Chapter 25

2.7K 62 0
                                    

DEIN's POV

Ilang araw na rin ang lumipas nang malaman kong engaged na ko sa hindi ko kilalang babae.

Hindi muna ako pumupunta kina Beatrice kasi parang wala akong mukhang ihaharap sa kanya.

Nililigawan ko pa lang siya pero mukhang hindi ata umaayon ang tadhana samin.

"Pre ayos ka lang?" Tanong ni Jake

Andito kasi sila sa bahay. Pinapunta ko.

"Hindi ka na daw pumupunta kila Beatrice. Hinahanap ka ni Boss Jacob!" Sabi ni Eugene.

"Pre may problema ka ba?" Jerome.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanila.

"Umuwi si Mommy!" Panimula ko.

"What? Kailan?" Jake asked.

"Nung nakaraan lang!"

"Anong ginawa?" Tanong naman ni Eugene.

"Pinapapunta ka na ba nila sa States?" Dugtong ni Jerome.

"Hindi! May sinabi lang sya sakin!" Yumuko ako bago magpatuloy. "Engaged na daw ako!" 

Mahabang katahimikan ang sumonod hanggang sa narinig ko silang sunod sunod na bumuntong hininga.

Ito ang gusto ko sa tropa ko eh. Kahit mga loko loko at gago, pero hindi nang-iiwan kapag may problema ang isa.

JACOB's POV

Ilang araw na ang lumilipas pero hindi ko pa din makuha si Mommy.

At sa loob ng mga nakaraang araw na yun, hindi rin lumalabas ng kwarto niya si Beatrice.

Noong una akala ko nakagawa na siya ng paraan para tumakas pero hindi pala.

Nanatili siyang nakahiga at hindi lumalabas ng kwarto.

Kaya heto ako, dadalhan ko uli siya ng pagkain.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakahiga sa kama niya at nakatingin sa bintana. Hawak din nya ang picture ni Mommy.

"Beatrice!" Tawag ko sakanya. Pero hindi siya lumingon.

Nakita ko rin ang tray na dala ko dito kaninang umaga. Walang bawas.

"Beatrice kumain ka na naman oh!"

"Hindi ako gutom!"

Napabuntong hininga ako. Kasalanan ko 'to.

Inilapag ko na lang ang dala kong tray at binitbit naman ang isa pang tray.

"Iiwan ko na lang 'to dito ha. Kumain ka na!" Sabi ko at lumabas.

"Jacob!"

Napatingin ako kay Kuya Bryle. Galing ito sa labas .

"Galing ako kila Mr. Samonte!" 

"Oh anong ginawa mo doon!" 

"Makukuha na daw nila si Mommy mamaya!"

Agad nagliwanag ang mukha ko. "Totoo?"

"Oo. May plano na daw sila at this time sisiguraduhin daw nila na makukuha na nila si Mom."

"Thank God!"

"Magbibihis lang ako!" Sabi niya at tumaas

Bumukas uli ang pinto at pumasok sina Annika at Claire. May dala itong basket ng prutas at isang paper bag.

Simula nung makidnap sila Claire, lagi ng nandito yang si Claire.

"Jacob, si Beatrice kumain na?" Nakangiting tanong ni Claire.

She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon