Chapter 16: (Part 1)

3.2K 70 0
                                    

Blake

BEATRICE'S POV

Tsk, nakakainis! Naisasagawa na sana namin ang plano kung hindi lamang may biglang sumugod sa right wing ng HQ at nagnakaw.

Papatayin ko talaga iyang Black Pitch Gang na iyan.

Sumakay ako ng motor at pinaharurot paalis sa hide out at iniwan ang dalawang love birds doon na nag-uusap. Papasok na sana ako nang madatnan ko si Jacob at isa sa tapat kong tauhan na masinsinang nag-uusap. Mukhang may problema. Sa ganoong katayuan ko rin natanggap ang tungkol sa ginawang pagnanakaw.

Gulat ako ng mapansin ang makakasalubong kong kotse. Kay Jake iyon!

Walang ibang way na madadaanan. No choice ako kung hindi bilisan ang pagpapatakbo. Mukha namang hindi ako napansin ni Jake. Tuloy-tuloy lang ang pagda-drive ko, kaya agad akong nakarating sa HQ ng Black Pitch.

Tsk. Napaka-noob naman! Biruin mo naglagay ng pinto sa isang pader, hindi nga halata pero may nakalagay na "Do not Enter!"

Alam ko lahat ng galaw nila, maliban na lamang doon sa kanina. Kaya hindi na kataka-taka na alam ko ang hide out nila.

Sinipa ko ang pinto pabukas na siyang ikinagulat ng lahat.

"Whaaa! Sigaw noong isang bantay at nagtatakbo. Sinugod naman ako ng ibang bantay.

Sinugod ako noong isa. Sisipain niya sana ako ng dakutin ko ang paa niya at sinaksak ng Swiss knife sabay suntok at tusok sa mata gamit ang hawak kong kutsilyo. Pinaputukan ako ng iba. Agad akong tumakbo sa isa poste at nagtago. Kinuha ko ang baril ko at lumabas sa pader habang pinagpuputukan din nila ako.

"Wala na akong bala!" Dinig kong sabi noong isa.

Ngumisi ako. "Ako, meron pa!" Sabi ko at pinaputukan siya ng isang beses sa noo.

Nakarinig ako ng mga yabag, inayos ko muna ang mga bangkay iyong isa ay iniupo ko sa may upuan at iniyuko para mag-mukhang tulog. Pagkatapos agad akong tumakbo sa isang parang pader na hindi kataasan at nagtago doon.

"Boss, ayan si Bloody Death!" Dining kong sabi noong lalaking nagtatakbo kanina.

"Pinaloloko mo ba ko?" Dining kong sabi ni Blake— ang leader nila.

Sumilip ako. Nakatalikod sila sa kinatatayuan ko habang nag-uusap.

"Boss andito talaga s'ya. Siya nga ang pumatay sa mga kasamahan natin!"

"Anong pumatay? E wala nga ni isang bangkay dito. Oh bakit tulog 'yang bantay na 'yan?" Tanong ni Dein.

Natatawa ako dito sa pwesto ko. Pero tama na ang enjoyment kailangan kong patayin ang lahat ng Black Pitch Gang kaya kinuha ko ang karayom na may lason at pinitik sa dalawang nasa gilid.

"Hala, nakatulog sila!" Parang batang sabi noong lalaki. 

"Gago!" Mura ni Blake.

Yung lalaking isip bata naman ang pinitikan ko pati na rin iyong nasa tabi ni Blake.

"Boss idvyshkfd" Sabi niya bago natumba.

"Fuck! Kung sino ka mang hayop ka, lumabas ka!" Sigaw ni Blake.

Lumabas naman ako at sumandal sa pader na pinagtaguan ko. Hindi naman niya ako agad napansin.

"Psst!" Tawag ko sa kanya. Luminga linga pa siya.

"Ugh, 'wag mo 'kong pagtaguan!" Sigaw niya uli.

"Tsk! Tsk! 'Wag masyadong mainitin ang ulo, Blake."

Nagulat siyang humarap sa akin. Para pa siyang nakakita ng multo sa hitsura niya.

"B-bloody Death? B-buhay ka?" 

"What do you think?"

Hindi siya nakasagot at muling natulala. Maya-maya binago niya rin ang expression niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Bigla ay naging malamig ang tono niya.

"Well, you just ruined our I plan."

"Your plans? And we? Sinong tinutukoy—"

"I don't have to explain to you. Wala akong panahon makipagtalakan sa isang bakla na nagpapanggap pang lalaking-lalaki," sabi ko.

Nanlaki naman ang mata niya. Gulat na gulat uli siya.

"W-what did you say? H-hindi ako b-bakla!" Nauutal na sabi niya.

Binato ko sa kanya ang mga pictures na nakuha ko sa isang source ko. Mga pictures n'ya iyon na may kasamang iba't ibang lalaki. One of those, is him kissing a guy and the others pictures niya habang naka-make up at nakasuot ng damit na pang babae.

"Now tell me na hindi ka bakla?"

"S-saan mo y-yan nakuha? That's not true!" Sigaw niya bago ako humugot ng isang bagay sa likuran niya.

"Hindi ako bakla!" Sigaw pa niya.

"We? Eh bakit imbis na baril ang itutok mo sa:kin lipstick iyang hawak mo?"

Nanlaki ang mata niya at hinagis ang hawak niyang lipstick.

Sinugod niya ako at sinuntok pero nailagan ko kaya sa pader tumama.

"Ouch! Ouch!" Daing niya, hinawakan ko siya sa balikat bago ko siya sinipa sikmura kaya tumalsik siya at napahiga.

Nilapitan ko siya at sinuntok sa mukha at sinakal. Kahit nahihirapan ay tumawa siya.

"Alam kung dadating ang araw na 'to, Bloody Death. Kaya pinaghandaan ko na 'to!"

Pagkasabi niya noon ay naramdaman kong may nagtutok sa aking sentido ng baril. Naramdaman kong ikinasa niya na iyon bago niya kinalabit ang gatilyo.

She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon