JACOB's POV
Nakasuot ako ng itim na polo, ganoon din si Annika at ang tatlong taong gulang naming anak.
Nakaharap kami ngayon sa dalawang puntod ng taong naging parte ng buhay namin.
"Sayang baby Jannika hindi mo na sila naabutan!" Sabi ni Annika.
"Bakit po ba sila nandyan?" Bulol na sabi ng tatlong taon naming anak, si Jannika Johnson.
Tiningnan ko ang nakasulat sa lapida at ngumiti.
Tinapik ko na ang balikat ni Annika at niyaya ng umuwi. Kinarga ko si Jannika at inakbayan si Annika.
Muli kong nilingon ang lapida.
Claire Samonte at Baby Angel.
Hindi man kami naging sobrang close pero sila ni Annika ay naging magkaibigan.
BEATRICE's POV
Nakangiti ako habang naglalakad sa aisle. Suot ang isang maganda at eleganteng kulay asul na gown.
Napatingin ako sa katabi ko. Sobrang gwapo niya sa suot niyang dark blue tuxedo na pinarisan niya ng magandang ngiti.
Akala ko ay hindi na kami makakaligtas mula sa pagsabog ng yate, tatlong taon na ang nakakalipas.
Bago ko mapindot ang button na controller ay narinig ko ang sinabi ni Liana. May bomba din daw sa katawan ni Cheska kaya hinawakan ko ang kamay ni Dein at sabay kaming tumalon sa dagat.
Kasabay ng pagtalon namin ay ang pagpindot ko sa controller. Ilang buwan din kami sa hospital bago naka-recover.
Mukhang naramdaman niya na nakatingin ako sa kanya, kaya napatingin din siya sa akin.
"Sa susunod tayo naman dapat ang ikakasal ha?"
Napangiti lang ako sa kanya at hindi siya sinagot.
Umupo na ako sa kanang bahagi ng simbahan at pinanood magpalitan ng kanilang vows sina Jacob at Annika.
Napakasaya ko para sa kanila dahil buo na silang pamilya. Nasubok din ng mga problema ang relasyon nila at lumaki pa ang panganay nila ng tatlong taon bago nila naisipang mag-pakasal.
Ganoon naman talaga siguro. Everyone fell in love in different ways and will test by the fate. Kung hindi matibay ang tiwala at pag-ibig niyo sa isa't isa paniguradong magkakasakitan lamang kayo.
After all the things that happened between me and Dein, he still here beside me. Waiting patiently. Loving me, unconditionally.
Sa isang exclusive na hotel ginanap ang reception. Nakatanaw lang ako mula dito sa rooftop at pinapanood ang nagkakasiyahang tao sa baba.
"Bakit parang malungkot ka?"
Nilingon ko siya at nginitian. "Masaya kaya ako!"
Tumabi siya sa'kin at tumanaw din sa baba.
"Kailan kaya tayo ikakasal?"
Dalawang taon na niya akong nililigawan at matiyaga naman siyang naghihintay. He let me mourned for JC's death and recover. Iniwan din niya ako ng ilang buwan para pagbigyan ako sa hiling ko na pag-hilumin muna ang puso ko.
He gave everything that I wanted and needed. Bumabawi talaga siya nasabi niya dati kahit sabihin kong wala na sa akin iyon. Isa pa, nabali raw niya ang isang pangako niya sa akin noon. Iyong hihintayin niya akong bumalik.
I faced him and smile sweetly. "Hindi ba pwedeng girlfriend-boyfriend muna tayo?"
"Pwede naman kaso hindi mo pa ako—"
Nanlaki ang mata niya at napatingin sa akin. Tinawanan ko lang siya dahil sa expression niya.
Two years is more than enough. He proved his love every single day of that two years kaya sino ba naman ako para hindi siya sagutin. Natagalan lang talaga dahil na rin ginusto naming mas kilalanin pa ang isa't-isa. At sa dalawang taon na pag-hihintay at pagpapakilala, masasabi kong napaka-worth it and sigurado akong wala akong pag-sisisihan.
"I-Ibig mo bang sabihin?"
Tumango ako sa kanya at malapad na ngumiti.
Dahan-dahang kumubra ang ngiti sa labi niya bago siya nagtatalon habang tumatakbo papalibot sa rooftop. At nang tumapat siya sa'kin ay niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Thank you, Beatrice!"
Naramdaman ko ang isang butil ng luha na pumatak sa balikat ko. Nasundan pa iyon hanggang sa narinig ko na siyang humihikbi.
I guess, I really made a right decision.
"This is the best day of my life!" Sabi pa niya. Ginantihan ko siya ng yakap at nakangiting bumulong.
"I love you, Dein!"
Nanahimik siya sandali at kumalas sa yakap namin at hinawakan ang mukha ko at pinagdikit ang mga noo namin.
"I love you more!" Sabi niya at hinalikan ang dulo ng ilong ko at ang noo ko at muli akong niyakap.
Napakamapaglaro talaga ng tadhana no.
Sa una ay aakalain mong okay na ang lahat pero may dadating at dadating pa rin na bagong karakter na pwedeng magpahiwalay o magpalapit sa dalawang tao.
Kontento na ako sa nagawa ko. Pero alam kong hindi pa ito ang katapusan ng lahat.
This is just the beginning of our true story.
![](https://img.wattpad.com/cover/166653845-288-k137401.jpg)
BINABASA MO ANG
She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)
ActionCOMPLETED (12/24/2018) ACHIEVEMENT Rank #1 - mafiaprincess Rank #1 - onlygirl Rank #1 - kills Rank #1 - yes Rank #3 - mafiaqueen Rank #4- gangs Secret after secret. That's Beatrice Diane Johnson's life. Sanay na sanay siyang tinatago ang totoong ka...