Chapter 31

2.4K 56 0
                                    

EUGENE's POV

Isang taon na lumipas simula ng umalis si Boss Jacob at ang pamilya nya.

At isa ako sa saksi kung paano naging malungkot ang kaibigan ko dahil sa paglayo ng kapatid ni Boss.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin sa school. Pumupunta parin kami dito kahit graduate na kami.

Katatapos lang kasi ng kasal ni Dein at Claire.

Yeah, natuloy ang kasal nila. Wala kasing patawad ang Daddy niya.

Simple lang naman ang naganap na kasal dahil yun lang ang gusto ng dalawa.

Umiinom kami ngayon dito.

Tahimik kaming nakatingin kay Dein.

Nagulat kami nila Jake at Jerome ng may makita luhang pumatak sa mata nya.

Ngayon ko lang ulit nakita ang mga luha nya. Huli ko iyong nakita ng umalis si Beatrice.

Yeah siguro umiiyak sya minsan kapag kasama si Claire pero swear ngayon na lang namin to nakitang umiyak uli.

Pagkatapos noon, naging cold na sya. Minsan na lang namin sya makitang nakangiti.

Naging matalik na magkaibigan si Dein at Claire. 

Hindi kasi sya iniwan ni Claire kapag malungkot sya at tanggap naman daw ni Claire na hanggang ganoon lang ang papel nya sa buhay ni Dein.

Ang maging Bestfriend at asawa sa papel ni Dein.

Malapit na din samin si Claire pero hindi kasing lapit ni Beatrice, pero maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't isa.

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Claire na nakasuot pa din ng simpleng puting dress.

"Umiiyak ka na naman, Bestfriend!" Sabi nya at naupo sa harap ni Dein

"Sorry!" Sabi ni Dein at pinahiran ang mga butil ng luha nya. 

Nakita ko syang ngumiti. Plastic!

"Bro, iinom mo na lang yan!" Sabi ni Jerome.

Tumawa si Dein ng bahagya.

"Itigil mo na yan, Jerome. Kundi isusumbong kita kay Liana!" Sabi ni Jake.

Agad namang ibinaba ni Jerome ang beer na hawak nya at masamang tumingin kay Jake. 

Nakahanap na kasi ng katapat ang babaerong si Jerome. Si Liana. Kasamahan sya ni Beatrice sa underground at kung hindi ako nagkakamali, isa sya sa pinagkakatiwalaan ni Beatrice.

"Edi isumbong mo, sisiraan naman kita kay Hannah!" Sabi ni Jerome kay Jake

Si Hannah naman ay nililigawan ni Jake. Isa syang nerd pero maganda. Hindi ko alam kung kailan at paano nagsimula ang pagkagusto ni Jake kay Hannah pero okay na din. Nabawasan ang mga kagagohan ng mga yan.

Ako? Well, iniintay ko pa si the one eh. 

"Subukan mo Jerome makakatikim ka sakin!" Sabi ni Jake habang nakataas ang kamao.

"Tumigil na nga kayo! Ang iingay nyo!" Sabi ni Claire habang napakamot sa ulo nya.

Ang cute nya sa inasta nya.

"Eugene, may balita ka ba sa kanila?" Napatingin ako kay Dein.

Seryoso ang mukha nyang nakatingin sakin. Tumingin ako kay Claire.

Mukhang hindi na sya nasasaktan dahil palagi na lang itong tinatanong sakin ni Dein

Umiling ako.

She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon