Chapter Three

2 1 0
                                    

DAHIL sa bwisit niya, lumabas si Alison sa canteen at naghanap ng pwedeng mauupuan na walang tao; huminga siya ng malalim sa relief ng makita niya ang bleacher na walang ibang nakaupo.

Feeling niya kasi, pare-pareho nalang ang mga tao sa school na nalipatan niya.

“Oh? Baka naman pati itong bleacher na ito nakareserba na?” tanong ni Alison sa sarili. Oo most of the time mahilig kausapin ni Alison ang sarili kapag alam niyang walang matinong kausap sa isang lugar na pinupuntahan niya.

Pumwesto sya at isinuot niya ang earbuds at namili ng kanta, “Hmmm... Siguro classic nalang, or back to my usual, 1D.” sabi niya sa isip niya at sumasabay sa indak ang ulo niya nang tumunog ang Fireproof na kanta nila.

Pero biglang mayroon siyang naaninag na tila tao sa gilid niya. Nakatayo lang, at tila pinagmamasdan siya at sumagi sa isip niya na isinasayaw nya pala ang uluhan niya kaya napahinto ito at tumingin.

Inalis ni Alison ang earbuds niya kasabay ng pagtingin sa na-aninang niya.

“Oh! Woah! Oh-my-gosh!” nagpakita ng isang pilit na ngiti dahil sa utal. “HI! Sorry di kita naririnig-- naka-headset kasi ako e. At 'di rin kita napansin, by the way.” dagdag ni Alison.

“Ayos lang yun. Ang cool nga ng head dance mo,” sabi nung babae at marahang tumawa habang kumukuha ng tsempo, “pwede ba akong umupo sa tabi mo?” tanong niya na tila nahihiya pa.

“Sure!” nanlaki ang mga mata ni Alison at dali-daling pumayag. Hindi makapaniwalang inisip ni Alison na 'di na sya makakahanap ng magiging kaibigan sa school na ito, pero nakilala nya ang babae.

“Hindi naman pala lahat dito ay suplado at suplada.” binanggit niya sa isip niya.

Inalukan siya ng babae na makipagkamay ay ipinakilala ang sarili. “LJ, by the way.”

Ni isang tao sa eskwelahan walang gumawa sakanya niyan, maliban kay LJ.

“Uh, Alison pala...” sa tuwa, agad tinanggap ni Alison ang pakikipagkamay ni LJ. “Pe-pero, pwede mo rin akong tawaging Ali, kung nahahabaan ka sa Alison.” nauutal na inalok ni Alison.

“Sana lahat ng estudyante dito ay friendly, tulad ng mga nasa dati ko school.” sambit niya sa sarili.

Hindi mapawi ang ngiti ni LJ, para bang ngayon lang siya nakakita ng ibang tao o parang matagal na niyang hinahanap si Alison at ngayon lang nya natagpuan.

“Sige, Ali nalang itatawag ko sayo.” she paused for a moment, then continued “...hulaan ko? Bago ka lang rito neh?”

Tumango si naman si Alison.

“Oo...” nagkibit balikat si Alison, “tranferee ako,”

“Bihira lang kasi ako makakita ng bagong mukha dito sa school, lalo na sa kalagitnaan ng school year.” ngumiti si LJ.

“Siguro, dito talaga ako nakatadhana na mag-aral.” sabi ni Alison.

“Talaga? Bakit mo naman naisipang lumipat rito? I mean, not in a bad way, nasa kalagitnaan kana kasi ng year. Bakit di kana lang nagstart dito nagsenior high? if you don't mind me asking.” nagaalangan na itinanong ni LJ at hinihiling na sana hindi ma-offend si Alison.

Huminga ng malalim si Alison at nag-isip.

“Actually, biglaan ito para sa akin, it was unplanned for me, yung parents ko lang kasi ang nag-plan without letting me know. because they are processing their annulment papers at nakapag-decide sila na dito muna ako sa province ni Mama mag-stay, so dito ako sa school na 'to napunta.” paliwanag ni Alison.

Akala: A NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon