DEIN's POV
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Kidnap-victim na naman ako!
Napatingin ako sa paligid ko ng makarinig ako ng mga kakaibang ingay.
Nakita ko ang isang babaeng binubugbog ang isang matanda.
Pumikit ako ng mariin at nagmulat muli.
Hindi totoo itong nakikita ko.
"Beatrice?"
Agad siyang tumigil at tumingin sa direksyon ko.
Gulat na gulat siya.
"D-Dein!" Utal niyang sabi.
"A-Anong ibig sabihin nito?"
"Lalabas lang kami." Sabi ni Jacob at dinala ang lalaking binubugbog ni Beatrice at sunod sunod silang lumabas.
Kami na lang dalawa ang natira dito sa loob.
Ilang minuto siguro kaming natahimik ng magdesisyon akong basagin iyon pagkatapos kong huminga ng malalim.
"B-beatrice? Ano iyong nakita ko?" Alanganin naman siyang tumingin sa akin.
Napatingin ako sa may bandang dibdib nya. Bahagyang punit ang damit niya doon.
At hindi ako pwedeng magkamali sa nabasa kong sa tattoo nya...
"Bloody Death?"
"D-Dein... Dein let me e-explain!"
Napailing ako at mapaklang ngumiti.
"Ikaw si Bloody Death?" Diretsya kong tanong.
Yumuko sya at tumango.
"Fuck!" Sigaw ko at hinampas ang pader.
"Alam mo ba yung pakiramdam ko Beatrice? Kinuwestyon ko yung mga nararamdaman ko para sayo at kay Bloody Death tapos malalaman ko na iisa kayo! Fuck that! Alam mo ba kung... Kung gaano kahirap sakin intindihin kung sino ba talaga ang mahal ko.. Dahil ikaw... Beatrice lagi kang nasa tabi ko.. Tapos, tapos si Bloody Death lagi akong nililigtas. Hahaha. Natatawa ka sigurong paglaruan ako!"
Nanlaki ang mata ko ng sampalin niya ako. Bahagya naman akong natauhan sa mga nasabi ko.
"Kahit kailan hindi kita pinaglaruan Dein!" Nagulat ako ng biglang may pumatak na luha sa mata nya. "Hindi ko gawain ang paglaruan ang damdamin ng isang tao Dein kaya wag na wag mo akong pagsasabihan ng ganyan!"
Napailing ako at humakbang patalikod.
"Siguro nga hindi. Pero manloloko ka!"
Tuluyan na akong tumalikod ako at umalis. Alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko.
Pero kung nasasaktan siya, nasaktan din naman ako.
Napabuntong hininga na lang ako ng mag-ring ang phone ko. Marahas akong humugot uli ng hininga ng makitang tumatawag si Dad.
"[What's your decision, Dein? Nag-hihintay ang kaibigan ko sa sagot mo kung—]"
"Magpapakasal na 'ko, Dad!"
BEATRICE's POV
"Siguro nga hindi. Pero manloloko ka!"
Para akong nasaksak sa dibdib dahil sa sinabi niya.
Manloloko?
Masama bang gawing doble kara ang buhay minsan? Masama bang itago yung nakasanayan ko para magkaroon pa rin kahit papaano ng normal na buhay?
BINABASA MO ANG
She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)
AçãoCOMPLETED (12/24/2018) ACHIEVEMENT Rank #1 - mafiaprincess Rank #1 - onlygirl Rank #1 - kills Rank #1 - yes Rank #3 - mafiaqueen Rank #4- gangs Secret after secret. That's Beatrice Diane Johnson's life. Sanay na sanay siyang tinatago ang totoong ka...