DEIN's POV
Napatingin ako kay Beatrice ng itigil nya ang motor sa isang kubo. Sa gilid nito ay may isang ilog. Dito na siguro nagtatago si Hetle.
"Isang hakbang at mamatay kayong lahat!" Napatigil kami ng may magsalita.
Lumabas ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 30 na ang edad may hawak sya sa magkabila nyang kamay kalibre 45 na baril. Pasimple kong pinindot ang butones ng jacket ko.
"Nasaan ang controller?" Malamig na tanong ni Beatrice.
Tumawa naman si Hetle. At nakangisi kaming pinasadahan ng tingin. Itinutok nyang maigi ang baril sa amin.
Pasimple namang pinalibutan ng mga kasama namin ang lugar. Naglakad si Hetle papalapit kay Beatrice at kinumpas-kumpas ang baril.
Susugod sana si Beatrice ng...
"Ops! Don't try honey, kung ayaw mong isa sa kanila ang mawala!"
Pumalakpak sya pagkatapos nyang sabihin yun.
Lumutang ang isang hologram mula sa buhangin at nakita namin si Master Lue, Master Genesis, Luigi, Jacob at Annika na tinututukan ng baril. Lalo akong nagulat ng makita kung saan pa nakatutok ang baril ng tao sa harap nila Jacob at Annika, sa tyan ni Annika.
"Kill me now and I'll make sure all of them will die!" Tumatawang sabi ni Hetle.
Tiningnan ko si Beatrice. Walang ekspresyon ang mukha nyang nakatingin kay Hetle. Natigil ang tingin nya sa tyan ni Hetle kaya sinundan ko iyon ng tingin.
Isang ngis ang sumilay sa labi namin dalawa.
Lumapit si Hetle at sinampal si Beatrice ng baril sa mukha. Lalapitan ko sana siya ng sumenyas siya na wag akong lumapit.
Nginisihan nya lang si Hetle at sinipa ang tyan.
Tumalsik si Hetle ng malayo. Umilaw ng apat na beses ang tyan nya.
Lumapit si Beatrice at akmang dadamputin nya si Hetle na mabilis na nakatayo at binigyan si Beatrice ng isang flying kick dahilan para mapaatras si Beatrice. Tutulungan ko sana sya ng pinindot ni Hetle ang zipper ng jacket nya. Nakulong sila dalawa sa parang isang cage. Sinubukan naming barilin at sirain ang cage pero walang tumatalab.
Napatingin naman ako sa hologram. Itinatali na ng mga kalaban sila Tito Lue. Nakatutok parin ang mga baril sa kanila.
BEATRICE's POV
Walang gana kong tiningnan si Hetle na nakangisi habang nakatayo hindi kalayuan sakin. Kinulong nya kaming dalawa sa isang cage.
"Ganito ka ba kaduwag?" Tanong ko sa kanya at nag cross-arms
"Ikaw ata ang duwag, Bloody Death. Napakarami mong kasama."
"Kaya kong lumaban ng mag-isa! Ikaw kailangan pa talagang mandamay ng iba!" Nakangisi kong sabi.
Tumunog ang maliit na PTHeadphone sa tenga ko.
"Don't worry on us, Beatrice. Kaya na namin sila. Kung gagawin man nya kaming panakot, wag kang matakot we can handle ourselves!" Boses iyon ni Master Lue.
Nginisihan ko si Hetle at dinukot sa secret pocket ang favorite kong sandata. Ang swiss knife at dagger.
Inumpisahan nyang bumaril pero mabilis akong nakaiwas. Tumakbo ako papalapit sa kanya na lagi nyang sinusundan ng baril pero sa buhangin lang tumatama. Binato ko sya ng dagger sa dibdib pero ni hindi ito dumugo.
So, bakal din ang katawan nya. Tiningnan ko ang paligid at nakangising tumakbo sa salaming pader ng cage bumanda sabay ikot sa ere kasabay ng sunod sunod na pagbato ko ng dagger na diretso sa lalamunan nya at sya naman ay walang sawang pinapapaulan ng bala ng baril.
BINABASA MO ANG
She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)
AcciónCOMPLETED (12/24/2018) ACHIEVEMENT Rank #1 - mafiaprincess Rank #1 - onlygirl Rank #1 - kills Rank #1 - yes Rank #3 - mafiaqueen Rank #4- gangs Secret after secret. That's Beatrice Diane Johnson's life. Sanay na sanay siyang tinatago ang totoong ka...