Chapter 9

3.9K 100 0
                                    

New Rival and her Mom

DEIN'S POV 

Pagpasok ko ng bahay, napangiti ako nang maalala ang pagligtas na NAMAN sa'kin ni Bloody Death .

"Hayy, Bloody Death lagi mo na lang akong nililigtas," sabi ko at pumunta ng kusina. "Kakapagod na naman ang araw na to!" 

Uminom ako ng tubig nang biglang nag-flash ang mukha ni Beatrice, maya maya napalitan ito ng natatakpang mukha ni Bloody Death. Nanginig bigla ang kamay ko at nabitawan ang baso. Tsk, pinulot ko na lang ang nabasag na baso. Nanghahawakan ko na ang pinaka malaking bubog bigla akong nasugatan. Parang may masamang nangyayari. 

And I have a bad feeling na may kinalaman iyon kay Beatrice o kaya kay Bloody Death.

BEATRICE'S POV 

Paulit-ulit kong tinapakan ang preno pero, shit ayaw talagang gumana. 

"Gumana ka na please. Shit may kasalubong  ako," sabi ko nang matanaw ang ilaw ng sasakyan. Iniwasan ko ito pero napunta ako sa direksyon ng isang malaking puno. 

Babangga ako! Babangga ako!

Agad kong binuksan ang pinto at tumalon, kasabay nito ang pag-bangga ng sasakyan ko sa puno at pagsabog. Tumalsik ako at tumama ang ulo ko sa sanga ng puno and everything went black. 

ELLA'S POV 

"Dapat lang 'yan sayo Bloody Death," sabi ko habang pinagmamasdan ang kasasabog pa lang na sasakyan. 

Kotse iyon ni Bloody Death. Sa lahat kasi ng gagalawin niya si Lemuel pa.

>> FLASHBACK 

Papunta ako sa hide out nina Lemuel—which is my fiance, nang bigla siyang tumawag.

"Hello Babe?''

'' [Babe, help me! Hinahabol ako ng mga tauhan ni Bloody Death, sigurado akong tauhan niya 'to. Nakita ko ang mga tattoo nila. ]"

"What? Nasaan ka? Nasaan ang mga gangmates mo?"

" [ Babe please. Nasa may park ako, may dalawang kanto mula  sa hide out namin. Malayo na 'ko sa hideout at mukhang nakauwi na ang mga kasama ko. Babe I'll hang up. Maaabutan na nila ako.]"

"Babe? Babe?" Pasigaw ko pang pag-tawag pero dial tone na lamang ang narinig ko.

Kaya agad kong tinawagan ang mga gangmates ko. At hinarang si Bloody Death. Habang kinakausap ko siya, tinatanggal naman ng tauhan ko ang preno ng kotse niya.

Ito ang napapala ng mga kumakanti sa mga nakapaligid sa akin. Nakangisi lamang ako habang pinanood ko lang ang sasakyan niya na may iniwasang sasakyan at dumiretso sa puno at sumabog. 

Goodbye, Bloody Death. May you rest in hell!

>> End of Flashback 

Ako si Janice Elle Loresca, 20 y/o. And I'm the fiance of Lemuel and the reigning Mafia Queen.

DEIN'S POV

Pagkapulot ko sa mga bubog pumunta akong salas at nanood ng balita. News na pala. 

"Isang kapapasok lang nabalita, isang kotse sa Liftoff Park sumabog. Sa nakakakilala po sa biktima o sa may ari ng kotseng may plate no na BWC 637 mangyari lamang po na pumunta sa Del Mindo General Hospital." Reporter. 

She's A Secret Mafia Princess (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon