Chapter 4

6.9K 161 0
                                    

Owe

DEIN'S POV

Sino ba talaga siya?

Natitigan ko uli ang mata niya. Parang nakita ko na 'yon eh hindi ko lang matandaan, pati boses niya parang narinig ko na. Parang katulad ng kay Beat—

"Bro, ano sasama ka?" Tanong ni Jake nang makalabas ang instructor namin.

"Saan?" Balik na tanong ko.

"Kanina pa kami daldal ng daldal wala ka palang naiintindihan!" Naiiritang sabi ni Jerome.

Malay ko ba. Lumulutang na naman ang utak ko e. Noong isang araw pa ako nag-iisip tungkol sa Bloody Death na iyon.

"Ano ba kasing iniisip mo?" Jake asked again.

"Yung babaeng pumasok sa tambayan natin, parang ano eh," hindi ko makuha ang tamang sasabihin ko, "Hayst! Never mind. Saan ba tayo pupunta?"

"Nagyaya si Beatrice. Punta raw tayo sa resto-bar nila," sagot ni Jake.

"May resto bar sila? Wow naman, tara ba! Saan na ba siya?" Excited na tanong ko.

"Eto sa likod mo," tumawa si Beatrice kaya napalingon ako sa likod ko. She's smiling from ear to ear while waving her hand. Cute...

"Tara na!" Hiyaw ni Jerome na ikinatawa namin. Wala na naman si Eugene. Hindi namin alam kung nasaan siya. Kapag tinatanong mo naman, tatawanan o tutulugan ka lang.

Habang naglalakad kami papuntang parking lot, medyo malayo kasi napag-parking-ngan namin, nang biglang mag-paalam si Beatrice.

"Guys una na kayo. Mag c-cr lang ako ha. Alam niyo na naman kung saan!" Sabi niya at tumakbo. Ni hindi na niya kami hinintay makapag-salita.

"Anong nagyari doon?" Tanong ni Jake. Pati sila nagta-taka. Bago kasi kami mag-lakad ay nag-cr na siya. Tapos ngayon, cr uli?

Hindi na namin ito pinansin. Habang naglakad na kami papunta sa mga kotse namin kasi magco-convoy na lang daw kami nang may biglang humarang sa amin.

Lahat sila naka-itim. May dala silang katana at baseball bats. Shit! Buti na lang wala rito si Beatrice.

"Sino kayo?" Tanong ko pero ngisi lang ang sinagot nila.

"Kami ang Gray Pakker Gang," pakilala ng isa.

"Anong kailangan niyo?" Tanong ni Jake.

Kunwari pa kalma kalma lang kami pero dinadaga na ang dibdib ko. Wala naman kaming atraso dito ah. Ni hindi ko nga sila kilala.

"Mukhang kilala niyo si Bloody Death na pumatay sa kapatid ko, " sabi noong isa na mukhang leader nila.

"B-bloody Death?"

Siya iyong pumasok sa tambayan namin ah!

"Men, get them!" Utos noong parang leader nila.

Handa na sana akong tumakbo dahil paniguradong wala kaming laban sa mga dala nila nang biglang may nag-salita sa gilid namin.

"Don't you dare to put your dirty hands on them!"

Napatingin kami sa babaeng naka-black na leather jacket, skinny jeans at mask. Si Bloody Death!

Tumawa iyong leader-leaderan nila bago sumeryoso at tiningnan ng masama si Bloody Death. "At bakit ka namin susundin?"

"Simply because, I'm Bloody Death!"

Sobrang cold ng boses niya. Ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko nang tumalim ang mga mata niya.

"Ba't ka ba nag-aalala ka sa kanila? Kilala mo ba sila?" 

Napatingin kami kay Bloody Death. Hindi siya nag-salita. Prenteng nakasandal lang siya sa isa samga kotse dito sa parking lot. Kilala niya ba kami?

Shit si Beatrice baka anytime bumalik na siya!

"Just let them go. Ako ang harapin niyo." Aning Bloody Death. Balewala ang tanong sa kanya nang mga lalaki.

"Paano kung ayoko?" Tanong pa noong lalaki. Napaka-angas ng dating. Paulit-ulit niyang dinidilaan ang labi niya na may hikaw.

"Then I better call for a funeral service for you!"

"Ang yabang mo. Sa tingin mo kaya mo kami? Sa dami naming ito?" Sabi ng lalaki. Napatingin kami sa kanila. Madami nga sila.

"Then try me!" Cool niyang sabi. Sira ulo ba s'ya? Ang dami dami ng kaharap niya at puro lalaki pa.

"Men, do your work, " sabi noong parang leader nila.

BEATRICE'S POV

May nakita ako mula sa malayo. Mga lalaking nakajacket na black na may tatak na Gray Pakker. Nakaharap ko na sila dati, pero mukhang hindi pa rin sila nadadala.

Napatingin ako kila Dein na nag-uusap tungkol sa resto-bar namin.

Shut hindi ako pwedeng makipaglaban ngayon. Kasama ko pa naman itong tatlong ito. Kaya nagmamadali akong nagpaalam at tumakbo. Maya maya bumalik ako sa parking lot na nakapang mafia suit. Hahawakan sana nila ang tatlo ng magsalita ako at hamunin sila.

"Bloody Death sira ba ang ulo mo. Ang dami kaya nila." Sabi ni Jerome. 

Tiningnan ko sila. So what kung madami sila.

Napatingin ako sa mga susugod sakin. May mga dala silang katana at baseball bat.

Tsk. Binato ko sila ng kutsilyo. Tumama yun sa lalamunan nila. Sumunod naman sumugod ang tatlo sa may bandang gilid ko, hahampasin sana nila ako ng bat ng bigla akong tumalon at tinapakan ang balikat ng isa sabay pilipit ng leeg nya at binaril ang dalawa. 

"Weak!"
"Bloody Death sa likod mo" Dein

Napatingin ako sa likod ko akmang hahampasin nya ko ng pigilan ito at sinaksak sya sa tyan at ginilitan sa leeg. Madami dami pa sila pero who cares. Madami na kong napatay sa grupo nila. Mga 15 na lang sila. 

"Back off!" Sabi ng leader nila na si Neil." Hindi pa tayo tapos" dagdag pa nya at umalis.

Hindi ko na sila hinabol.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa may bandang gilid ng tyan ko. Sh*t natamaan pala ko.

"Bloody Death!" Tawag sakin ng tatlo. Hindu ako nagpahalatang may tama ako. Tiningnan ko lang sila.

"Salamat" sabi ni Dein

"You owe me one" sabi ko at sumakay sa motor at pinaharurot.

Kailangan kong gamutin toh at baka mahalata nila mamaya na may sugat ako.

She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon