DEIN's POVNagulat ako ng biglang may tumulak sakin at tinutukan ako ng baril.
Ngumisi ako at mabilis na sinipa ang baril na hawak nya at sinutok ang lalaki iyon sa mukha. Sinundan ko iyon ng sipa sa kanyang panga.
Napahiga siya dahil doon. Lumapit ako at tinapakan ang dibdib nya.
"Sinong nagpadala sayo? Saang gang ka kabilang?"
"W..wag mo kong patayin..." Sabi nya at umubo.
"Sagutin mo ang tanong ko!"
"Devout Gang!" Sabi nya.
Agad kong dinakot ang ulo nya pinilipit.
Kailan ba ako titigilan ng Devout Gang na iyan. Pang ilang beses na ito ah.
Pinagpagan ko ang sarili ko at pumasok sa kotse.
Nakita kong nakatulala si Claire pero lumuluha sya.
Shit! Nakalimutan kong kasama ko sya. Dapat ay hindi nya ako nakitang pumatay ng tao.
"Claire... Claire I'm sorry!" Sabi ko at hinila sya payakap sakin.
Simula ng umalis sya ay tinanggap ko ang alok ni Eugene na sumanib sa grupo nila pero nang malaman ito ni Tito Lue ay binigyan nya ako ng sariling gang.
Ang DBG.
Initials ko at initial nya. Dahil yun talaga ang gusto ko. Ang maramdaman ang nararamdaman nya noon noong pinoprotektahan pa nya ako.
"Claire. Sorry na wag na ng umiyak!"
Pagpapatahan ko sa kanya at hinarap sya sakin. Napatingin ako sa mukha nya. Sa mga mata nya, sa ilong at sa labi nya.
Unti unting umabante ang mukha ko papalapit sa mukha nya .
"D-Dein..."
Hindi ko pinansin si Claire at inilapat ko ang labi ko sa labi nya.
I close my eyes and start to move my lips on her. She response on my kisses.
Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko. Katulad noong pagtibok kapag malapit sakin si Beatrice.
Mabilis akong kumalas sa halik ng maalala ko ang mukha ni Beatrice.
"I'm sorry!"
Napalayo ako sa kanya at sinuot ang seatbelt.
"Its okay. Asawa naman kita... Kahit sa papel lang. Kaya okay lang iyon!"
Sinuot na din nya ang seatbelt nya kaya nag-umpisa na akong magdrive.
Umuwi kami sa bahay namin na regalo ni Tito Lue samin.
Naglibot si Claire at tiningnan ang bawat sulok ng bahay. Hindi ito ganong kalaki. Sakto lang para sa aming dalawa. Simple lang din ang desinyo niya. Kulay dirty white ang dingding at kamagong brown ang lining at bubong.
"Bestfriend.. Ano.. Iisa lang ang kwarto!"
Nahihiyang sabi niya ng makabalik siya sa salas.
"Okay lang dun ka na lang dito na lang ako sa sofa!" Sabi ko at naupo.
"Ano.. Hindi okay lang tabi na lang tayo!"
Napakamot sya sa batok nya at ngumuso.
"Hindi din kasi ako sanay matulog mag-isa!"
Oo nga naaalala ko na sinabi nya sakin na yung yaya nya lagi ang katabi nyang matulog dahil takot syang mag-isa sa kama. Hindi sya nakakatulog ng walang katabi.
"Sige. Bahala ka. Matulog ka na. Susunod na lang ako!"
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng wine. Nagulat ako ng sumunod sakin si Claire at kumuha ng wine glass.
Inabot nya sakin ang isa kaya nilagyan ko iyon ng laman ganoon din ang hawak nya.
"Kamusta na kaya sya?"
Napatingin ako kay Claire. Sumimsim sya sa baso at tumingin sa glass door na kitang kita ang langit.
"Hope she's okay! I miss her so much!" Sabi pa nya at nakita ko ang pagpatak ng luha nya.
Parehas lang kami ng nararamdaman. I miss her too. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Sabi pa nga nila Jake, naging cold na raw ako sa kanila, sa kahit na sino. Ni hindi ko napansin na nagbago na pala ako pagkatapos niyang umalis.
I took a shot of wine while listening to her. Nakakarami na ako ng alak.
"Alam mo, Dein. I still remember the last time that she talk to me." Uminom muna sya bago magsalita uli. "She call me frenny. Tuwang tuwa ako dahil yun yung first time na tinawag nya ako sa palagi kong tawag sa kanya!"
Muli syang uminom. Sunod sunod din ang pagpatak ng luha nya.
"But I felt guilty nung nalaman ko na ikaw pala ang mapapangasawa ko!"
Bumaba ang boses nya doon
"Aren't you happy?"
"Yes and No! Yes kasi nagkatotoo ang wish ko na makasal sa taong mahal ko and No because I think I stole you from my bestfriend!" Humagulgol sya. "She is my bestfriend, Dein and you know how much I tried to stop this wedding kasi alam kong nagmamahalan kayong dalawa at mga kaibigan ko kayo"
"Shh wag mong sisihin ang sarili mo!" Pagpapatahan ko sa kanya.
"Well, I actually did. Hindi ko napigilan ang kasal natin. Wala akong nagawa para hayaan kang maging malaya!"
Hindi ko maintindihan pero napaluha ako at may konting kirot akong naramdaman. At mas lalo pa akong nagulat sa mga katagang lumabas sa bibig ko
"Claire hindi ka ba masaya na ikinasal tayo? Kasi ako, oo!"
Nanlaki ang mata nya at tumingin sakin. Alam kong nagulat sya. Ako rin naman eh.
"D-dein?"
Hindi ko maintindihan pero naglakad ako papalapit sa kanya. Napaatras naman sya.
"D-Dein ano ba?"
Nagtuloy tuloy ako sa paglapit sa kanya at sya naman sa pag-atras.
Napakahigh ng pakiramdam ko. Marahil dahil sa alak.
Na-corner ko sya ng wala na syang maatrasan.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko
"Dein ano ba lumayo ka nga!"
Kinakabahan nyang sabi at tinutulak tulak ako
Hinawakan ko ang kamay nya at siniil ko sya ng halik.
"Happy wedding anniversar, wife," bulong ko at hinalikan siyang muli.

BINABASA MO ANG
She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)
AksiCOMPLETED (12/24/2018) ACHIEVEMENT Rank #1 - mafiaprincess Rank #1 - onlygirl Rank #1 - kills Rank #1 - yes Rank #3 - mafiaqueen Rank #4- gangs Secret after secret. That's Beatrice Diane Johnson's life. Sanay na sanay siyang tinatago ang totoong ka...