Chapter 28

2.4K 66 0
                                    

DEIN's POV

Ilang araw nang hindi pumapasok si Beatrice at aaminin ko namimiss ko sya. Hindi ko naman sinasadya na sabihin yun sa kanya eh.

Pero ano pa bang magagawa ko? Nasabi ko na. Nasaktan ko na siya. Nahihiya naman akong pumunta sa kanila kasi narinig nilang lahat ang sinabi ko. For sure, galit silang lahat sa'kin.

"Bro!" 

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng pumasok sila Jake, Jerome at Eugene. Sabado ngayon kaya walang pasok.

"May nabalitaan kami!" Salubong ni Eugene.

"Tungkol saan?" Matamlay kong tanong.

"Kay Beatrice!" Mahinang sabi ni Jake.

"She dropped out!" Jerome said.

What? She dropped out?

"K-Kailan pa?"

"Noong Monday pa raw e, grabe di man lang nag-sabi sa'tin." May pagtatampong sabi ni Jake.

"Bakit daw?"

"Walang sinabi si Mrs. Bautista eh!" Naiiling si Jerome.

"Eugene may sinabi ba sayo si J-Jacob?" Tanong ko.

"Wala naman bro!" 

Napabuntong hininga ako. Kaya ba siya nag-dropped out dahil sa'kin?

Nabaling kami sa pinto ng may kumatok doon at sumilip ang isang katulong.

"Sir Dein? Mag-bihis na daw po kayo at aalis na daw po kayo mayamaya!" Sabi nung maid at agad na umalis.

Napabuntong hininga uli ako.

"Saan ka pupunta bro?" As usual, curios si Jake.

"Ngayon ko na ime-meet yung fiance ko daw!" Sabi ko at naghalwat sa cabinet.

"Pumayag ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Eugene.

Tumango ako.

"Aba'y gago! Paano si Baby Girl?"

"Nabigla lang ako!"

Sabay kaming upo ni Dad sa naka-reserved na table para sa amin, pang-apatan iyon. Tahimik lang kaming dalawa habang iniintay ang "fiance" ko raw.

"Mr. Legazpi!" Sabay kaming napatingin ni Daddy sa tumawag at nakita ko ang daddy ni Claire.

Wait don't tell me....

Bumukas ang pinto ng resto at pumasok si Claire na parang wala sa sarili.

"Ikaw?!"

BEATRICE's POV

"Dianne are you sure about this?" Tanong ni Daddy.

Nag-e-empake na ko ng mga gamit ko dahil mamayang madaling araw na ang alis namin.

"Yes, dad. I'm packing my things na nga eh!" Sabi ko habang naglalagay ng damit sa maleta ko.

"Okay then. Our flight is 4:30 am!" Sabi niya at lumabas na.

Napabuntong hininga ako at tumayo. Kinuha ko ang leather jacket ko at sinuot.

Pupunta muna ako ng cliff, for the last time.

"Daddy, Mommy may pupuntahan lang po ako." Sabi ko at tumakbo palabas. Agad kong sinakyan ang motor ko at pinaharurot.

Nang makarating ako sa cliff muli ko iyong pinagmasdan.

Tumulo ang luha ko. This is the last time.

Last time na makikita ko ang lugar na 'to.

At last time na iiyak ako dahil sa kanya.

She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon