Chapter 14

3.2K 84 0
                                    

Truth

ELLA'S POV

Pagkatapos sumabog ng unang bomba dali dali na akong umalis. The last two bombs will surely kill Bloody Death.

"Niana, stay here. Siguraduhin mong mamatay na talaga 'yang si Bloody Death!"

"Yes Queen!" Mabilis sagot bago umalis.

Sisiguraduhin kong mawawala ka na this time. Hindi ka na makakaligtas d'yan.

Naglalakad ako papuntang kotse ng harangin ako ng High Commando, may katandaan na sila pero bihasa pa rin sila sa pakikipaglaban.

"Sumama ka sa amin!" Sabi ng isang tauhang nakapalibot sa kanila.

Tatakbo sana ako ng mapalibutan ako ng mga tauhan nila.

JACOB'S POV

"BEATRICEEEEEE!" Sigaw ko nang sumabog na ang buong building

Nakalagpas na sila halos sa pintuan. Fuck, bakit hindi pa umabot?

Unti-unti akong nakaramdam ng pagbara ng kung ano sa lalamunan, kasunod noon ay ang sunod-sunod na pag-tulo ng luha ko habang pinapanood kong masunog ang buong building.

No! I have to save her. My twin...

"Jacob?" Napatingin ako sa may bandang gilid ko. "A—Anong sabi mo?"

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya, ni hindi na ako nag-abalang pahirin ang mga luha ko.

"Pinanood ko ang paghihiganti ni Ella—"

"FUCK! So may alam ka dito? Fuck you! Alam mo ba kung sino si Bloody Death? Ha? Alam mo ba? Si Beatrice iyon, Mom! SI BEATRICE IYON!" Sigaw ko sa mismong mukha niya, tuloy-tuloy na akong umiyak.

Wala na akong pakialam kung mapagkamalan akong bakla dahil sa pag-iyak ko. Kakambal ko iyon e, mahal ko iyon!

"A-ano? Si Beatrice?"

"Oo Mom at napaka wala mong kuwenta. Parang ikaw na rin ang pumatay sa kanya dahil tinulungan mo 'yang hayop mong anak-anakan!"

Bigla siyang napaluhod bago humagulgol.

"Beatrice! S-sorry Jacob. H-hindi ko alam. S-sorry!"

"Mabubuhay ba ng sorry mo si Beatrice?" Malamig kong tanong sa kanya bago galit akong humarap sa kanya. "Sabihin mo nga, ano ba kami sa'yo? Ha?"

"A-anak, plea—" pilit niyang inaabot ang kamay ko pero iwinawaksi ko laman iyon.

"H'wag na h'wag mo akong matatawag na anak!" Sabi ko sabay tulak sa kanya.

Pinuntahan ko ang bukana ng building kahit umaapoy-apoy pa ito. Kailangan kong makuha ang katawan ni Beatrice. Pinahid ko ang luha ko pero, fuck! Tuloy tuloy pa rin ang pag-agos niyon.

Ayokong sa ganito kami maghihiwalay na kambal ko. Kababalik ko lang at ngayon ko lang makakasama uli. Mahal na mahal ko ang kakambal kong iyon. 

Walang nakakapaghiwalay sa'min noon.

*FLASHBACK*

"Akin na ang anak ko, Victoria!" Sigaw ni Dad. Maghihiwalay na sila dahil nahuli ni Dad na may kabit si Mom. Nauna pa akong makaalam noon pero hindi ako nag-salita. Akala ko kasi ay nagbago na si Mommy, hindi pa pala.

"Please, Christian! Kahit isa lang sa kambal," pakikiusap ni Mommy.

Nakasilip lang kami ni Beatrice sa pinto ng kwarto nila Dad. Hinawakan ko ang kamay ni Beatrice na ngayon ay umiiyak.

She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon