BEATRICE's POV
"Fuck! Pinagloloko niya 'ko!"
Galit kong sigaw sa mga tauhan ko. Nang ibalita niya sa akin na hanggang ngayon ay wala pa ring lead kay Cheska.
"Sorry, Princess pero iyon yung na-track namin!"
Inihagis ko ang baril na nasa harap ko.
Walang hiya! Isang buwan pero napakadulas ng ahas na si Cheska Savanna.
Hindi ko sya mahanap. Kahit doon sa sinasabing subdivision noong lalaki ay wala siya!
Napatingin kami sa monitor ni Liana ng sunod-sunod iyong nag-beep.
"BD, may nasasagap ako!" Imporma niya.
"Get the coordinates, now!"
Mabilis kong sabi na agad naman niyang sinabi. Ilang beses gumalaw ang monitor hanggang sa mag-zoom in iyon sa isang location.
"Jevanni Hotel QC! Room 154!"
"Dito lang kayo. If ever na may matrack na bagong location, puntahan nyo. Dalhin nyo sakin ng buhay ang Cheska Savanna na yan!" Sabi ko at tumakbo palabas at sinakyan ang motor ko.
Mabilis kong pinatakbo iyon papuntang hotel. Hindi na ako nag-aksaya ng oras ng makarating ako.
I run as fast as I could para makarating sa Room 154 na iyon.
Sinipa ko ang pinto at nagulat ako sa tumambad sakin.
Nakatutok lang naman ang limang pistol gun ng mga nakaitim na lalaki.
Inuubos talaga ni Cheska ang pasensya ko!
Pasimple akong dumukot ng smoke bomb, tinanggal ang pin noon at inihagis bago ako kumilos at ginilitan ang isa.
Pinilipit ko ang leeg ng una kong mahawakan at kinuha ang pistol nya tsaka pinaputukan ang tatlo .
Iniwan kong nakatayo ang isa.
Sinipa ko sya sa tyan pero nasalo nya iyon at pinilipit.
Pero sa pagpilipit nya agad kong itinaas ang isa ko pang paa para masipa sya sa mukha kaya nabitawan nya ko.
Agad akong tumayo at pinagsusuntok ang kanyang mukha .
"Tama na!" Sigaw nya.
Dinukot ko ang swiss knife ko at tinutok iyon sa dibdib nya.
"Nasaan si Cheska?" Gigil kong sabi.
Hindi na sya makabanggon pero tinawanan nya ko.
"Hindi mo sya mahahanap!"
"Talaga?" Nakangisi kong tanong ko.
Idiniin ko ang swiss knife sa dibdib nya kaya bumaon iyon ng hanggang kalahati.
"Arggg Ah!"
"Hindi mo talaga sasabihin?"
Iniikot ko ang swiss knife sa dibdib nya
"Fuck"
Mukhang wala talaga akong makukuha sa kanya kaya hinugot ko ang swiss knife at iginilit sa leeg nya.
I blew a loud breath and look around. Napatigil lang iyon ng biglang mag-ring ang cell phone.
It's Dein.
Sa loob ng isang buwan hindi nya ako iniwan. Lagi syang nasa tabi ko at pinapasaya ako.
Pareho kaming nawalan kaya pareho namin kina-company ang isat isa. It's so comfortable, maybe because we're both mourning and we only had each other since our family and friends had their own lives.
BINABASA MO ANG
She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)
ActionCOMPLETED (12/24/2018) ACHIEVEMENT Rank #1 - mafiaprincess Rank #1 - onlygirl Rank #1 - kills Rank #1 - yes Rank #3 - mafiaqueen Rank #4- gangs Secret after secret. That's Beatrice Diane Johnson's life. Sanay na sanay siyang tinatago ang totoong ka...