Chapter 17

3K 83 1
                                    

Hugs

JACOB'S POV

Bumaba ako para pumuntang kusina at para kumuha ng maliit na palanggana dahil pupunasan ko si Beatrice. Mag-aapat na araw na siyang malay, mag-aapat na rin siyang walang ligo!

Tuloy-tuloy ako sa pagbaba ng hagdan ng mag-ring ang cell phone ko. Tumatawag si Jake.

"Oh?" Bungad ko sa kanya.

"[Jacob andyan ba si Beatrice sa bahay niyo?]"

Napatigil ako. Sasabihin ko ba? Kaso kung sasabihin ko pupunta sila dito at baka malaman nila ang nangyari kay Beatrice.

Malilintikan ako doon.

"[Hoy Jacob! Andyan ka pa ba?]" Angil niya ng hindi ako sumagot.

"Oo, andito pa! Makahiyaw kala mo close! Wala siya rito!" Angil ko pabalik.

"[Huh? Eh nasaan siya? Apat na araw na siyang hindi pumapasok ah.]"

"Hindi ko alam, wala akong alam!"

"[Langya Jacob! Kapatid mo hindi mo alam kung nasan. Ano Dein 'wag kang magulo?!]"

"Eh, sa hindi ko nga alam! Ang kulit mo!"

"[Hello, Jacob si Dein 'to. Hindi mo ba siya hinanap? Hindi ka ba nag-aalala?] 

"Hmm, hindi naman masyado!"

Bakit naman ako mag-aalala? Mafia princess iyon at kasama ko siya ngayon. Bakit ako mag-aalala? Ligtas na siya. Nagamot ko na siya. Hindi na siya mawawala sa akin.

"[langya ka naman. Dyan ka na nga. Jake oh!"

Ang gulo. Makaakyat na nga lang sa taas. Dala ang palanggana na may lamang tubig ay umakyat na ako sa taas. Pinatay ko na ang tawag dahil nagkakagulo na lamang sila sa kabilang lingya. Bahala sila, basta ako aalagaan ko muna ang kakambal ko.

Pangbukas ko ng pinto. Napatingin ako sa kama.

Nabitawan ko ang lahat ng hawak ko.

"Beatrice?" Tawag ko sa kanya.

Binuksan ko ang pinto ng cr, baka sakaling nandoon siya... pero wala.

Napatingin ako sa bintana na hinahangin ang mga kurtinang nakasabit doon. Nililipad na iyon ng hangin tanda na bukas ang bintana.

Sarado to kanina ah.

Napangisi na lang ako ng marealize ko ang nangyayari. Ang tibay talaga!

DEIN'S POV

Uwian na at apat na araw na akong naghihintay kay Beatrice. Pero ni anino niya hindi ko makita. Hay, nasaan na kaya iyon?

Naglakad lakad ako mag-isa papuntang parking lot dahil nasa mga bagong girlfriend daw kuno na naman nila sina Jake at Jerome.

Nakayukong sinipa-sipa ko ang bato na nakita ko habang naglalakad.

"Ah!" Daing ng kung sino.

Shit! May natamaan ako! Teka! Ang boses na iyon...

Napaangat ako ng tingin. Napangiti ako sa nakita ko. After four days, I got a chance to see her face again. Her bright smile instantly put a wide grin on my face; indicating how happy I am seeing her right infront of me.

"Ganyan mo pala ako sasalubungin, e 'di sana hindi na 'ko bumalik pa!" Sabi niya bago ngumuso at nag-iwas ng tingin.

Lumapit ako sa kanya at hinila siya bago ko siya ikinulong sa mga braso ko at isinubsob sa dibdib ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi naman siya umangal, pero hindi rin siya gumanti. Tinapik-tapik niya lang ang likod ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakayakap sa kanya.

"Dein? Nakatulog ka na ba?" Natatawang tanong niya.

Napabitaw ako sa yakap ko sa kanya pero nanatili akong malapit sa kanya.

"Ano?" Nakangiti niyang tanong.

Ugh! I misa those angelic smiles.

"Namiss kita!" Pag-amin ko, "Saan ka ba kasi galing? Bakit ang tagal mong nawala? Hindi ka man lang nag text o tumawag. Tae, namiss talaga kita!" Sabi ko bago muli siyang niyakap.

Tumawa lang siya. Hindi niya ba 'ko namiss? Eh, halos mabaliw na ko kakaisip kung nasaan ako tapos tatawanan niya lang ako. Unfair!!!

"Oy, oy, oy, ano iyan ha?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Jerome, kasama si Jake na may kasama namang babae. Sabay na nanlaki ang mata nila ng makita kung sino ang yakap ko.

"Beatrice!" Sabay nilang sigaw at tumakbo papalapit samin.

Itinago ko naman si Beatrice sa likod ko ng akmang yayakapin siya ni Jerome

"Hoy ano ba, Dein? Payakap naman sa baby girl ko!" Sabi ni Jerome.

"Ayoko!" Sabi ko.

"Wow! Jowa ka po? Jowa ka po? Tabi, yayakap ako kay Beatrice!" Sabi ni Jake. 

"Eh bakit ba?" Sabi ko kaso biglang tumawa si Beatrice.

"Namiss ko kayo!" Sabi ni Beatrice at tumakbo papunta kay Jake at Jerome. Niyakap niya ang mga ito pagkatapos ay hinalikan sa pisngi.

Whattt?!

"Hoy, Beatrice! Ang daya mo ah! Niyakap at hinalikan mo sila tapos ako hindi. Ni hindi mo ko ginantihan ng yakap kanina tapos sila may halik pa. Nakakatampo ka!"

Tumawa siya at nandila naman ang dalawa bago sabay pa nilang inakbayan si Beatrice. Mukhang nakalimutan na nila na may kasama silang mga babae kanina, nakatuon na lamang ang atensyon nila kay Beatrice.

Tinalikuran ko sila at akmang aalis na ng biglang may yumakap sa akin.

"Sabi ko na nga ba at hindi mo 'ko matitiis e!"

Narinig ko ang tawanan sa likod ko kaya humarap ako para makita si Be—

"Ahhh! Bat ikaw ang nakayakap sa'kin ha?" Sabi ko sabay tumalak kay Jerome.

"Hahaha! Na-videohan ko iyon, pre!  Hahaha epic!" Tawang-tawang Sabi ni Jake habang hawak ang cell phone. Tawa naman din ng tawa si Beatrice at Jerome habang nakahawak sa tiyan.

Napatingin ako sa paligid. May mangilan-ngilang estudyante ang nakatingin sa akin habang tumatawa rin. Nakakahiya, langya!

"Halika na nga, yayakapin na kita!" Natatawa pa ring sabi ni Beatrice pero inungusan ko lang siya. "Uy, ayaw niya. Si Jerome na lang daw uli ang yayakap sayo."

Tumawa sila uli. Hay! Okay lang naman sa aking mapatawa sila, pero ibang kaso na kasi kapag kasama na ako sa pinagtatawanan nila!

Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin bago ako hinalikan sa baba sabay bulong ng "I miss you, too!"

Takte! Pwedeng makahingi ng oxygen? Nauubusan na ata ako!

She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon