Chapter Eleven

0 0 0
                                    

NAGLALAKAD si Alison nang mapansin niya na ang lahat ng mata ay nakatingin sakanya. Kaya hindi naiwasan ni Alison na mapayumuko nalang.

Naririnig niya na ang mga estudyante ay nag-bubulungan, at ang mga sinasabi ay: “Ayan ba yung pinagtanggol ni Lucas sa video?”,“Oh my gosh, I can't see any reason why Lucas would be interested with this girl?”,“She's a witch, she used voodoo spell to get Lucas.”,“Ew...”

Pero hindi nalang pinatulan ni Alison.

And then this Barbara girl showed up, “Girl, famous kana.”

“Teka, bakit?” tanong ni Alison.

“Kalat na kaya yung video na pinagtanggol ka ni Lucas.” sagot ni Barbara.

“So?” tanong ni Alison.

“Girl, na-featured ka na pinag-tanggol ni Lucas kay Becca. Kasama mo lang naman yung dalawang sikat na estudyante dito sa school sa video at parang pinagtanggol ka pa doon ni Lucas, tapos nagtataka ka pa ngayon?” paliwanag ni Barbara.

“Wait, who are you?” tanong ni Alison.

“I'm Barbara and I'm just an ordinary student here at naglakas loob lang ako na lapitan ka, to warn you. Dahil pinagtanggol ka ni Lucas.” sabi ni Barbara.

“At isa ka sa naniniwala na pinag-tanggol ako ni Lucas?” tanong ni Alison.

“Of course, hindi niya pa ginagawa yan sa ibang babae except sa...” napahinto si Barbara, “Nevermind... Gotta go, good luck sa pagiging famous.”

“Wait!” sinubukan ni Alison na tawagin siya pero nagmadali na ito na umalis.

At pagtingin ni Alison sa paligid niya, nakatingin parin ang mata at tila ayaw na nilang patuluyin si Alison sa pupuntahan niya.

“Come on guys?! Cut the bullshit!” sumigaw si Alison at biglang napatigil sila sa pagtingin kay Alison. At huminga si Alison ng malalim dahil huminto na sila. Pero hindi alam ni Alison na paparating pala si Lucas kaya sila tumigil.

“Kita tayo sa bleacher mamayang break.” sinabi ni Lucas.

“Huh?” nalilitong itinanong ni Alison.

“Di ko na kailangan pang ulitin, alam ko naman na narinig mo ‘yon.” Lucas sarcastically said.

Alison just rolled her eyes. “Hmp… sungit!”

“Anong sabi mo?” tanong ni Lucas.

“Di ko na kailangan pang ulitin, alam ko naman na narinig mo ‘yon.” nakataas ang isang kilay na binanat pabalik kay Lucas ang linyahan niya.

Lucas shook his head at umalis.

Napatingin si Alison sa mga tao ulit at nakatingin na naman sila sakanya.

“REALLY?” Alison shrugged at nagmadali nalang na pumunta sa classroom.

Pumunta si Alison sa usapang bleacher nila ni Lucas. “Ali? Huy! Alison.” biglang dumating si LJ.

Hindi pa man inaalok ni Alison na umupo si LJ pero inunahan na niya ito. Kaya umupo siya sa gilid ni Alison.

“Oh, LJ! Saan ka pala nagpunta kahapon?” tanong ni Alison.

“Uhhh...” nagisip si LJ sa kung ano ang irarason niya. “Nag-CR ako nun diba? Pag balik ko mag-kasama na kayo ni…LUUCAAASSSS! Tapos Nakita ko pa yung video nyo sa Facebook.” ngumiti si LJ. “Hulaan ko, magkikita kayo dito neh?”

“TUMIGIL ka nga LJ! Pati ba naman ikaw. Ewan ko rin dun, may pag-uusapan daw kami.” paliwanag ni Alison.

“Well, I guess I better go now… Magkikita pa pala kayo ni Knight and Shining Armor mo.”

“Tse! Wait, samahan mo nalang akong antayin siya. Ipapakilala kita.” suggestion ni Alison.

“Huh? Nooooo! Nakakahiya kaya!” LJ whined.

