Chapter 1-AloWdia

4.4K 28 1
                                    

June 16, 2014

"Alodia!!! Bumangon ka na diyan at malalate ka na sa klase. Unang araw pa naman ng pasukan, kahit kailan kang bata ka napakabatugan mo. Ewan ko ba kung kanino ka nagmana.", pasigaw na sermon ng aking dakilang ina na itago na lang natin sa pangalang, Anabelle, habang kumakatok sa pinto ng aking silid.

"Opo! Eto na nga po babangon na!! Ilang beses ko bang uulitin Ma na it's Alowwdiawith a 'W' not Alodia. Yuck. Alodia sounds so cheap. Like 'duh' whateva." Tugon ko sa nagmamaktol kong ina sa kabila ng aking pintuan habang nag-stretch ng aking sexy body, bago tuluyang bumangon sa aking kama at maligo. Kahit kailan talaga tong si mudra, walang tigil sa kadadakdak. Buryung-buryo na yung tainga ko dahil sa mala megaphone niyang boses sa umaga. Kung tutuusin ay may isang oras pa naman ako bago ang klase ko. 7:30 pa lang ng umaga sa aking wall clock sa tapat ng kama ko at 8:30 pa ang klase ko. Mga 6-8 blocks away from our home lang din kasi ang University na pinapasukan ko kaya imposibleng malate ako. OA lang talaga si ina. -.-

Gaya ng sabi ni Anabelle a.k.a. mudra, unang araw ngayon ng first sem ng aking 2nd year sa college. I'm taking up a degree in Business Management sa De La Salle University. My family consists of a mother, a Japanese step-father (named Tomohisa Yamashita) and me. Kung hindi niyo kasi naitatanong, dating Japayuki si Anabelle at doon niya nakilala ang mayaman kong step father. And since di sila nagkaanak, inadopt na lang ako ng step father ko kaya ang ginagamit ko ng name ngayon ay Alo(w)dia Yamashita. O di ba? Parang Yamashita's treasure lang. Charot.

According to my relatives, kay mudra ko namana ang kaharutan ko. Katulad na katulad ko daw si Anabelle noong kabataan niya kaya nga at a tender age of 17 ay ipinanganak niya na ako. Well, di ko naman siya masisisi kung talagang maalindog lang siyang tulad ko. Ang pinagkaiba lang namin ay di ako nagpapaisa at maingat ako. Siyempre i won't do it without protection no? Ayaw ko pa maging batang ina. Never ko namang nakilala ang biological father ko at hindi rin naman ako interesadong makilala pa siya. Iniwan niya si Anabelle noong nalaman niyang buntis ito at nagtungong who-knows-where at di na muling nagpakita. Kaya rin napilitang magabroad si mudra para lang mabuhay niya ako. Buti na lang at nakatagpo siya ng mabait na mapapangasawa na madatung pa. Kaya eto, nakakapag-aral ako sa isang mamahaling unibersidad. Anim na taon ding nagtrabaho si ina sa Japan bago nila naisipang dito na manirahan ng asawa niya at kunin na ako mula sa pangangalaga ng aking lola. Magkasundo naman kami ng aking step-father at mabuti na lang at marunong siyang mag-Ingles. Kundi baka sign language na lang ginawa namin to communicate. Haha. Tinuring niya na akong parang tunay na anak at ganoon din ako sa kanya.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagtungo na ako sa aking 'achuchuchu'table at umupo sa aking 'achuchuchu'chair. Achuchuchu kasi dito nagaganap ang kung anu-anong kaartehan ko sa mukha ko at sa iba pang parte ng katawan ko. Sa ibabaw nito ay ang achuchuchu mirror kung saan ko tinitignan ang maladyosa kong kagandahan habang nagmamake-up. Ang aking OOTD para sa first day of class ngayon ay isang body hugging na plain blue shirt, black skinny jeans, at puting doll shoes. Siyempre kahit na gusto ko ng flirtatious outfit at bonggang make-up hindi pwede kasi di ako papapasukin ng guard sa campus. Kaya disente-disentehan ang lola niyo. Naglagay ako ng konting foundation sa aking mukha, eyeliner para mas lumutang ang aking brown eyes, konting blush on, at pink na lip gloss. Itinali ko naman ang aking waist-length na buhok into a bun. I took another glance sa aking mirror bago lumabas ng aking kwarto patungong dining room kung nasaan sina mudra at ang aking stepdad. Bitbit ko na ang aking Chanel na shoulder bag pagkalabas ko patungong dining.

"Good morning young lady. Did you sleep well?" bati sa akin ng aking stepdad habang palapit ako sa kanya para bumeso.

Nakaupo siya sa aming dining table habang nagbabasa ng isang Japanese business magazine na hindi ko naman naiintindihan. May isang tasa ng kape sa kaliwang side niya at isang plato na may lamang bacon, egg at toasted bread naman sa harap. Habang si mudra naman ay busy sa paglalapag ng iba pang achuchuchu sa hapag kainan.

"Good morning too dad. Yup. I did sleep well last night. Do you have work today?" tugon ko naman matapos kong bumeso sa kanya at umupo na sa kabilang side ng table. Nilapag ko ang aking bag sa katabing upuan at nagsimula nang kumuha ng pagkain.

Ang totoo ay almost 3 hours lang ako natulog dahil nagclubbing pa kami ng mga friends ko last night. Huling night out na kasi before ng pasukan kaya sinagad na namin. Mga quarter to four in the morning na ata akong nakauwi pero siyempre hindi alam iyon nila mudra dahil kakuntyaba ko ang kasambahay namin. Hihi. Siya lagi ang tumutulong sa kin para di ako mabisto ni Anabelle. Lol.

"Yeah... unfortunately, your mom and I will be on a business trip for a month. We need to meet with our business partners in Japan. Our flight's scheduled later this afternoon. Will you be alright here by yourself? Manang Tinang is here anyways. If there's a problem please don't hesitate to call us." Sagot ni stepdad Tomohisa habang humihigop ng kape niya.

"Don't worry about her. For sure, she can take care of herself. That's what she wants anyway- to be independent." Singit ni mudra sabay upo sa silyang katabi ng kay stepdad.

"Mom's right Dad. Don't worry about me and have a safe trip." Utas ko sabay ngisi kay stepdad.

"Alright then. I guess, we'll see you in a month?" tugon naman ni stepdad ng may ngiti rin sa kanyang labi. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

---------

Pagkatapos kumain ay agad na akong nagpaalam sa aking mga magulang para pumasok sa unibersidad. Kahit na malapit lang naman iyon sa amin ay nagpahatid pa rin ako sa aming driver because ayaw ko namang maging haggardo versosa sa paglalakad at nakakabawas sa aking maladyosang kagandahan. Kailangan maalindog pa rin ako pagdating ko sa school para malaglag ang mga boxers and briefs ng mga adones na makakasulyap sa aking kagandahan at kasexyhan. :p

Pagkarating ko sa may porch ng bahay namin ay nakapark na sa tapat nito ang aming GL-class Mercedes-Benz habang ang aming driver na si Mang Gerry ay nakahalukipkip naman na nakasandal sa pinto ng aming car habang naghihintay sa pagdating ko. Nagangat agad siya ng tingin nang napansing naroon na ako at umayos ng tayo sabay bati sa akin.

"Good morning po ma'am. Pasok na po kayo at baka malate pa kayo. Unang araw pa man din." Bungad ni Mang Gerry sabay ngiti. Binuksan niya ang pinto sa backseat sabay kumpas ng kanyang kamay na nagsasabing pumasok na ako sa loob.

"Thanks Mang Gerry!" tugon ko ng nakangiti bago pumasok sa loob ng sasakyan. Pagkapasok ko ay agad kong hinalungkat ang aking Chanel bag para kunin ang makeup kit ko nang makapagretouch. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin ng aking press powder at nagapply ulit ng konting lip gloss at powder bago ko ito isinilid balik sa loob ng aking makeup kit. Dumungaw ako sa bintana ng aming sasakyan at napansing traffic. Well, what's new? Lagi namang traffic sa Manila. Ugghhh -_- kahit ata five minute-drive lang papunta sa destinasyon mo ay magiging 30 minute-drive na sa sobrang heavy traffic. I don't wanna walk naman kasi you know kabawasan sa alindog ko. Kaya imbis na stressin ang sarili ko ay pinagmasdan ko na lang ang mga nakabalandrang sasakyan sa daan at ang matatayog na gusali sa paligid habang nagmumuni-muni. Sa aking pagmumuni-muni ay lumipad ang aking utak sa isang lalaking pinagmulan ng lahat ng aking frustrations. Ang kaisa-isahang lalaking di tinablan ng makamandag kong alindog... Ang lalaking nakadevelop na ata ng resistance sa halinang taglay ko at kaya akong i-repel ng basta basta na lang. Ang natatanging lalaking gusto kong seryosohin pero ayaw naman akong seryosohin...

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon