The Plan
DEIN's POV
"Ang totoo niyan—"
Napabuntong hininga ako sa inis. May kumakatok kasi sa pintuan kaya hindi ko naituloy ang sasabahin ko. Bumakas ang pinto bago pumasok ang kung sino man ang umistorbo sa sasabihin ko.
"DEIN!" sigaw nina Jake at Jerome kasama si Eugene.
"Ano ba iyan, bro? Iyan ba ang isasalubong mo sa'kin?" Naiiling na sabi ni Eugene. Lumapit siya sa akin bago maingat nakipag-bro hug sa akin.
"Kailan ka pa bumalik?" Tanong ko pero tinapik niya lang ako sa braso. "Aray ko ha, iyong braso ko masakit!"
"Excuse me," singit ni Jacob. "Sa kabilang kuwarto lang ako."
Tinanguan ko siya at nagpasalamat, pero tingnan niya lang ako habang walang emosyon ang mukha niya.
BEATRICE's POV
Malinis kong pinaplano ang mga gagawin ko nang biglang pumasok si Jacob sa kuwarto ko.
"Okay ka na ba?" Tanong niya habang sinusuri ang sugat ko.
"Yeah, mga labing-limang minuto na rin simula ng magising ako. Si Dein?"
"Kagigising lang niya. Nandoon na rin ang mga kaibigan niyo." Naupo siya sa tabi ko. "Anong plano?"
Napatingin ako sa kanya pagkatapos tumingin ako sa bintana.
"Nagpa-organize ka na ng burol?"
"Oo. Ang problema na lang natin ay si Mom."
Napakunot ang noo ko. "What about her?"
"Umuwi ako kanina. Naabutan ko siyang nakatulala, hawak ang picture mo. May ibinubulong siya roon tapos... maya-maya tumawa at umiiyak!"
"Baliw na talaga siya!" Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. "Ililibing bukas ang kabaong at doon ako magpapakita. Aalis ako ngayon para linisin ang underground!"
"Kakaopera ko pa lang sayo. Kaya mo na ba?"
"Yeah!"
"Sasama ako."
"Bahala ka, pupuntahan ko lang si Dein." Sabi ko at bumangon. Nagsuot muna ako ng jacket para hindi mahalata ang mga sugat ko. Makirot pa ang mga sugat ko, lalo na ang tagiliran ko, pero dahil binigyan ako ng pain reliver ni Jacob, kaya ko na.
Pagkasuot ko noon lumabas na ako sa kwarto ko, naglakad ako sandali bago tumigil sa kabilang kwarto.
"Ano, bro? May girlfriend ka na?" Rinig kong tanong ng isang hindi pamilyar na boses.
Binuksan ko ang pinto kaya napatingin sa'kin ang lahat. Napansin ko naman ang isang lalaking ngayon ko lang nakita.
"Beatrice! My babeee!"
Susugudin sana ako ng yakap ni Jerome pero hinila ni Jake ang damit niya. Natawa na lamang ako.
"Oh Beatrice anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Jake.
Napataas naman ako ng kilay. Hindi ba sinabi ni Jacob?
"Nandito ako kasi bahay ko 'to?"
"Bahay mo 'to?" Gulat na tanong noong tatlo. Ngumiti ako sa kanila bago tumango at nakibit balikat.
"Ehem!"
Napatingin naman kami doon sa lalaking kasama nila.
"Ay oo nga pala. Beatrice si Eugene. Eugene si Beatrice!" Pakilala ni Jake.
BINABASA MO ANG
She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)
ActionCOMPLETED (12/24/2018) ACHIEVEMENT Rank #1 - mafiaprincess Rank #1 - onlygirl Rank #1 - kills Rank #1 - yes Rank #3 - mafiaqueen Rank #4- gangs Secret after secret. That's Beatrice Diane Johnson's life. Sanay na sanay siyang tinatago ang totoong ka...