Chapter 24

3K 65 1
                                    

Problems

JACOB's POV

Napako ako sa kinatatayuan ko.

Punong puno ang damit niya ng dugo galing sa iba't ibang sugat sa katawan niya.

"J-Jacob!" Napatakbo ako sa kanya ng muntikan na siyang matumba.

"Annika, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.

"J-jacob, si B-beatrice!"

Nanghihina siya. Binuhat ko siya sa sofa na kinauupuan ni Claire.

Tinuro niya ang pintuan.

"Annika anong nanyari? Ba't puro sugat ka?"

"J-Jacob... Puntahan niyo si Beatrice... B—Baka k-kung anong m-mangyari... H—hindi na—min siya mapigilan." Pilit niyang sabi sa pagitan ng paghahabol ng hininga at ubo niya.

Gusto ko ng tumakbo pero hindi ko rin kayang iwan si Annika na ganito ang tayo.

Sino bang uunahin ko? Si Annika o si Beatrice?

DEIN's POV

Mukhang naiipit si Jacob. Hindi ko man alam kung anong meron sa kanila nitong Annika, I can tell on how Jacob looks at her. He... loves her.

Lumapit ako kay Annika.

"Annika ano talagang nangyari? Nasan si Beatrice?"

Tumingin muna sya kay Jacob. Nakita kong tinanguan naman ni Jacob si Annika.

"N-nasa hide out ... May... May kasama siya.... Pinigilan namin siya sa kung anong plano niyang gawin... pero p—ati kami d-dinamay niya.... Ibang iba ang aura niya ngayon...Ngayon ko lang nakita si Boss na g-ganun. Puntahan n-niyo na sya. Please. N-nagmamakaawa a-ako."

Nanghihinang sabi niya.

"Pero paano ka?" Tanong ni Jacob.

"Okay lang ako dito," sabi ni Annika at tinakpan ang dumudugo niyang tagiliran.

"Mafia King kami na lang ang pupunta. Hayaan mo akong magbayad ng utang na loob." Pormal na sabi ng Daddy ni Claire

"But d-daddy..." Mahinang sabi ni Claire.

"It's okay Claire. I can handle this!"

"Sasama ako!" Matigas kong sabi.

Tumungin silang lahat sakin.

"Hindi ka sasama!" Matigas na sabi ni Jacob.

"B-bakit?"

"Pag sinabi kong hindi, hindi! 'Wag ka nang dumagdag!" Sigaw ni Jacob.

Ngayon ko lang siyang narinig na sumigaw. Napaatras ako. Nakakatakot ang aura niya.

"J-Jacob!" Hinawakan ni Annika ang kamay ni Jacob.

Napahilamos naman ng mukha si Jacob, para bang pinapakalma niya ang sarili nang biglang tumayo si Kuya Bryle.

"Ako! Sasama ako!"

"Pero, Kuya—"

"Let me Jacob!" Matigas na sabi nito na ikinabuntong-hininga na lang ni Jacob.

"Aalis na kami!" Sabi nung tatay ni Claire.

Wala na akong nagawa. Natahimik na lang ako at tahimik na nagdadasal.

BEATRICE's POV

Pagkatago ko kila Claire at Dein agad akong nagtago sa isang sulok. Madilim dito kaya hindi ako masyadong makikita.

"Bwiset nasan na sila!" Sigaw ni Brittany.

She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon