Chapter 35

2.5K 64 1
                                    

CHESKA SAVANNA's POV

"Anong sabi mo?" Galit kong tanong sa tauhan ko.

"H-hindi po napatay si Bloody Death pero..."

"Paanong hindi? Isang taon kong sinanay ang mga taong 'yon para patayin siya pero walang nangyari?"

"M-may nadamay po, Ms. Yakuza!"

Napatingin ako sa kanya. "Ano namang pakia—"

"Si John Carlo Mendez po!"

Napatigil ako sa sinabi niya. Para akong nanghina at napaupo na lang sa swivel chair ko.

"Pumunta po siya sa pad nyo at may ibabalita sa inyo, ayon sa nakita ko sa Audio CCTV, nakita niyang sasaksakin si Bloody Death kaya hinila nya ito at sya ang sumalo ng saksak!"

Tumulo ang luha ko.

Two months had passed pero ngayon ko lang 'to nalaman.

Ginigigil talaga ako ng Bloody Death na iyan.

Una si Daddy tapos ngayon si JC?

Ano bang espesyal sa babaeng iyan? Bakit hindi na lang  siya ang mamatay kaysa sa mga lalaking espesyal sa akin?

"Nasaan si JC?" Tanong ko habang nakakuyom ang mga kamao.

"P-Patay na po!"

Lalo akong nanlumo.

Kasalanan mo to Beatrice! Kasalanan mo 'to!

Bakit kasi naging sila ng kapatid ko?

Yes, JC is my brother, though magkaiba kami ng tatay. Pero kahit ganoon, ipaghihiganti ko pa rin siya.

Hindi ako titigil hangga't hindi ko naipaghihigantiang daddy ko at si JC.

BEATRICE's POV

Wala ako sa sariling naglakad papuntang cliff.

Kailangan ko ng hangin.

Dalawa silang nawala sakin. Pakiramdam ko, kaya kong suongin lahat ng laban maliban sa labang 'to. Parang unti-unti nitong pinatitigil sa pag-tibok ang puso ko.

Nabalik lang ako sa sarili ko ng may humarang sa daan ko.

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Pero hinawakan ako noong isang lalaki at binalik sa kinatatayuan ko kanina.

"Ano bang problema niyo?"

"Buhay mo!" Matipid na sagot ng isang lalaking naka bandana.

I look straight to his eyes at hindi ako pwedeng magkamali kung sino siya.

Naramdaman ko na lang na may susugod sa likod ko kaya yumuko ako at mabilis na sinipa ang lalaking iyon.

Agad kong kinuha ang swiss knife ko at pinaikot ikot iyon.

Wag nila akong umpisahan ngayon dahil nagluluksa ako.

"Hahaha! Ang tapang mo talaga kahit kailan!"

Sinugod na nila ako ng sabay sabay. 

Sa tanya ko, hindi sila hihigit sa 20 at may hawak silang katana.

Yumuko ako at mabilis na sumuot sa pagitang nakita ko. 

Agad kong tinapakan ang likod ng isang lalaki ata ginilitan siya ng leeg. Inagaw ko ang katana niya at nakipag espadahan sa kanila.

Nagbend ako ng patagilid akong hahampasin ng isang lalaki.

She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon