Hallucinations of Dein
DEIN'S POV
It's been 3 consecutive days na lagi akong nakakakita ng isang babae na naka-black leather jacket, skinny jeans at mask na babae.
At hindi ako pwedeng magkamali. Si Bloody Death iyon! At sa lumipas na tatlong araw na iyon, wala ring Beatrice na nagpaparamdam.
Sobra na akong nag-aalala at sobra ko na ring siyang namimiss.
"Nasaan ka na ba, Beatrice?" Tanong ko sa hangin.
Kahit si Jacob hindi na rin namin nakikita. Umalis na kami lahat-lahat sa bahay ni Beatrice, hindi pa rin sila bumabalik.
Naglalakad ako ngayon sa hall way papuntang room. Wala pang estudyante sa oras na 'to dahil 5:30 pa lang ng umaga.
Simula kasi ng biglang hindi pagpaparamdam ni Beatrice at lagi akong maagang pumapasok para intayin siya.
I was hoping na sana isang araw na pagpasok ko sa room makikita kong muli ang maganda niyang mukha. Na isang araw makikita ko uli ang maganda niyang ngiti. Ang hirap kasi ng ganito. Hindi man lang siya nagpaalam.
"You're making me insane Beatrice? Nasan ka na ba kasi?" Tanong ko uli sa hangin.
Umupo ako sa isang upuan malapit sa bintana kung saan tanaw ko ang gate.
Nag-ring ang cell phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko habang nakatitig pa rin sa gate. Sinagot ko ito ng hindi tiningnan ang caller.
"Hello?"
"[Bro?]"
"Oh Eugene napatawag ka?" Sagot ko ng makilala ko ang boses.
"[Bro napag-isipan mo na ba yung sinabi ko sayo the other day?]"
"Alin? Yung recruitment ng mafia ni Jacob?"
"[Yah, Ano game ka ba?]"
"Ah... Sig-"
Napatol ako sa sinasabi ko ng biglang bumukas ang pinto, di kalayuan sa akin. Pinatay ko muna ang phone call at pinuntahan ang pinto.
Pagpunta ko doon wala akong nakitang tao. Babalik na sana ako sa upuan ng biglang may umagaw ng atensyon ko. Pinulot ko iyon at tiningnan. Mask iyon na itim at nakita kong may pulang burda na "BD".
Nagpalinga linga ako at nakita kong may babaeng nakaitim na lumiko sa dulo ng hall way papuntang likod ng school.
Agad akong tumakbo doon pero isang mataas na pader lang ang nakita ko. Wala ni anino ni Bloody Death doon.
"Hay, ano bang nangyayari sa'kin?" Sabi ko at napabuntong hininga na lang.
Bumalik na ako sa room pero may nakaagaw na naman ng atensyon ko.
Isang matangkad, maputi at may mahabang buhok na babae. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Beatrice iyon!
Kaya agad akong tumakbo sa may gate pero guard lang ang nakita ko doon.
"Sir Dein may problem po ba?" Tanong ng guard sa akin.
"Mang Luis, may nakita ka po bang lumabas na babae dito?"
"Babae? Wala ho, Sir, tayo palang hong dalawa ang nandito! Bakit ho?"May pagtatakang tanong niya.
"Ah ganun ho ba. Wala naman ho. Sige po balik na lang ako sa taas!" Sabi ko at naglalakad na pabalik ng room habang tinititigan ang hawak kong mask.
"Ano ba talagang nangyayari sa'kin?"
CLAIRE'S POV
"Dad, you have to help me with this?" Sabi ko kay dad na busy'ng busy sa pagpirma ng kung ano anong papeles.
BINABASA MO ANG
She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)
حركة (أكشن)COMPLETED (12/24/2018) ACHIEVEMENT Rank #1 - mafiaprincess Rank #1 - onlygirl Rank #1 - kills Rank #1 - yes Rank #3 - mafiaqueen Rank #4- gangs Secret after secret. That's Beatrice Diane Johnson's life. Sanay na sanay siyang tinatago ang totoong ka...