3RD PERSON's POV
"Our men are ready Master Lue!" Luigi informed.
"Good. Papuntahin muna ang lahat sa meeting hall!"
"Yes master!"
Inayos na ni Master Lue ang mga gagamitin nya. Kailangan nyang lumaban kahit na alam nyang ikakasama nya iyon dahil sa Hypertension nya.
Pumunta na sya sa taas ng Meeting Hall, nakatayo na din doon si Master Genesis kasama ang kanang kamay nito at assistant.
"Lue ano ng plano?" Tanong ni Master Genesis ng makalapit na sya.
"Wait up, Genesis."
Humarap na sya sa lahat ng mafia's na kaanib pa nila. Marami ang nasa loob ng Meeting Hall na yun. Matitikas ang kanilang tindig at handang handa na sa laban.
"Makinig ang lahat. Ang kalaban natin ay kinokontrol ng isang programming system."
Nag-ingay ang lahat.
Paano nga ba nila matatalo ang kalaban kung kontrolado ito ng isang programming system? The Yakuza are really evolving.
"Makinig. Mahahati tayo sa apat na grupo dahil apat na lugar ang kinalalagyan ng mga controller. Ang unang grupo ay pupunta sa pupunta sa Easthern Ward na pinamumunuan ni Luigi, ang pangalawa ay sa West Ward na pinamumunuan ni Jacob, ang pangatlo ay kay Master Genesis sa South Ward at ako sa North Ward. Be sure na mahanap nyo ang malaking red button sa harap ng controlling system. Yun lang ang makakatalo sa kalaban!"
"Ang easy naman!"
"Sisiw lang yan!"
"Wala bang mahirap!"
Iba't ibang sigawan ng mga nasa loob.
"Hindi basta basta ang makakalaban nyo doon. Nakaprogram ang utak nila. Once na malaman nila na hindi ka nila kasama ay hindi sila magdadalawang isip na patayin kayo. Ang mga katawan ng makakalaban nyo ay nababalutan na ng bakal kaya hindi sila madaling patumbahin!"
"Lue, paano natin magagawa ang plano kung ganon?" Alanganing tanong ni Genesis.
Lumapit si Luigi kay Master Lue at iniabot ang isang pantattoo.
"Gagawa tayo ng pekeng marka ng katulad ng sa kanila. Na-subukan na namin ito at effective. Wala silang pag-dududa. At sa pagpatay naman, lalamunan at leeg lang nila ang walang bakal doon nyo sila puntiryahin at paniguradong mamamatay sila.
DEIN's POV
Hindi ko alam kung tama na ngayon na kami sumugod.
Andito kami ni Beatrice sa bahay nya at naghahanda. Kami at ang mafia nya ang susugod sa Batangas kung nasaan si Hetle at Cheska.
Base sa sulat ni John Claus nasa Barangay Calayo, Nasugbu daw si Hetle at sa Lemery naman si Cheska.
Una naming pupuntahan si Hetle dahil sa controller.
Napatingin ako kay Beatrice. Seryoso syang nag-aayos ng mga dadalhin nya.
Hinawakan ko ang kamay nya kaya napatigil sya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko.
"Ipaghihiganti ko si John Claus, Dein!"
Napayuko na lang ako ng banggitin na naman nya ang pangalan ni John Claus.
"I-Im sorry!" Sabi nya.
Nginitian ko na lang sya. "Okay lang. Alam ko namang mahal mo pa din sya eh!"
Binitawan ko na ang kamay nya.
"Tara na?"
Tumango na lang sya at naunang maglakad palabas.
BINABASA MO ANG
She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)
حركة (أكشن)COMPLETED (12/24/2018) ACHIEVEMENT Rank #1 - mafiaprincess Rank #1 - onlygirl Rank #1 - kills Rank #1 - yes Rank #3 - mafiaqueen Rank #4- gangs Secret after secret. That's Beatrice Diane Johnson's life. Sanay na sanay siyang tinatago ang totoong ka...