Chapter 7

5K 110 1
                                    

Lemuel

BEATRICE'S POV

Kanina pa ako gising. Hinayaan ko lang ang nurse na 'to mag discuss ng tungkol sa sugat ko. Tsk sana hindi mahalata! Madali lang naman akong makakalusot sa sinabi ng nurse.

Minulat ko na ang mata ko nang maramdaman kong natahimik sila.

"She's awake, " sabi ni Jerome nang mapansin ako.

"Sabihin mo nga yung totoo Beatrice anong nanyari sa'yo?" Cold na sabi ni Dein. Tsk, kala mo matatakot ako!

"Wala, nahold-up lang ako kahapon. Nagmatigas ako na hindi ibigay ang pera ko kaya ayan nasaksak ako." Palusot ko.

"Hay, sa susunod kasi 'pag sinabi naming sumabay ka sa'min. Sasabay ka ha!" Sabi ni Jake habang naka pamewang.

"Kaya ko naman ang sarili ko," sabi ko at umiwas ng tingin.

Kung alam niyo lang. Kahit kayo, kaya kong protektahan.

"Kaya eh look at what happen to you?" Nanenermon pang dagdag ni Jerome habang tinuturo ang kabuoan ko, "Oh siya, mapahinga ka muna. Excuse naman kayong dalawa ni Dein kami ay papasok na!"

Napatingin ako kay Dein. Kanina pa siya tahimik at nakatitig lang sa akin. Ni hindi niya inaalis ang mga mata niya sa'kin na ikinaiilang ko na. Ano bang nangyayari sa kanya?

Nang umalis sila Jake at Jerome ay naupo siya sa paanan ng kama ko bago nag-salita.

"Anong totoo Beatrice?"

"Lahat!" Maikli kong sabi.

"May tinatago ka sa'min, alam ko iyon. Nararamdaman ko may iba ka pang dapat sabihin. Iyong mga biglaang pagkawala mo ta's biglang susulpot, ano 'yon? Ta's ngayon puro daplis ng kutsilyo? Gangster ka ba?"

Tanong niya kaya malamya akong napatingin sa kanya.

"Mukha ba akong ganster!"

I'm not a gangster. I'm more than that!

"Hay oo nga no, napakaamo ng mukha mo para pag-hinalaan kita. Sige mag-pahinga ka na. Ako na magbabantay sayo," sabi niya at tinapik ako sa ulo.

DEIN'S POV

Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. Pero tama naman siya. At saka mukha namang matino si Beatrice para mapaghinalaan ko na gangster.

Lumabas ako ng clinic at pumunta sa canteen para may makain kami. Paniguradong gutom na rin siya kasi gutom na rin ako e.

Bahagya pa akong napaatras pag pasok ko sa canteen.

"Kyaaaah Dein! Ang gwapo mo talaga!"
"Akin ka na langgg!"

"Hi, Babe!" Sabi ni Claire na mukha nang clown sa sobrang kapal ng make up.

Self-proclaimed girlfriend ko raw siya, na ikinaiinis ko. Ewan ko ba, pinipilit niya ang sarili niya sa akin kahit anong pag-tanggi ko sa kanya.

"Tigilan mo ng ako Claire. Hindi tayo at kahit kailan hindi magiging tayo." Sabi ko at nilagpasan siya. Halos lahat nakatingin na sa'min. I know, it was harsh, but she need to stop.

She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon