TUMUNOG ang alarm sa cellphone ni Lucas kung saan medyo na-lingap siya para patayin ito pero napansin niya ang oras at biglaang umupo.
Ramdam niya tuloy ang hilo dahil sa biglaan niyang pag-upo galing sa pagkaka-tulog.
“Oh, geez!” bumangon si Lucas at humarap sa salamin at biglang napa-ngisi.
“Ang gwapo talaga nito.”
Bigla siyang napatingin sa nakabukas niyang bag at napansin ang Scrapbook ni Alison. Nakalimutan palang kuhanin ni Alison sa bag ni Lucas.
Kinuwa nya ito at napangiti na binuksan at nakita ang pictures ni Alison.
Naalala ni Lucas ang panahon na una niyang nakita si Alison. Naalala niya ang mga bagay na gawain ni Alison kung bakit napapangiti si Lucas. Ang mga ngiti at tawa, ang mga galaw niyang hindi inaasahan ni Lucas, ang paninindigan niya sa bagay na pinaglalaban niya. Tila nakikita niya si Leslie pero sa ibang paraan kay Alison.
Lucas shook his head and smiled.
Umupo siya ulit at tinitigan ang sobre sa tabi nya. Kinuha ito at inilagay sa bulsa ng bag nya para idala sa school.
—
Nang matapos ang second subject nila lumabas si Alison sa classroom nila para mag-recess. Hinabol siya ni Lucas.
“ALIII!!” Lucas yelled.
Napahinto si Alison at lumingon para tignan si Lucas.
“Oh, ano, kamusta?” ngumiti si Alison habang papalapit sakanya si Lucas. “Okay lang kahit wag mo nang sabihin sakin yung message nya kasi alam ko na--” napahinto si Alison sa sasabihin nang yakapin siya ni Lucas.
“Para saan ito?” tanong ni Alison, at inalis na ni Lucas ang yakap niya.
“Actually, yun yung sasabihin ko sayo. Hindi ko pa nabubuksan...” Lucas grinned.
“Huh?” Alison squirted.
“Pero simula ngayon, lagi na dapat kitang kasama na magbubukas or titingin sa clue kasi magkasama tayong hinahanap ang sagot eh.” naka-ngiti na sinabi ni Lucas.
“Huh? Malay mo yan na yung last?” Alison shrugged.
“I don’t think so.” tumingin sa ibaba si Lucas.
“So, sakin mo ipabubukas yan?” tanong ni Alison.
“Parang ganun na nga.” ika ni Lucas.
Naguguluhan si Alison sa nangyayari, kung bakit naging ganyan ang desisyon ni Lucas. Tumingin siya kay Lucas nang hindi sigurado.
“We’re working together diba?” tanong ni Lucas.
“Together talaga ha.” she started teasing him.
“Uhhh… tumigil ka nga sa kaka-ganyan mo Ali, I’m trying to be okay na diba?” tinignan niya si Alison ng nakataas ang isang kilay.
Sinubukang kilitiin si Lucas.
“Mmmm… Yiiiieee…” patuloy parin si Alison ni tini-tease si Lucas.
“Okay. Shut up! Ako na nga ang magbubukas.” kunwari na tampos ni Lucas.
Biglang may sumingit na boses.
“Ehem, bro parang napapadalas na ang pag-ngiti mo ah?” tanong ni Lance.
“Tama ka dyan tol, magmula nuong dumating si Aaaalison!” ika ni Troye.
Nag-act na naglalampungan ang dalawa.
“Tumigil nga kayo dyan! Mga baliw!” hindi makuhang magalit ni Lucas na binabawalan sila Lance.
“Huh? Anong kinalaman ko dyan?” tanong ni Alison, while blushing.
Tinignan ni Lucas ng masama sila Lance at Troye.
“Tol, di muna ako sasabay sa inyo ngayon. May imporatante lang kaming gagawin ni Alison.” sabi ni Lucas.
“Well, ano pa bang magagawa namin?” sabi ni Troye.
“Kokontra pa ba kami sa kali-gayahan mo?” hirit ni Lance.
Napa-iling nalang si Lucas sa kapilyuhan ng mga kaibigan.
“Ewan ko sa inyo!” hinawakan ni Lucas ang kamay ni Alison at iniwan ang dalawa.
“Kita mo, may pa-hawak kamay pa.” sabi ni Lance. At tumawa ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Akala: A Novel
Mystery / ThrillerPara sa ikasasaya ng isang tao... Handa ka bang sumugal sa isang akala? Pero papaano kung huli na ang lahat? SYNOPSIS: Tulad ng ibang pamilya, si Alison ay nakakaranas rin ng problema sa kanya mga magulang. Sa dahilan na gusto nang maghiwalay...
