BEATRICE's POV
It's been a week after JC's crimation, it still hurt lalo na noong iabot na kay Tita Yanni ang urn.
Pagkatapos noon ay umuwi uli ako ng Pilipinas dahil kailangan kong paghandaan ang plano ko kay Cheska Savanna. Hindi ako papayag na hindi ako makapag-higanti para kay JC.
Nandito ako ngayon sa Cliff dahil gusto kong mapag-isa. There was no room for breathing out and being alone for the past days.
Tumunga muna uli ako sa beer in can na hawak ko habang nakatingin sa langit.
Kamusta na kaya si JC?
I admit it, I love JC more than I love Dein before.
"Ahm, nandito ka pala!"
Napatingin ako sa likod ko. Alanganing nakatingin sa akin si Dein. May bitbit din siyang plastic at sa tingin ko, alak din ang laman noon."Alis na lang ako!" Sabi niya.
"No, you could stay here, Mr. Legazpi!"
Pagkasabi ko noon ay tumingin uli ako sa langit at tiningnan ang mga bituin. Naramdaman ko naman na umupo sya sa tabi ko.
"Isa sina JC, Claire at ang anak mo sa mga stars na yan, Mr. Legazpi!"
I heard him chuckle. Tumungga uli ako sa beer ko.
"Yeah, and I think they are watching the two of us right now. Kailan ka pa natutong uminom? I heard from Jacob you hated liquors.''
It's my turn to chuckle. "Simula noong masaksak si JC? I think!"
Napangiti ako at napayuko.
Ayokong umiyak sa harap nya ngayon. Pagod na akong umiyak, ang sakit na nga ng mga mata ko.
"Who's JC by the way? Kung hindi mo mamasamain."
Tiningnan ko sya. Nakatingin din pala sya sakin.
"Okay lang kahit hindi mo sagutin!" Sabi nya at nag-bukas din ng sarili nyang beer.
Inalog ko ang lata. Wala ng laman.
Tsk, gusto ko pang uminom.
"Here!" Sabi nya at inabot ang binuksan nyang beer.
"Thanks!" Sabi ko at tumingin uli sa langit.
Ilang minuto siguro kaming natahimik.
"JC is my boyfriend, Dein."
Tumingin ako sa kanya. Mukhang hindi naman na siya nagulat doon.
"Best friend ko siya dati sa Germany at sinundo nya ako dito sa Pilipinas noong umalis ako dito last year. Yun na uli ang pagkikita namin after so many years."
Napayuko ako at pasimpleng pinahiran ang luha ko.
"I really love him, Dein!"
DEIN's POV
"I really love him, Dein!"
Those words strikes on my heart.
"At hindi ko alam kung pano ako magpapatuloy ng wala sya"
Hinawakan ko ang kamay nya just to make her feel na handa akong makinig.
"Hindi nya kasi ako iniwan eh. I just... I just love him the way that he made me feel special kahit hindi sa romantic way!"
Hinigpitan ko ang kapit sa kamay nya.
Gusto ko syang yakapin at halikan sa noo pero baka sabihin nya, nakakabastos ako.
BINABASA MO ANG
She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)
ActionCOMPLETED (12/24/2018) ACHIEVEMENT Rank #1 - mafiaprincess Rank #1 - onlygirl Rank #1 - kills Rank #1 - yes Rank #3 - mafiaqueen Rank #4- gangs Secret after secret. That's Beatrice Diane Johnson's life. Sanay na sanay siyang tinatago ang totoong ka...