Chapter 30

2.4K 55 0
                                    

BEATRICE's POV

Umiiyak kong pinatakbo ang motor ko.  Wala na akong pakialam kung madisgrasya ako. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha.

Oo sinabi ko kanina na kapag umalis ako sa cliff, yun na ang huli. 

Pero nagkamali ako.

Sobrang mali.

Dumiretso na ako ng airport dahil isang oras na lang bago ang flight. Napakabilis ng oras. Paniguradong nandito na sila Mommy.

Mas lalo akong naiyak ng ipark ko ang motor ko at ibinigay ang susi sa isang gwardyang nakita ko.

"Bakit po, Ma'am?" Tanong pa niya.

"Sa iyo na lang!" Sabi ko at nilagpasan siya sabay pahid ng luha.

Nadinig ko pa ang pasigaw na pagpapasalamat ng gwardyang pero hindi ko na yun inintindi.

Umupo ako sa waiting area at tinext si Mommy na dito ko na lang sila aantayin. Malapit na raw sila at dala na rin nila ang mga gamit ko.

Napatingin ako sa braso ko at sa bracelet na nakakabit doon. At saka ko naalala ang oras ng ibigay niya sa akin ito.

*FLASHBACK

"Beatrice!" Napatingin ako sa kanya. Malapad ang niya habang iniintay akong makababa.

Dalawang araw pagkatapos namin ma-kidnap nang mag-pagkita siya sakin.

Ngumiti ako sa kanya katulad ng palagi kong ginagawa 'pag kasama sya.

Kinuha nya ang kamay ko at sinuot ang isang bracelet doon. Kulay ginto ito na may nakalagay na sunod sunod na susi. Magandang pagmasdan.

"Para saan iyan?"

Ngumiti sya sakin at hinalikan ako sa noo.

"That's for letting me to court you, Beatrice. And also a sign that you are the key of the locked heart. Ikaw lang ang makakapagbukas nito, Beatrice. Ikaw lang!"

*END OF FLASHBACK

Ang corny nya pero aaminin ko napasaya nya ako dahil doon. Hindi mapuknat ang ngiti naming dalawa dahil doon.

SOMEONE's POV

Napangisi ako ng makita ko syang umiiyak na pumunta sa waiting area ng airport.

Well, bagay lang sa kanya ang umiyak ng umiyak para sya na mismo ang pumatay sa sarili nya. Bawas problema at trabaho para sa akin.

Pero may biglang pumasok sa utak ko at naglakad ako papalapit sa kanya.
Inabutan ko sya ng panyo kaya napatingin sya sakin.

"Salamat!" Kinuha nya ang panyo at pinunas sya sa luha nya.

"Ako nga pala si Savanna!" Palihim akong napangisi.

Wag lang syang kutuban sakin at magagawa ko ng ayos ang plano ko.

"I... I'm Dianne!" Ngumiti ako para pigilan ang pagngisi ko.

"Wag ka na umiyak. Papangit ka nyan!" 

Gusto kong umirap sa mga sinasabi ko dahil sa kaplastikang nararamdaman ko.

Ngumiti naman sya sakin at tumango. Muli niyang pinahiran ang luha niya.

Hindi talaga nag-iingat sa mga nakikilala nya. Pero malakas ang kutob ko na makakatunog siya kapag hindi ko pinag-igi ang pagpapanggap ko.

"Friends?" Inabot ko ang kamay ko. Inabot naman nya iyon at ngumiti.

Hindi nya sinabi ang "friends" kaya alam kong hindi buo ang tiwala nya sakin.

Magaling ka pa din talaga, Bloody Death. Walang kupas.

DEIN's POV

Hindi ako umalis sa cliff. Nakatingin ako sa langit. 

Tumulo uli ang luha ko.

"Hihintayin kita, Beatrice. Hihintayin kita." Mahinang sambit ko.

Napayuko ako at tumingin sa relo ko. Ilang minuto na lang at aalis na talaga sya.

Tatayo sana ako ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko.

Paano nya nalaman ang lugar na ito?

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko sabay punas ng mga luha ko.

"Kinausap ko ang daddy mo at daddy ko!"

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa langit.

"Nakiusap ako na sana bawiin na lang nila ang agreement. I don't want to tie you on a marriage knowing you love my friend. Masyado na kitang naiisturbo dati, ayoko nang dagdagan pa iyon." Tumigil sya at bumuntong hininga. "Hindi pumayag ang daddy mo Dein. Wala... Wala ka naman daw ibang matutulong sa kanya!"

Napatitig ako sa kanya. Yun talaga ang tingin sakin ni Daddy.

"Dein alam kong mahal na mahal mo sya!" Nakita ko ang pagpatak ng luha nya. "At alam kong hindi ka magiging masaya kung itutuloy ang kasal natin once na maka-graduate tayo."

Graduate? Eh ilang months na lang bago kami gumraduate.

"Mahal kita, Dein. Alam mo yan. Pero hindi ibig sabihin noon, masaya ako na maikakasal ka sakin. Hindi ako magiging masaya kung alam kong... Kung alam kong hindi ko sya mapapantayan. Pero sana wag mo akong pigilan na mahalin ka, Dein. Kahit ituring mo lang akong kaibigan habang nasa iisang bubong tayo ay okay lang. Basta hayaan mo lang ako!"

Hindi ako umimik.

Claire used to be a good friend to anyone simula ng mailigtas kami ni Beatrice.

Simula nga noon ay hindi na sya masyadong dumidikit sakin at parang lagi pa nya kaming inaasar ni Beatrice.

Naging supportive sya sa bawat gawin kong panliligaw kay Beatrice. Siguro ayos lang naman ang hinihiling nya diba. Kaso, does marriage without love works?

"Friends?" Sabi nya at inabot ang kamay nya.

Ngumiti ako at walang pag-aalinlangang tinanggap ang kamay niya.

"Friends!" Sabi ko.

Inilagay nya ang ulo nya sa balikat ko at sabay kaming napatingin sa langit.

May dumaang eroplano. Iyon na siguro ang sinasakyan niya.

Wala na. Umalis na talaga sya.

She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon