas.

“Hindi ko talaga ibibigay ito.” at tumakbo paalis si Becca.

“Look, hindi mo nalang sana sya pinatulan Ali.” nanghihinayang na sinabi ni Lucas. “Pwede ko naman siyang daanin sa usapan eh.”

“Sa kanya na yung keyboard na yun.” sabi ni Alison, sabay taas sa kamay niya na may hawak na papel.

At ipinasok ni Alison sa bulsa ni Lucas sa may polo nito pero kinuha ito ni Lucas at tumalon sa saya.

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon