Wounds
DEIN'S POV
"Here we go again," bulong niya at hinawakan ang kamay ko ng biglang sumugod ang mga naka-red jacket. Hinubad ni Bloody Death ang jacket niya ng makitang naglabas ng swiss knife ang mga ito. Ipinangharang niya sa'kin ang jacket niya at siya naman ay gumanti ng pag-bato ng swiss knife.
"Shit! " sabi niya napatingin ako sa may braso niya. Nadaplisan na naman siya.
"Wala na kong swiss knife." Sabi niya."Ha? E-eh panu tayo?" Namutla ako katapusan na ba namin? Hala ka naman!
"Don't worry, swiss knife lang ang naubos sa'kin. Meron pa naman ako nito," sabi niya at itinaas ang baril.
Saan nang-galing 'yon? Ini-scan ko ang katawan niya. Ang sexy naman niya. Ang kinis ng braso ang puti-puti.
Hoy Dein nasa panganib kayo. Wag kung ano-ano ang iniisip mo!
Naubos na ang kalaban ng biglang medyo natumba siya at napasandal sa 'kin. Ang lapit niya. Napatingin ako sa mga mata niya. Ang ganda talaga parang katulad ng kay Beatrice. Nga pala nasaan na iyon?
BEATRICE'S POV
Shit nalulula na 'ko! Nakatatlong sugat na ko within this day ah.
"Okay ka lang?" Tanong ni Dein. Tumawa ako.
"Yeah, tara iuuwi na kita."
"Ha, eh, paano ka?" Kita ko ang pag-aalala sa mata niya. Nag-iwas lang ako ng tingin bago nag-kibit balikat.
"May first aid kit ka naman siguro sa inyo no?"
'Meron kaso hindi ako marunong gumamot ng sugat" sabi niya at napakamot sa batok.
"Don't worry I can handle it."
>>>Dein's House
In fairness malaki ang bahay niya. Double door ang main door noon. Sa tingin ko ay two-storey ang taas ng bahay, may garden, swimming pool at maliit na garden akong natatanaw.
"Mag-isa ka lang?" Tanong ko ng mapansing halos patay ang mga ilaw sa ilang parte ng bahay.
"Yeah, wait mo lang ako dito. Kukunin ko iyong kit," sabi niya at nagmamadaling umakyat sa hagdan.
Inilibot ko ang tingin ko, nalulula na talaga ako. Umupo muna ako sa sofa at pumikit. Dim lang ang ilaw niya sa salas. Hindi naman siguro halata ang itsura ko dito. Ilang beses na kaming nakag-kaharap as Bloody Death at palagi ko siyang kasama sa school, hindi naman niya ako namumukaan.
Medyo panatag na ako na hindi niya ako makikilala.
Maya-maya pa ay may naramdaman akong kamay sa may mask ko. Bigla kong hinawakan iyon at pinilipit.
"Ahh! Ahh ! Aray, Bloody Death!"
Napabitaw ako ng marinig ang boses ni Dein. Matalim ko siyang tiningnan.
"Ang ayaw ko sa lahat ay yung hinahawakan ang mask ko." Sabi ko at tumayo .
"Sorry gusto ko lang naman makita ang mukha mo." Sabi niya at yumuko.
Palihim akong natawa ako sa kanya. Kilala naman niya ko kaso hindi lang siya aware na ako at si Bloody Death ay iisa.
DEIN'S POV
BINABASA MO ANG
She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)
ActionCOMPLETED (12/24/2018) ACHIEVEMENT Rank #1 - mafiaprincess Rank #1 - onlygirl Rank #1 - kills Rank #1 - yes Rank #3 - mafiaqueen Rank #4- gangs Secret after secret. That's Beatrice Diane Johnson's life. Sanay na sanay siyang tinatago ang totoong ka...