[They are tied by a wedding knot, struggles came and it lead to broke their vows.]
BEATRICE's POV
Buwiset!
Dalawang buwan na akong nandito sa Pilipinas pero hindi ko mahanap kung nasaan ang hayop na si Cheska Savanna na iyan.
Napaupo na lang ako sa may cliff.
Yeah, bumalik ako dito at dito ko nilalabas lahat ng sakit at galit.
Kamusta na kaya si JC? Iniba ko kasi ang access codes ko para hindi ako matrace. Dahil ayaw ko na ng may nadadamay.
"F-Frenny?"
Napalingon ako ng may magsalita sa likod ko.
"Frenny ikaw nga!"
Napatayo ako ng salubungin niya ako ng yakap. Niyakap ko din siya pabalik.
"Kailan ka pa bumalik? Ba't hindi ka na nagparamdam? Ba't hind—"
"Stop it, Frenny!" Putol ko sa kanya.
Muli niya akong niyakap. Napangiti na lang ako habang umiiling.
"Tarang maupo!" Yaya ko sa kanya at sabay kaming naupo.
"Ba't mugto ang mata mo?" Tanong ko dahil pansin kong mugto ang mga mata nya. "Inaaway ka ba ni Dein?"
Nanlaki ang mata niya.
"P-Paano mo nalaman?"
Ngumiti ako.
"Walang nakakalampas na balita sakin, Claire!"
"Sorry!"
"No, its okay! Ano pinapaiyak ka ba nya?"
Umiling sya.
"Then bakit mugto ang mata mo?"
CLAIRE's POV
"Then bakit mugto ang mata mo?"
Napayuko ako dahil mag-uumpisa na namang tumulo ang luha ko. ''I-I'm p-pregnant!"
"Aren't you happy?"
Umiling ako at kinuwento ang sinabi sa'kin ng doctor.
Pagkatapos kong ikwento ang lahat naramdaman ko na lang na hinagod ni Beatrice ang likod ko sabay niyakap ako kaya napayakap din ako sa kanya.
"Nasabi mo na ba ito kay Dein?"
Umiling ako.
"Tara, pupuntahan natin siya."
Maingat niya akong pinatayo bago ako inalalayang sumakay sa kanyang motor.
Iba na to sa dati nyang motor pero astig pa rin.
Hindi pa din nagbabago si Beatrice, she's still the cool girl that I know. I hope she's okay and still as tough as she was before.
DEIN's POV
"Jacob, kailan pa kayo nakauwi?"
Sumalubong ako sa kanila.
Pauwi na ako noon dahil tapos na ang meeting ko with the manager of this airport nang makita ko sila.
"Ah, ngayon lang?"
"Can I invite you guys at our house? Parang pa-welcome lang kung baga?"
Ngumiti na lang sya at ginising si Annika. Pupungas-pungas naman siyang nagpababa kay Jacob.
"Oh Hi, Dein!" Bati niya sabay lapit sa akin.
Bigla nyang kinurot ang pisngi ko.
"Aray aray!"
BINABASA MO ANG
She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)
ActionCOMPLETED (12/24/2018) ACHIEVEMENT Rank #1 - mafiaprincess Rank #1 - onlygirl Rank #1 - kills Rank #1 - yes Rank #3 - mafiaqueen Rank #4- gangs Secret after secret. That's Beatrice Diane Johnson's life. Sanay na sanay siyang tinatago ang totoong ka...