“Bahala ka dyan.” Alison shrugged, dahil alam niya na hindi na niya mapipilit si LJ.

“Ay, oo nga pala, pinapatawag ako sa library, magbabayad daw ako nang tuition!” nawala na sa komposisyon si LJ kaya nauutal niyang sinambit ang mga yun.

“Ayaw mo talaga?” namagasa parin si Alison.

LJ smiled and shook her head. Then she waved goodbye.

At ilang minuto pa ang nakalipas nang umalis si LJ biglang dumating si Lucas.

“Hi?” pagbati ni Lucas.

At biglang napatingin si Alison.

“Hi!” masayang pagbati ni Alison.

“Pwede ba akong maki-upo?” tanong ni Lucas. Pero biglang nagtaka si Alison dahil biglang naging mabait si Lucas sakanya.

“Uh-ye-yeah? Sure!” nagtatakang sagot ni Alison, pero masaya narin siya at nagiging okay na sila ni Lucas. “Ano nga palang sasabihin mo?”

Tumingin si Lucas sa ibaba and took a little hist.

“Na-figured out ko na kung ano yung nasa note.”

Biglang nanlaki ang mata ni Alison.

“Talaga?” pero biglang nawala ang enthusiasm ni Alison at tinanong “Pero bakit sakin mo sinasabi?”

Huminga ng malalim si Lucas at umusog pa ng mas malapit kay Alison.

“Kung kila Lance ko sasabihin ito, pagtatawanan lang nila ako. Sasabihan lang nila ako na mag-‘move-on’ sa kahibangan na ito.” paliwanag ni Lucas.

Napatawa ng marahan si Alison at tinignan si Lucas.

“Sa tingin mo, ako, hindi ko gagawin yun?” tanong ni Alison, na may konting panunukso.

“I guess... so...?” hindi siguradong isinagot ni Lucas.

Nasurpresa na naman si Alison sa nangyayari.

“Pero... Don't take it as something na ah. Pakiramdam ko lang kasi, mas mapagkakatiwalaan kita dito.” sambit ni Lucas, kasi baka isipin ni Alison na may pagtingin sakanya si Lucas.

“Oh, okay. So ano bang nasa note?” tanong ni Alison.

“Clue kasi ito, at may ibig sabihin sa loob ng clue na yun.”

“Ano?” tanong ni Alison.

“Ang ibig sabihin nun, kailangan nating mahanap kung sino yung nasa unang prank dahil nasa kanya ang sagot.”

Napaisip si Alison.

“Sa prank ni Leslie?” tumango si Lucas. “Sino ba kasi si Leslie?” biglang itinanong ni Alison.

“Basta…” masungit na isinagot ni Lucas.

“Anong basta?”

“Basta...” nag-isip si Lucas, “Oh, come on! Can we just forget about her?”

“Forget? Kailangan kong malaman kahit konti lang about sakanya, para ma-curious ako at makikinig tungkol diyan sa clue na yan.” pagpilit ni Alison.

“OKAY! OKAY!” tumaas ang boses ni Lucas na sinabi. “She- She's- She’s my girl. I mean she was my girl.” nauutal niyang sinabi.

“She was? Anong nangyari? Break na ba kayo? Lumipat ba sya ng school dahil wala na kayo?” pilit paring nagtanong si Alison. “Ano???”

Tumayo si Lucas at naglakad paalis dahil nakulitan siya kay Alison, pero sumunod naman si Alison sakanya.

“She’s gone, as in gone-gone. And hanggang dun nalang yun.” naka-yukong binanggit ni Lucas.

“Oh, sorry... Nasaan na sya ngayon?”

“She’s dead!” sumigaw si Lucas. “And it’s all because of me. Enough naba sayo yun?”

“Sorry...” tumingin nalang sa lapag si Alison sa hiya, dahil kinulit niya si Lucas about sa nawala niyang kaibigan.

Lucas shook his head at tinignan si Alison sabay alis. Pero this time, hindi na sumunod at nangulit si Alison.

At nakita sila ni Becca na magkasama. Kaya nagsimula na namang uminit ang ulo nito dahil sa inis kay Alison.

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon