Chapter Twenty-Two

3 0 0
                                    

PAPUNTA sila ng Library at dumaan sila sa corridor. Pero nakita ni Lucas yung corridor kung saan nag-confess siya kay Leslie.

"Wag na tayo dyan sa Library..." sabi ni Lucas. "Doon nalang tayo umupo sa gilid." mungkahi ni Lucas.

"Sure ka? Baka marumihan ka? Ako, ayus lang sakin ang marumihan." sabi ni Alison.

Tinignan ni Lucas si Alison, hindi siya umimik pero sinasabi ng tingin niya na sure sya.

"Okay." nginitian ni Alison si Lucas at umupo sila sa corridor.

Pababa palang si Becca sa hagdan nang makita niya ang dalawa sa gilid ng corridor na nakaupo at nag-uusap, at tsempo namang si Lance ay paakyat ng hagdan.

Biglang hinila ni Becca ang braso ni Lance at nagulat si Lance.

"Shhh... wag kang maingay." itinapat ni Becca ang hintuturo niya sa bibig niya.

"Becca?" tanong ni Lance.

"Tara lumapit tayo, pakinggan natin yung pinaguusapan nila." sabi ni Becca.

"Pero--" biglang napahinto si Lance nang hawakan ni Becca ang kamay niya. Kaya sumunod nalang si Lance.

Lumapit ang dalawa at pumwesto sa kung saan hindi sila makikita nila Alison at Lucas.

"Sige na, buksan mo na." excited na sinabi ni Alison.

"Hindi ko kaya. Ikaw nalang." tila kinakabahan si Lucas na buksan ang sobre.

"Anong ako? Eh, hindi naman para sakin yang laman nyan eh." sabi ni Alison. "Kundi para sayo."

"Please..." inabot ni Lucas kay Alison.

"Okay." Alison rolled her eyes.

Kinuha niya ang inaabot ni Lucas na sobre at sinubukan na buksan. Nang mabuksan ang sobre naglalaman ito ng dalawang nakatupi na papel.

Ang isa sa nakatupi ay may naka-sulat na 'CLUE' at ang isa naman ay 'LETTER'.

"Letter and Clue?" binasa ito ni Alison.

At iniabot ni Alison ang papel na may nakasulat na letter kay Lucas.

"Oh, para sayo yang letter. Ako na ang titingin sa clue." sabi ni Alison.

"I guess ba-basahin ko nalang ito nang malakas para marinig mo rin." nauutal na sinabi ni Lucas.

"Okay, wag kang kabahan nandito lang ako. Ano man ang laman niyan, di kita iiwan." hinawakan ni Alison ang kamay ni Lucas at ngumiti.

At itinapat na nila sa salamin ulit at sinubukang basahin.

At itinapat na nila sa salamin ulit at sinubukang basahin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ohhhh... okay." tumangong sinabi ni Alison. "Gusto lang pala nyang mag-enjoy ka, pero pinapahirapan ka pa nya. Sabihin mo sakanya, pasalamat sya at sinasamahan ko yung kaibigan niya." Alison sarcastically stated.

Napatingin kay Alison si Lucas, at ngumiti ng patago.

At tinignan ni Becca si Lance.

"Oh my gosh, Les? As in Leslie? May message sakanya si Leslie, eh halos isang taon na siyang patay." nagtaka si Becca ng marinig niya ang nickname ni Leslie.

"Ewan ko, baka yan yung pinagkaka-abalahan nilang dalawa." pabulong na sinabi ni Lance.

"Oh baka gawa gawa lang yan ng babae na yan, para makuha ang atensyon ni Lucas." Becca rolled her eyes.

"Malay ko." nag-kibit balikat si Lance.

"Tara na... at baka mahuli pa tayo." niyaya na ni Becca si Lance na umalis.

At tuluyan na nilang iniwan ang dalawa. Napatingin bigla si Alison sa gilid, na tila may napansin siya.

"Si Becca ba yun at si Lance?" tanong ni Alison.

Nag-kibit balikat si Lucas. "I'm not sure. Tignan na natin yang clue."

Alison unfolded the clue.

"Hmmm... okay, kailangan na naman natin ng mirror para mabasa ang clue." tumingin si Lucas kay Alison.

"Ano sa tingin mo?" maaliwalas ang mukha na tinanong ni Alison

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano sa tingin mo?" maaliwalas ang mukha na tinanong ni Alison.

"Oh, parang nabunutan ka ng tinik? Ano ba kasing ini-expect mo na laman nun?" tumawa ng marahan si Alison.

"Wala, pero parang gusto ko lang sumayaw sa tuwa." sabi ni Lucas na may maaliwalas na itsura.

Kinuha ni Lucas ang kamay ni Alison. Hindi gaya ng pagtanggi ni Leslie – pumayag agad si itong Alison. Ipinatong nya ang kamay nya sa kamay ni Lucas at sumayaw sila sa tuwa.

Hindi nila namamalayan na may mga tao nang tumitingin sakanila.

"Huy, may mga taong nakatingin Lucas." sabi ni Alison.

"Wala akong pake, atsaka Lu nalang ang tawag mo sakin okay?" sabi ni Lucas.

"Nakakahiya Lu..." Alison secretly smiled.

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon